20 (Leave)

847 26 17
                                    

Nang makita ko agad ang sasakyan ni Lace sa labas ng campus ay patakbo ko itong itinahak. Nag message siya saakin na susundoin niya ako kaya naman matapos ang huling klase ko ngayon ay patakbo akong lumabas.

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse niya sa may shotgun seat, habang abot tenga ang ngiti ko. Ngunit bigla lamang nawala ang ngiti ko nang pagbukas ko palamang ng pinto ng kotse ay bumungad na saakin ang itsura ni Lace na ngayon ay maputla at parang bagsak ang katawan.

Agad akong sumakay at sinara ang pinto ng kotse. Agad na dumaloy sa buong katawan ko ang pag aalala sa itsura ngayon ni Lace. Kahit pag ngiti saakin ay hindi niya magawa. Kinuha ko ang kanan niyang kamay na nasa steering wheel at hinawakan ito. Sinundan ito ng tingin ni Lace saka tumingin saakin ng seryoso at walang ka emoemosyon ang mukha

"Lace anong nangyari sayo? Okay ka lang? Bakit maput—" agad na naputol ang sasabihin ko nang agawin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko

"Bakit kayo magkasama?" tanong niya nang hindi nakatingin saakin

"Ano?" tanging tugon ko, nagugulohan sa tinanong niya

"Don't lie Alyanna, why are you with him?!" pasigaw na tanong niya saakin

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa pag sigaw niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang tawagin niya akong 'Alyanna' na hindi niya naman nakasanayan. Kitang kita ko ang galit at lungkot sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya saakin ngayon. Hindi pa nga nawawala ang pag aalala ko dahil sa itsura niya ngayon ay nahaloan na ng kaba at takot ang nararamdaman ko

Napalunok ako nang maisip na si Jasper ang tinutukoy niya. Na ang pagkain namin ng lunch kanina ni Jasper ang ikinagagalit niya. Paano niya nalaman?! Wala naman akong balak itago sakanya pero hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon niya. Sino pa nga ba ang nag sabi sakanya? Edi walang iba kundi ang nuno sa punso na si Erica!

"Kumain lang kami ng lunch, Lace. Bakit ka nagagali--" naputol ulit ang sasabihin ko nang hampasin niya ang steering wheel ng sasakyan niya

"Bakit ako nagagalit?! Are you serious? I will return your question to you! Bakit nga ba ako nagagalit?" seryosong sabi niya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko

Agad kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko at ang pag init ng mga mata ko. Iniwas ko agad sakanya ang paningin ko at pinigilan ko ang luhang nagbabadya nang tumulo galing sa mga mata ko

"Lace, wala kang dapat ikagalit. That was a casual lunch. A friendly lunch" paliwanag ko

"Friendly lunch? Bakit siya?! Bakit siya lang ba ang kaibigan mo?" nakakunot noong tanong niya

Parang may tumusok sa puso ko nang ma alalang wala nga pala akong ibang kaibigan na maituturing bukod kay Isha.

"Please Lace calm down, 'wag mo nalang gawing issue 'yun. Huwag mo nalang isipan nang masama iyon dahil mas lalo ka lang magagalit kahit wala ka naman dapat ikagalit" sabi ko sakanya

Napangisi naman siya at napailing ba parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko

"You think I'm out of my mind huh?" sabi niya na nakapag pakunot ng noo ko

"Wala akong sinasabing gan—"

"How will I fucking calm down if my girlfriend is having a fucking friendly date with her crush huh?!!" nagulat ako nang mas lumakas ang sigaw niya

Agad na tumulo ang luha ko. Sunod sunod ang pagtulo nito kasabay ng pag sikip ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga. Wala akong makitang dahilan para umabot kami sa ganitong pag aaway. Agad na kumalma ang mukha ni Lace nang makita ang pagsimula ng pag iyak ko. Ang galit na kanina sa mga mata niya ay napalitan ng pag aalala at pag sisisi.

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now