"Tapos mo na 'yung cash badget?"
Nagulat ako nang bigla nalang pumasok si Isha sa opisina ko dala dala ang maliit na bag niya at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura
"Uso kumatok Alisha" sabi ko sakanya nang hindi siya tinitignan at tinuon parin ang pansin ko sa aking computer, at hindi sinagot ang tanong niya
"Ay! Sorry na Manager" peke siyang tumawa at nag peace sign pa ang loka loka. "Parang nakakalimot naman tayo na ako ang may ari ng bangko'ng 'to" dagdag niya pa at tinaasan ako ng kilay
Natawa naman ako at tinignan siya "Ay! Sorry na boss!" panggagaya ko sakanya at nag peace sign din gaya ng ginawa niya ngunit inismiran niya lamang ako at umupo sa couch malapit sa lamesa ko
"Jusko! Na istress na 'ko! Ayoko na maging CEO!" pagrereklamo niya habang hawak ang magkabilang sentido niya at parang iiyak na
"Akin nalang 'tong bangko mo" pagbibiro ko sakanya
"Mama mo" pambabara niya sa'kin at tinarayan lamang ako
Si Isha, bestfriend ko, ang CEO ng bangko'ng pinag tatrabahuhan ko at ako naman ang Head Manager ng Finance. Isa sa mga pinakasikat na bangko sa Bicol Region ang bangko nila Isha. Matapos palang naming grumaduate ay ipinamahala na agad kay Isha ang branch ng bangko nila dito sa Bicol. Ako naman ay dahil bestfriend ko si Isha ay hindi na ako nahirapan mag apply o maghanap ng trabaho dahil kinuha na ako ng mga magulang ni Isha na magtrabaho sakanila which is pabor naman kay Isha para daw magkasama parin kami. Hindi pa naman siya mabuhay ng magkahiwalay kami!
Hindi katulad kay Isha, nagsimula ako sa pinakamababang pwesto dito sa bangko. Naging bookkeeper ako, financial assistant, financial manager hanggang sa na promote ng na promote at ngayon naging Head Manager ng Finance.
"Mas lalong sumakit yung ulo ko kanina! Si Mr. Estrada nag bigay ng resignation letter ampucha!" gigil na sabi ni Isha
Napakunot naman ang noo ko "Mr. Estrada? Yung CPA natin?" pagkokompirma ko
"Oo! Lalabas na daw kasi sila ng bansa kasama pamilya niya. For good daw! Bwesit" tuloy tuloy na sabi niya at nagpakawala ng mabigat na hininga
"Oh paano 'yan? Wala nang CPA?" tanong ko ulit kahit obvious naman na at alam ko na rin ang sagot
"Jusko Alyanna! Obvious ba? Mas pinapainit mo naman lalo ang kukote ko!" pagrereklamo niya ngunit tinawanan ko lamang siya at hinanap sa cabinet ang files ng cash budget
"Oh ito cash budget Madam, tapos na yan" sabi ko at inabot sakanya ang folder ngunit hindi niya iyon kinuha
"Yna wag mo na nga muna 'yan ipakita sakin jusko naman" sabi niya at bigla nalamang humiga sa couch habang hinihilot ang sentido niya
Pinag taasan ko naman siya ng kilay "Pinag titripan mo ba ako Hernandez?! Kanina tinatanong mo kung tapos ko na tapos ngayon na binibigay ko na sayo ayaw mo na makita?!" tuloy tuloy na reklamo ko
Naupo naman ulit siya at tinignan ako "Tara, Bora!" seryosong sabi niya saakin
Naupo ulit ako sa swivel chair ko at hindi siya pinansin. Ayan nanaman si inom queen!
