Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.
Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.
Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.
Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok
"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama
"Yna, doktor ako sa mga buto, hindi sa puso" biro niya
Pinagkunotan ko naman siya ng noo at ipinag krus ang braso "Nakuha mo pa talaga mag biro, pambihira ka talaga Papa" sabi ko at nagtawanan lang kaming tatlo
'Di ko na pinatagal ang oras at hinatid na ako ng driver namin sa apartment. Nang makarating ako ay mag aalas dies na at nag message na rin saakin si Mama na inilipat na ng kwarto si Papa.
Napahinga ako ng malalim at saka nag desiyon na maligo at mag ayos para pumasok. Kailangan kong humabol at may isang quiz ako sa major subject namin na hindi na i-take. Kailangan kong bumawi sa susunod na quiz
Natapos ako sa pagligo at pag ayos at may thirty minutes pa ako bago ang unang subject ko ngayong araw. Dumaan muna ako sa mcdo para bumili ng coffee float dahil nakalimutan ko nang kumain ng umagahan
Nang makarating sa classroom ay may mangilan-ngilan na akong kaklase. Nang papunta na ako sa upuan ko ay nakita ko si Jasper na nakaupo sa upoan ni Isha, katabi lang ng upoan ko
Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako kaya nginitian ko naman siya. Ibinaba ko ang bag ko at inilagay ang coffee float sa mesa ko bago umupo
"Goodmorning Yna" bati saakin ni Jasper
Binigyan ko naman siya ng ngiti at saka tumango "Goodmorning Jasper" bati ko rin
"Absent ka last meeting, okay ka lang?" tanong niya habang ako abala sa kape ko
"Ah, na ospital kasi si Papa. Nagbantay ako" sagot ko
"Ah, sorry. Okay na si Papa mo?" tanong niya ulit
"Oo, mabuti na ang lagay niya" sagot ko
Hindi na siya umumik pa, ngunit naramdaman ko na nakatitig siya saakin kaya nang napalingon ako sakanya ay umiwas agad siya ng tingin
"Bakit?" kyuryosong tanong ko
"Ah, w-wala. Maganda lang scrunchies mo" balisang sagot niya
Napakunot naman ang noo ko at tinatago ang tawa ko sa pamamagitan ng pagkagat ko ng straw
"Gusto mo ba nito?" natatawang tanong ko
Nanlaki naman ang mata niya at unti unting napakunot ang noo "Ha?"
"Halaman Jasp, halaman" pambabara ko sakanya at saka tumawa kaya natawa na rin siya
"Hindi, bagay kasi sayo ang tali mo ngayon" seryosong sabi niya
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi ni Jasper. Teka nga, Jasper? Crush ko 'yon di'ba?! Oo! Si Jasper crush ko na ngayon ay katabi ko at hindi maalis ang titig saakin!
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...