"Eva, schedule for today please" sabi ko kay Eva nang makapasok ako sa opisina
"Ma'am zoom meeting with Mr. Chui, signing the final financial reports and meeting with Sir Guererro"
Napakunot ang noo ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko "Bakit kami may meeting?" masungit na tanong ko kay Eva
Nanlaki ang mga mata niya at bahagya pa siyang nagulat dahil sa naging reaksyon ko
"Ahm Ma'am I think you two will have a brief discussion since magiging mag partners kayo" paliwanag ni Eva
Napahawak ako sa sintido ko at napabuntong hininga. Napapikit ako ng mariin para mapigilan ang emosyon ko.
"Okay, what time?" walang emosyong tanong ko
"The what Ma'am?" nagtatakang tanong ni Eva
Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya "The meeting with that fucking Guererro!" sigaw ko sakanya
Bahagya naman siyang napa atras sa gulat dahil sa pag sigaw ko "Hala Ma'am" tanging sabi niya saka napatakip sa bibig
Gulat na gulat pa rin siya dahil sa sinabi ko. Napapikit naman ako dahil wala nga palang alam si Eva kung anong meron saamin noon ni Lace. Sabi ko na nga ba't hindi ko nanaman napipigilan ang emosyon ko!
"After lunch Ma'am, 1 pm" mahinahong sagot ni Eva sa tanong, gulat na gulat pa rin siya dahil sa nasabi ko
Inayos ko nalamang ang sarili ko at sinimulang pirmahan ang mga papel na nasa lamesa ko
"Saan?" tanong ko, tinutukoy kung saan kami mag memeeting ng EX ko
"Sir Guererro suggested his office but kung saan mo daw gusto Ma'am, ikaw daw bahala" nakangiting sagot ni Eva
"Malay ko naman sa office niya" mataray na tugon ko
"Ma'am katabi lang nitong office--"
"What?!" sigaw ko
"Ha? Hindi mo alam Ma'am?" nagtatakang tanong niya habang ako ay hindi mawala ang pagkagulat ko
Kailan pa? Bakit hindi ko alam na magkatabi ang office namin?!
"Sa pag kakaalam ko ay si Mrs. Bonifacio ang nandyan sa kabilang office?"
"Ako din Ma'am 'yun din po ang alam ko, baka nakipag swap si Sir Guererro" sabi ni Eva habang may mapanlarong ngiti sa labi
Napangiwi naman ako sa sinabi niya "Eh ano namang pakialam ko 'di ba?" mataray na tugon ko na nakapag pakunot sa noo ni Eva "Sige na, you may go" sabi ko at itinuon ulit ang atensyon ko sa papel na hawak ko
"Okay ka lang Ma'am?" biglang tanong ni Eva, hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya
"Okay lang, bakit mo natanong?" sagot ko
"Wala naman kayong past ni Sir Guererro, Ma'am?" maingat na tanong niya
Napaangat naman ang tingin ko sakanya dahil sa tanong niya "Past?!" mataray na pagkakasabi ko
Napatango naman si Eva, na seryosong seryoso ang mukha "Yes Ma'am, past. Kasama ni present tapos ni future--"
"Eh kung ibalik kita sa past life mo? Gusto mo 'yun?" pabirong sabi ko naman sakanya
Tinarayan ko nalamang siya at ibinalik ulit ang paningin ko sa ginagawa ko. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Eva ngunit hindi ko nalamang pinansin iyon
"Okay Ma'am sige po" sabi niya na parang nanunukso pa dahil sa boses niya. Naramdaman kong naglalakad na siya papalapit sa pinto kaya nakahinga naman ako ng maluwag at wala nang maingay sa opisina ko. Ngunit, hindi pa man siya nakakalabas ay nagsalita nanaman ulit siya
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...