"Gago Alyanna! Sige na inom tayo! Mamamatay na ata ako" sabi niya at hinawakan pa ang dibdib niya
"Ayos 'yan, makakapag kape 'ko" pagbibiro ko sakanya at saka niya naman ako binato ng unan galling sa couch
"Tangina mo" tinarayan niya ako ngunit tinawanan ko lamang siya
Natuon ang pansin niya sa cellphone niya ng mag ring ito
"Nako! Tumatawag na si Mrs. Aleja, problema nanaman ata 'to pucha" reklamo niya saka sinagot ang tawag
"Yes, Mrs. Aleja?" pormal na sagot niya
Tinuon ko nanaman ulit ang pansin ko sa iniedit kong capital budget at hindi na pinansin si Isha kung ano man ang pinag uusapan nila ni Mrs. Aleje, ang head ng HR. Ngunit nagulat nalamang ako at natulala kay Isha nang may banggitin siyang pangalan
"Si.. Mr. Guererro? As in.. Lace Martin Guererro?" sabi ni Isha sa katawagan niya ngunit ang tingin ay na saakin
Natigilan ako. Sa halos limang taon narinig ko nanaman ulit ang pangalan niya, hayop kompletong pangalan pa. Pangalan ng ex ko. Pangalan ng taong nagpaka selfish. Pangalan ng taong minahal ko pero iniwan ako. At ang pinaka masakit, ang lalaking pumatay sa anak ko..
Napatingin ako sa glass wall ng opisina ko at saka huminga ng malalim. Hindi ko nalamang pinansin kung ano ang narinig ko at pilit na nag fofocus sa ginagawa ko. Nahinto lamang ang pag iisip ko nang lapitan ako ni Isha at hawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak saakin saka ko siya tinignan sa mata. Parang humihingi ng tawad ang mga mata niya saakin.
"Yna.." sabi niya at nagulat na lamang ako ng yumuko siya sa kamay naming magkahawak, namilog ang mata ko sa aksyon na ginawa niya. Para siyang bata na humihingi ng tawad
"Hala Yna, diba sabi ko sayo nag resign si Mr. Estrada 'yung CPA natin, tapos ayon may nirekomenda pala siya kay Daddy at si Lace 'yun, ang Daddy ko naman pumayag at hinire agad si Lace as CPA dahil na rin sa background niya at sa galling niya. Alyanna patawarin mo ako hindi ako ang nag hire kay Lace para magtrabaho rito. Alyanna Yvonne Bautista 'wag mo 'kong patayin" dirediretsong sabi niya habang nakayuko parin, hindi ako tinitignan
Inagaw ko naman ang kamay ko sa pagkaka hawak niya at hinila ang ilang hibla ng buhok niya "Para kang tanga" sabi ko at tinarayan siya
"Aray ko ha!" reklamo niya at tinarayan rin ako "Grabe 'yung explain ko sasabihin mo lang para akong tanga?!" sabi niya
"Ewan ko sayo" sabi ko
"So... Okay lang na yung ex mo na ang CPA dito, tapos magkatrabaho kayo, tapos may chance na magkita kayo tapo-" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako at tinignan siya ng seryoso
"Pakihanap" tipid na sabi ko
"Ng? tanong niya at napakunot ng noo
"Ng paki ko"
Natawa naman bigla si Isha sa sagot ko at pinalakpakan ako "Huwaw! Totally moved on!" sabi niya at hindi mapigil ang tawa
"Siya ang nang iwan, hindi ko kawalan" walang ganang tugon ko
Naka move on na nga ba 'ko? Paano ba kasi masasabi na talagang moved on kana sa taong minahal mo dati ng sobra? Siguro, kung sa pagmamahal ko sakanya ay naka moved on na ako, matagal na. Limang taon na akong moved on, simula noong hinayaan at iniwan niya ako. Iniwan niya ako nang walang iniwan kahit isang salita. Iniwan niya ako, habang ako ay hinahabol siya dahil mahal ko siya at, magiging tatay siya ng anak ko.
Pero wala, iniwan niya ako. Iniwan niya kami. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang nangyari saakin dahil sakanya. Iniwan niya na nga ako, nawala pa ang anak ko.
Noong araw na namatay ang anak namin, ay parang namatay na rin ako.
Pinupuno ko ng galit ang isip at puso ko dahil sa ginawa niya saamin ng anak ko. Paano ko ba siya makakalimutan? Paano ko ba makakalimutan ang ginawa niya saakin? Sa anak namin?
How can I forget the guy who bewitched me by his beautiful eyes?
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Novela JuvenilHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...