Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang sunod sunod na pag ring ng cellphone ko. Kahit tinatamad pang bumangon ay padaskol kong kinuha ang cellphone ko sa lamesang malapit sa kama ko.
Sinagot ko ang tawag at hindi na ako nag aksaya pang alamin kung sino ito
"Hello" tamad na sabi ko
"Ma'am Yna, papasok po kayo?" rinig kong sabi sa kabilang linya
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko ng marinig ang boses ng sekretarya ko. Nang tumingin ako sa orasan ko ay halos mahulog ako sa kama nang bigla akong tumalon paalis doon.
"Yes Eva, sandali lang papunta na ako diyan" sabi ko kay Eva, na sekretarya ko at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya nang bigla kong binaba ang tawag
Tumakbo ako papuntang banyo at hindi ko na nagawang matulala sa shower tulad ng palagi kong ginagawa kapag naliligo ako. Isang oras na akong late!
Matapos kong maligo ay hindi na ako nagkaroon ng oras para pumili ng damit. Kinuha ko nalang bigla ang black palazzo pants ko at isang plain white blouse. Habang binoblower ko ang buhok ko ay isinusuot ko naman ang white sandals ko
Wala na akong oras para magpaganda pa kaya powder, highlighter, mascara at lipstick lang ang nilagay ko sa mukha ko. Hinayaan ko na ring nakalugay ang buhok kong hanggang balikat ko
Habang nasa sasakyan na ako at nagmamaneho papunta sa opisina ay nakatanggap ulit ako ng tawag mula kay Eva kaya agad ko naman itong sinagot
"Yes Eva?" tugon ko
"Ma'am you have a meeting with Madam Alisha by 10:30, nasaan na po kayo?" tanong ni Eva
Nang i-check ko ang oras ay 10:22 na! Lagot nanaman ako nito kay Alisha
"Okay, 5 minutes" tanging tugon ko at ibinaba na ang tawag
Binilisan ko nalang ang pagmamaneho ko, hindi naman ganoon kalayo ang condo ko sa pinagtatrabahohan ko. Maiintindihan naman ata ni Isha kung late ako. Sana nga, kung hindi ay patay talaga ako sakanya
Ipinark ko agad ang sasakyan ko sa parking lot. Nanlaki pa ang mata ko at lumabas agad upang tignan kung nasagi ko ba ang BMW na katabi ng sasakyan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong maayos naman ang pagkaka park ko at wala namang kahit anong gasgas ang BMW
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa elevator. Pinindot ko agad ang ika-fifth floor kung saan nandoon ang opisina ni Isha. Kinakabahan na ako dahil baka kalbohin ako ng babaeng 'yun. Nang tignan ko ang wrist watch ko ay 10:29 na. Shit isang minuto nalang!
Nang tumunog ang elevator at bumukas ito ay lumabas agad ako ngunit napaatras lamang ako nang bigla akong mabunggo sa isang matigas na katawan
Naramdaman ko na babagsak ako. Na out balance ako dahil sa sapatos na suot ko ngunit agad naman akong nahawakan sa magkabilang braso ng taong nabangga ko
Napako ang tingin ko sa matipunong dibdib na nasa harapan ko. Amoy na amoy ko ang matapang na pabango nito na mukhang mamahalin. Unti unti kong inangat ang paningin ko sa lalaking hawak ang magkabilang braso ko
Halos matumba ako nang bigla kong maramdaman ang panlalambot ng tuhod ko nang magtama ang paningin ko sa mga matang nakikita ko ngayon. Ang mga matang minahal ko noon. Ang mga matang nakapagpa baliw saakin
Nakaawang ang labi ni Lace habang nakatitig pa rin saakin, ni hindi niya nagawang kumurap. Hinabol ng paningin ko ang mga mata niya. Isinuri niyang mabuti ang mga mata ko, pababa sa ilong ko at nang tumitig na siya sa mga labi ko ay saka ko siya itinulak
Tumayo ako ng maayos habang pinapakalma ko ang sarili ko. Napaatras ng kaunti si Lace ngunit hindi niya pa rin inaalis saakin ang paningin niya
"Yvo--"
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...