Matapos ang gabing 'yun, hindi na kami nakapag usap ni Lace. Punyeta matapos akong yayain ng date hindi na ako kakausapin?! Ewan ko ba, ghinost n'ya na ba ako? Well, paki ko naman sakanya 'di ba?
Naging busy naman ako sa mga activities and school works namin, lalo na sa major todo aral ako. Madalas na rin akong makipag contact kay Mama or Papa para kumustahin ang lagay niya. Mabuti naman at okay na si Papa, kaya mas nakakapag focus ako sa pag aaral ko.
7 pm nang matapos ang huling klase ko ngayong biyernes, nag paalam agad saakin si Isha dahil nandoon na raw ang driver niya at may family dinner sila. Napag desisyonan ko na rin umuwi at kanina ko pa gusto maligo.
Pagkarating na pagkarating ko sa apartment ay dumiretso agad ako sa CR para maligo. Halos 20 minutes din akong nagbabad sa tubig at kulang nalang ay umidlip na ako do'n.
Nang matapos ay pinatuyo ko agad ang buhok ko gamit ang tuwalya, suot ang dolphin shorts ko at ang over sized black shirt ko. Habang abala ako sa pagpapatuyo ng buhok ko ay biglang nag ring ang cellphone ko at nang kunin ko iyon ay hindi ko inaasahang sakanya ako makakatanggap ng tawag. Wow! Akala ko ghoster na 'to?!
Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tawag ni Lace
Ako: Oh?
Siya: Hi?
Ako: Tanong ba 'yan? Paano ba 'yan sagutin?
He chuckled sexily, damn I missed that voice! Wait, what the hell Yna?!
Siya: Are you free tonight?
Ako: Bakit?
Siya: Samahan mo naman ako mag cup noodles oh
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nasa akin ba ang mainit na tubig para sa cup noodles niya?!
Ako: Awit, dami kong gagawin assignment, dito ka nalang marami naman akong stock ng cup noodles dito
Siya: S-sure ka?
Sure ba ako? Sinabi ko ba talaga 'yun?! Peste! Marami akong gagawin eh! Pero kawawa naman siya at parang naglilihi sa cup noodles
Ako: Okay lang kahit ayaw mo, busy kasi ako eh ka-
Siya: Sure sure! I mean... I'm actually here sa parking lot ng apartment mo
Ako: Edi goods! Alam mo naman na kung saan ang room ko, bye
Pinutol ko agad ang tawag at napabuntong hininga. Tama ba 'to?! Kapag ba pumunta siya dito makakagawa ako ng assignments ko?! Lord, 'wag naman sana akong ma distract. Inuunahan ako ng damdamin ko na gusto ko siya makita, what the fuckening fuck?!
Naputol ang kakaisip ko ng may kumatok sa pinto, siguro ay si Lace na. Bago ko buksan ang pinto ay inayos ko muna ang sarili ko at tinignan kung maayos ang mga gamit ko at walang kalat, good thing maayos naman lahat.
Nang buksan ko ang pinto ay tumambad saakin ang lalaking matangkad na may matipunong katawan, naka white shirt at jersey shorts at naka black na pang basketball shoes. Mukhang galing ulit siya sa training nila pero bakit ang bango niya parin?! Ang unfair naman no'n?!
"Ahm.. Hi" panimula niya
Mas binuksan ko pa ang pinto para sabihin sa kanyang pumasok na siya. Hindi ko alam kung ayaw ko lang ba magsalita o 'di ako maka move on sa itsura niya ngayon. Siguro noong nagpaulan si Lord ng magandang itsura ay may dala siyang malaking aquarium!
"Pasok, tanggal sapatos kung ayaw, edi layas" sabi ko
Agad niya namang hinubad ang mamahalin niyang sapatos. Pati medyas inalis! Sabihin ko kaya sakanya na pati paa niya alisin niya na rin?!
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...