12 (Forgot)

797 37 10
                                    

"I'm sorry, Yvonne"

Natigilan ako ng sabihin 'yun ni Lace, ngunit hindi pa rin maalis ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas dumoble lamang iyon nang bigla niyang iangat ang kamay kong hawak niya at itinapat iyon sa labi niya at marahang hinalikan

Halos hindi na ako makahinga dahil sa ginawa ni Lace. Napabuntong hininga siya at malalim ang tingin saakin ng kanyang magagandang mata.

"I'm sorry, but.." napakunot ang noo ko ng tumigil siya at tumingin sa paanan namin

"But?"

"I'm... I'm already falling.. I am already falling for you" sinserong sabi niya at nagtama ang paningin namin

Para akong inaatake sa puso. Bakit ko naririnig ang mga ganitong salita na hindi ko inaasahan at sa taong hindi ko pa inaasahan? Bakit? Bakit parang gusto ko biglang yakapin si Lace dahil sa sinabi niya. Bakit parang nahuhulog ang loob ko dahil lang sa mga salita at ipinaparamdam niya?

"Bakit ako?" nagtatakang tanong ko

"Bakit hindi ikaw?" seryosong tanong niya rin

Dahil doon ay inagaw ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya, bahagyang nagulat si Lace sa ginawa ko ngunit mas lalo siyang nagulat ng bigla akong lumapit sakanya at niyakap siya. Kahit ako man ay nagulat sa biglaang aksyon ko ngunit napaka komportable ng katawan ni Lace. Itinapat ko ang tenga ko sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Dahil doon ay napangiti ako.

Ilang segundo rin bago gantihan ni Lace ang pagyakap ko sakanya at nagulat pa ako ng mas hinigpitan niya pa ito. Narinig kong bahagya siyang natawa siguro ay naramdaman niya ang pagkagulat ko

"This is the peace I wanted" he said which made me smile again

"Lace?" tawag ko sakanya

"Yes, love?" sagot niya na mas nagpalakas ng tibok ng puso ko. Tutunawin ata ng boses niya ang nakaka awa kong puso

"Will you wait for me?" seryosong tanong ko

Inalis niya ang pagkakayakap namin at mariin akong tinignan. Ginantihan ko naman ang mga tingin niya, mas lalong uminit ang pisngi ko ng makita ulit kung gaano kaganda ang mga mata niya. Ang mga mata niya na masyadong maingay at maraming sinasabi

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ito gamit ang hinalalaki ng kamay niya. Napangiti siya kaya binigyan ko rin siya ng matamis na ngiti

"I will, and always will" sinserong sabi niya

Napabuntong hininga ako at mas lalong napangiti "Thank you. Salamat, Lace" sabi ko

"Don't thank me about that. I like you, because I like you" sabi niya

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at inalis iyon "Masyado ka nang cheesy" natatawang sabi ko kaya natawa na rin siya

"Cheesy and baduy ba?" natatawang tanong niya

"Dami mo namang alam hahaha" sabi ko at sumandal ulit sa railings ngunit ngayon ay mas binigyan ko ng pansin ang buwan at ang kumukinang na mga bituin

"There's a lot of stars, meaning hindi uulan bukas" sabi niya

Natawa ako ngunit hindi ko siya binalingan "Akalain mong ganyan din ang paniniwala mo?" sabi ko

"Iyon ang sabi nila eh" sagot niya "It means the weather tomorrow is good. Perfect for our first date" dagdag niya kaya napalingon na ako sa gawi niya ngunit siya ay abala pa rin sa mga bituin

Naalala niya pa pala 'yun? Akala ko hindi na. Akala ko nga ghinost niya na ako eh.

"Excited ka ata" sabi ko kaya napalingon na rin siya saakin

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now