A week passed by, naging busy na ako sa acads ko. It's our pre-lim na rin kaya inaabala ko ang sarili ko sa pag aaral. Lalong lalo na sa major. Hindi na rin kami nag kita ni Lace after that damn first date dahil naging busy na rin siya sa acads niya and sa training niya. Bukas na ang first game nila, which will be held here at UNC Sports Palace. Nakakapag usap pa rin naman kami thru text but I barely reply. I always say to him na I'm busy, kahit minsan naman ay tulala ako at wala naman nang ginagawa
Hindi na rin ako nakipag kita pa kay Lace matapos ko silang iwan ni Erica dahil nagtext na rin si Mama na susundoin daw nila kami sa mall. Sinabi ko nalang din kay Lace thru text that our parents are already there to pick us up, then he just said 'Okay, take care'. Maybe it's in favor for him so he'll have his time for her fucking future girlfriend!
Busy akong kumain ng chicken nuggets ko habang nakaupo sa bench near bambam's. Bigla akong nagulat nang may humawak bigla sa braso ko at muntik pa akong mabilaukan. I glared at Jasper because of that but he just laughed and gave me a peace sign
"Sorry na, gulat na gulat" he said
"Eh kung nalunok ko 'yung buong nuggets, papatayin mo ata ako eh" ganti ko naman at pinagpatuloy lang ang pagkain ng chicken nuggets ko
I don't know but my crush on Jasper has faded. Maybe because I admitted to myself that I had a crush on Lace na? Halos isang taon ko naging crush si Jasper pero mawawala lang dahil kay Lace na ilang weeks ko pa naman nakilala. That freaking guy! Argh!
"Grabe ka naman, 'di naman ako mamamatay tao, pero marami rin naman patay na patay saakin" sabi niya
Halos mabilaukan ulit ako sa sinabi niya at natawa. Grabe mahangin rin pala 'to ano? Naisip ko rin na isa ako NOON sa mga patay na patay sakanya
"Grabe ang hangin, tinatangay ako" pagbibiro ko sakanya at tinawanan niya naman ako
"Iyong group activity natin, present na natin 'yun next week. Tapos naman na 'yun 'diba?" tanong niya
I nodded.
"Hays midterm exam naman ang susunod" sabi niya at napabuntong hininga
"Mahirap ba engineering?" tanong ko, out of curiosity
Tiningala niya naman ang ulo niya at bahagyang nag iisip at tumingin saakin "Para saakin? Hindi" kampante niyang sagot
"Wow, magaling ka ng sobra sa math 'no?"
"Oo naman! Madali lang saakin ang engineering kasi gusto ko talaga ang kurso na 'yon" he proudly said
I gave him my sweet smile "That's good. Hire kita in the future para sa bahay ko ha?"
Napangiti naman siya at nagulat ako nang kurutin niya ang pisngi ko "Sige, una bahay mo. Sunod bahay na natin" sabi niya
Halos maluwa ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang init sa pisngi ko. Ano nga ulit ang sinabi niya? Bahay? Bahay namin?!
"Gulat na gulat! Joke lang" bawi niya kaya bumalik sa dati ang pagdaloy ng dugo ko
I let out an awkward laugh "Ts, parang tanga" sabi ko at inalis sakanya ang paningin ko
"Manonood ka ng basketball bukas?" he changed the topic, thank you naman!
"Oo ata, required kami sa PE eh, suportahan daw ang Greyhounds" sagot ko
"Greyhounds nga ba ang susuportahan mo?"
Napakunot naman ang noo ko "Sino pa bang iba?"
"Baka naman Golden Knights suportahan mo niyan, bawal 'yun" sabi niya at natawa
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Ficção AdolescenteHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...