Nagising ako nang makaramdam nang lamig dahil sa aircon ng kwarto ko. Agad kong inabot ang remote ng aircon na nasa side table ko at in-off ito. Napaunat ako at nang marealize na wala na si Lace sa tabi ko ay napabuhat ako. Iginala ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto ko ngunit wala akong nakita kahit anino niya.
Tinignan ko ang oras at nanlaki ang mata ko nang makitang ala una na ng madaling araw. Agad na pumasok sa alaala ko ang nangyari saamin ni Lace kagabi. Napalunok ako nang makitang suot ko na ngayon ang tshirt ko ngunit underware lamang ang pambaba ko.
Sa pagkakaalala ko ay bago ako hatakin ng antok ay hindi na ako nakapag bihis. Ibig sabihin ay si Lace ang nag bihis saakin?!
Kinuha ko ang cellphone ko at nang buksan koi yon ay nagulat ako ng mukha na ni Lace ang nasa wallpaper ko. Naka closed up ito sa mukha niya habang nakanguso siya. Ang gwapo na nga, ang cute pa!
Napangiti nalamang ako at hindi na binago pa ang wallpaper. Nakita kong may mensahe siya doon kaya binuksan ko naman agad ito
From: My Love
I went home. Sleep tight, gorgeous. I love you so much. Happy monthsary <3
Napangiti ako nang dumaloy sa buong sistema ko ang kilig. Humiga ulit ako habang yakap yakap ang cellphone ko at nakatulog ulit ako..
----
Patakbo kong tinahak ang daan papunta sa classroom ko para sa unang subject ko ngayong araw. 15 minutes na akong late!
Nagising lamang ako sa sunod sunod na pagtawag saakin ni Isha, talagang naligo lang ako at nagbihis. Kahit pag suklay ay sa tricycle ko na ginawa. Pucha ba't kasi ang sarap ng tulog ko!
Ito na ang last week naming pasok para ngayong first sem. Next week ay undas break na at ang kasunod ay ang semestral break namin. Nang marating ko ang classroom ko ay dahan dahan kong binuksan ang pinto, umaasang hindi ako mapansin ng prof namin ngunit ang hina ko ngayon kay Lord!
"Ms. Bautista, you're late!" sabi nang prof ko
"Obvious ba?" pabulong na sabi ni Isha nang umupo ako sa upoan kong katabi niya
Napalunok naman ako "Sorry Sir" tanging sabi ko habang pinag lalaruan ang mga kuko ko
Mabuti at hindi na ako sinermonan ng prof namin. Napabuntong hininga nalamang ako at nakidinig sa pinagsasasabi ng prof na nasa harapan. Ngayon ko lamang namalayan na katabi ko rin pala si Jasper. Si Isha ang sa kaliwa ko habang si Jasper naman ang nasa kanan ko
Napatingin ako sakanya kaya nabaling din saakin ang atensyon niya. Binigyan niya ako ng ngiti kaya ginantihan ko naman, saka ibinalik ang atensyon sa prof
"Bakit ka late?" pabulong na tanong ni Jasper upang hindi kami marinig ng prof namin
"Napasarap 'yung tulog ko" sagot ko naman nang pabulong
Bahagya naman siyang natawa at napailing, nakitawa na rin ako at nakinig na sa prof
Nang dinismiss na kami ng prof ay inayos ko lang ang gamit ko. Kailangan kong kumain, nagugutom na ako!
"Girl gusto mo sumama?" biglang tanong saakin ni Isha habang abala siya sa pag ayos ng gamit niya
"Saan?" tanong ko
"Lunch. Kasama sila Daddy, may lunch meeting daw kasi sila doon sa friend nila ni Mommy before" sabi niya naman
"Nge? 'Wag na, mabuti kung sila Tito lang sige na okay lang naman ako kaya ko mag lunch mag isa"
"Okay hindi na pipilitin dahil hindi naman maganda" mataray na sabi ni Isha kaya pinandilatan ko lang siya
Nauna nang lumabas ng room si Isha dahil nag hihintay na daw ang driver niya.
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...