34 (When I Met You)

748 28 5
                                    

Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience  store dito sa condo

Wala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!

Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapan

Iginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip ko ang steak at natakam agad ako sa pagkain na hawak ko

Nang saktong pag ikot ko mula sa pagkakaharap ng ref ay napa aray na lamang ako sa sakit ng pagkakabangga ng balikat ko sa isang matigas na balikat ng lalaki!

"Sorry Miss, okay ka lang?" tanong ng lalaki na pamilyar ang boses saakin

Napangiwi ako sa sakit ng balikat ko at hinawakang mabuti ang pagkain ko na muntik ko nang maihulog. Iniangat ko ang paningin ko sa lalaki at pareho kaming napaawang ang labi at nanlaki ang mga mata ng makilala ang isa't isa

"Miggy!"

"Yna!"

Sabay naming natawag ang pangalan ng isa't isa. Dahil doon ay pareho kaming natawa

"Sorry, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" sunod sunod na tanong ni Miggy

"Grabe talaga 'yang balikat mo 'no? Nakakamatay" biro ko at nagtawanan kami "Okay lang ako, isang tapal lang ng salonpas mawawala na 'to" sabi ko

Napangiwi naman siya "Sobrang sakit ba?" tanong niya ulit kaya tumawa ako upang maalis ang pag aalala sa mukha niya

"Ano ka ba! Halos buong third year college days mo yata ako binabangga para lang mapansin kita, sanay na ako!" pagmamayabang ko at natawa pa

Napakamot naman siya sa batok niya at napailing kasabay ng pagtawa niya dahil sa sinabi ko. Pumasok tuloy sa isip ko 'yung mga alaala noong college kami. Halos araw araw akong nababangga sa katawan ni Miggy. Minsan naman ay talagang itinutulak siya ng mga kaibigan niya para lang magka bangga kami. Lakas ng trip nila 'di ba?

Buong third year naging ganoon si Miggy Velasco saakin. Noong una ay naiinis pa ako dahil minsan ay ang sakit sakit ng pagkaka bangga niya saakin. Hanggang sa nalaman ko ang dahilan niya. May gusto pala saakin ang isang Miguel Velasco na team captain ng greyhounds. Ngunit dahil wasak ang puso ko noon ay hindi ko tinanggap ang feelings niya saakin. Naintindihan niya naman iyon kaya kahit papaano ay naging magkaibigan kami. Ang alam ko ay nagkaroon siya ng something sa isang education student sa school din namin

"Oo nga eh, para akong tanga noon" natatawang sabi niya kaya nakitawa na rin ako

"Oh ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

"Ah wala napadaan lang. Akala ko kasi pumasok dito 'yung hinahanap ko" sabi niya at iginala  ang paningin niya kaya ginaya ko siya "Pero mukhang wala naman" sabi niya at ibinalik ang tingin saakin

Ngumiti naman ako ng nakakaloko sakanya "Sinong hinahanap mo ha? Bebe mo ba?" biro ko

Natawa naman siya at napakamot muli sa batok "Parang ganoon na nga" sagot niya

Napa 'ohh' naman ako dahil tama nga ang sinabi kong hinahanap niya. Tinapik ko naman siya sa balikat niya "Sige, una na ako babayaran ko pa 'to" sabi ko at ipinakita sakanya ang hawak kong pagkain "Kitakits ulit! At sana makita mo na 'yang bebe mo" natatawang sabi ko sakanya

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now