"Oo na nasa sasakyan na nga ako, otw na ulit ulit amp" natatawang sabi ko sa kausap ko ngayon sa cellphone habang naka focus lamang ang paningin ko sa kalsada
"Sabi ko naman kasing susundoin nalang kita eh" nagtatampong sabi ni Jasper
Natawa naman ako sa kakulitan nito "Palagi mo nalang akong sinusundo, daig mo pa si kamatayan" sabi ko
Narinig ko naman ang pagsinghal niya at alam kong nakanguso na ito ngayon
"Sayang kasi ng gas mo" tugon niya, hindi pa rin nagpapatalo sa kakulitan
"Ano pang silbi ng sasakyan ko kung palagi ako sa'yong magpapasundo? Pektusan kita eh"
"Hehe oo na tama na chill galit ka nanaman" dirediretsong sabi niya kaya bahagya ulit akong natawa
"Sige na kita nalang tayo diyan 'wag ka nang makulit ha" sabi ko naman kay Jasper
"Okay, hinatyin kita dito" malambing na sabi niya
"Geh" tanging tugon ko at saka ibinaba ang tawag
Nag focus nalang ako sa pag da-drive ko papunta sa isang resto bar kung saan kami magkikita ni Jasper. Nangako kasi siya na ililibre niya kami ni Isha ng dinner dahil nakatanggap siya ng isang major project. Si Jasper? Ayon, Engineer na. Kapag may free time naman siya ay nagtuturo siya sa mga bata na gustong matuto ng tennis. Masyadong madaming ganap 'yun sa buhay pero madalas ay siya pa ang nagyayaya saamin ni Isha para uminom. Sana all.
Si Isha ay nagtext saakin kanina na hindi siya makakasama sa dinner na niyaya ni Jasper dahil mayroon siyang dinner meeting kasama ang mga magulang niya. Busy person si gaga
Nang makarating ako sa isang sikat na resto bar dito sa Naga ay napataas ang kilay ko nang pagbaba ko ng sasakyan ay nakaabang na agad saakin si Jasper, may dala dalang isang bouquet ng bulalak.
"Grabe naman si kamatayan, pati bulaklak sponsored pa" biro ko kay Jasper nang makababa ako sa sasakyan ko at lumapit sakanya
Bahagya akong natawa nang bumelat siya saakin "Oh bulaklak" tamad na abot niya saakin kaya kinuha ko naman ito at inamoy
"Maganda 'di ba?" walang ganang tanong niya, napataas naman ang kilay ko sa inaasta niya ngayon ngunit natatawa na ako sa itsura niya
"Oo, maganda din naman" sagot ko habang tinitignan ang bulaklak
"Kasing ganda mo 'yan" biglang sabi niya at napaangat naman ang tingin ko sakanya ngunit umiwas lamang siya ng tingin at nakita ko kung paano namula ang pisngi niya.
Matatawa na sana ako nang maingat niya akong hinatak papasok sa resto bar
"Oo na nag ba-blush na ako 'wag kana mang asar" sabi niya habang patuloy pa rin ang paghatak niya saakin
Bahagya nalamang akong natawa at napailing sa ka abnoyan niya. Limang taon na siyang nag ba-blush dahil saakin, ngayon pa ba siya mahihiya? Wow. yabang ko naman
Nang makapasok kami ay iginaya kami ng isang staff nitong resto bar sa upoan namin na pina reserved na pala ni Jasper. Nasa VIP seat pa kami, malapit sa stage kung saan tumutugtog ang banda. Nang makaupo kami ay sinabi nalang ni Jasper 'yung pagkain na ipinahanda niya na pala kanina pa. Oh 'di ba Engineer Jasper Kurt Sanchez lang sakalam.
"Ayos ka rin ah" sabi ko kay Jasper habang iginagala ang paningin ko sa buong resto
"Hindi rin" sabi niya kaya tumingin naman ako sakanya "Kaibigan ko may ari nito, discounted tayo rito tapos 'yung dapat na bill ko sabi ko utang muna" natatawang sabi niya
Natawa naman ako ng malakas dahil doon. Napailing nalamang ako sa kabaliwan niya.
Nang dumating na ang pagkain namin ay napaawang na lamang ang bibig ko dahil sa rami nito. Nakita ko naman ang mapaglarong ngiti ni Jasper at naningkit pa ang mata dahil sa lawak ng ngiti nito
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...