"Ate it's so boring here, I want a new toy" biglang sabi ni Loi habang ako ay busy sa pag tupi ng mga damit ko na bagong laba
"You have a lot of toys Loi, may robot ka ba nga'ng hawak" sagot ko sakanya
"But I want a new one. I want to play arcades too! It's so boring here Ate" maarteng pagrereklamo niya at napakamot pa sa ulo
Dahil wala na rin naman akong gagawin pakatapos nitong pagtutupi ko ay napag isipan ko na mabuti nga at lumabas kami ng kapatid ko. Kahit ako ay na boboring na rin.
"Okay I'll just finish this then I'll change my clothes okay?" pagsang ayon ko kay Loi kaya napangiti naman siya
"Okay Ate!" masiglang sabi niya
Nagbihis na din agad ako dahil nakaligo na rin naman ako kanina, hindi pa nga pala ako nag bi-breakfast kaya kakain na muna siguro kami Nang makalabas kami sa kwarto ay naghantay kami ng tricycle sa tapat ng building ng apartment papunta sa SM. Dahil din sa init ay nakikita ko na ang sunod sunod na magiging reklamo ni Loi, at hindi nga ako nagkamali
"Ate, what are we waiting here?" nakakunot noong tanong niya
"Tricycle Loi, we will ride tricycle so we can go to the mall" sagot ko
"What is tricycle Ate?"
Juskong bata 'to!
"That's a transportation" tipid at walang kwenta kong sagot, sakto naman ay may dumating nang tricycle at pumarada sa harap namin
"Let's go Loi"
Ngunit ilang segundo na ay hindi pa rin sumasakay si Loi kaya nang tignan ko siya ay nakakunot lamang ang noo niya at hinuhusgahan ang tricycle na nasa harap namin
"Loi, I said let's go" pag uulit ko ngunit napailing lamang siya
"No way Ate I won't ride there! It looks scary!" natatakot na sabi ng kapatid ko
Nagulat naman ako sa inasta niya at nahihiyang napalingon ako sa driver na pinagmamasdan naman ang ginagawa namin ng kapatid ko
"Kuya sorry hindi nalang pala, next time nalang kami sasakay hehe" nahihiyang sabi ko sa driver at inirapan lamang ako nito at saka umalis. Aba! Attitude?!
Nang makaalis ang tricycle ay pagalit na binalingan ko naman si Loi na naka krus na ang mga kamay
"Loi! What's wrong with that one? We can't go to the mall and buy you a toy if we're not gonna ride on that damn tricycle!" pagalit ngunit mahinahon na sabi ko sa kapatid
"Ate I don't want!" maarteng sabi niya "Don't you have a car?" dagdag niya
Napabuntong hininga naman ako "Loi, I didn't bring my own car here"
"That's why! Why didn't you bring your car here with you? It's just stock at our garage!" nakakunot noong sermon niya
"Hay nako Aloicious Yzer!"
"Please Ate let's go to the mall I want a new toy and I want to play arcade. I'm hungry too"
Paano naman kami makaka alis nito kung gusto ng kapatid ko na ang sakyan namin ay bwesit na sasakyan. Habang nagiisip ng paraan ay biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text saakin
From: Martin
What are you doing?
Agad lumiwanag ang mukha ko nang may pumasok sa isip ko, ngunit napailing lang din ako nang mapagtanto na nakakahiya ang naisip ko.
"Ate please it's hot na, I'm hungry" pagmamaka awa ulit ng kapatid ko
Hinarap ko naman siya at naupo upang mapantayan ko siya "Why don't you want to ride a tricycle?"
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...