"Congratulations Ms. Bautista you are 4 weeks pregnant"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Biglang namanhid ang buong katawan at pagkatao ko ng marinig ko ang mga katagang iyon sa doktor na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Saya ba o lungkot? Hindi mawala ang tibok ng puso ko nang unti unting sumilay ang mga luha sa mga mata ko. Halos hindi ko magawang lumunok ng sarili kong laway dahil parang naging barado ang lalamunan ko hanggang sa dibdib ko
Nagpaalam saamin ang doktor na nakausap at tumulong saakin para malaman ang dahilan kung bakit nakakaranas ako ng madalas na pagkahilo at pagsusuka. Noong una ay nagka ideya na ako kaya naman hindi na ako masyadong nagulat nang nakumpirma ko nga na buntis ako.
"S-so b-buntis... buntis ka nga?" nauutal na pagkasabi ni Isha, hindi maalis ang pagkagulat sa mukha niya
Si Isha ang unang naka alam ng lahat. Mula sa pagkwento ko sakanya ng mga kakaibang nararamdaman ko, nakita niya rin ako nang isang araw kung paano ako tumakbo papuntang banyo para dumuwal. Siya rin ang nakasama ko ng mag take ako ng pregnancy test at siya rin ang unang tumingin ng resulta noon, at ayun nga, positive. Ngayon namang araw ay wala kaming pasok, vacant day namin ito ngayong second sem kaya sinamahan na ako ni Isha sa Ob gyn clinic.
Napayuko nalamang ako atsaka pinunasan ang biglang bumagsak na luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Masyadong manhid ngayon ang pakiramdam ko. Hindi ko alam ang gagawin ko..
"Yna naman.." malumanay na sabi saakin ni Isha at saka hinawakan ang kamay ko. Niyakap niya ako sa gilid at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya
Dahil doon ay nagsimula nang magpatakan ang mga luha sa mga mata ko. Halos takpan ko ng kamay ko ang bibig ko para hindi marinig ang pag hikbi ko
"Isha... b-buntis. buntis a-ako" putol putol na sabi ko habang hindi matigil ang paghikbi ko
Hinaplos naman ni Isha ang ulo ko at mas hinigpitan ang yakap "Shhh 'wag kana umiyak. Huwag kang mag alala hindi kita papabayaan" pagpapakalma saakin ni Isha
"Ano nalang ang sasabihin ko kila Papa" sabi ko
Nang maalala ko ang mga magulang ko ay mas lalo lamang bumigat ang dibdib ko. Parang tinusok tisok ito sa sobrang kirot. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa mga magulang ko. Isa lang ang alam ko ngayon, at 'yun ay madidisappoint sila saakin ng sobra... lalo na si Papa
"Huwag mong isiping disappointed ako sa'yo" sabi ni Isha kaya napatingin naman ako sakanya "Pero sana maisip mo na bobo ka sa part na ito" pang paprangka niya
Tama si Isha.
Ang bobo ko. Ang tanga ko. Bakit ko hinayaang mabuntis ako? Bakit ko hinayaang umabot sa ganito. Alam ko naman nang may nangyari saamin ni Lace pero bakit hindi manlang ako umaksyon? o gumawa nang paraan para hindi magbunga ang ginawa namin ni Lace
Napahilamos ako sa mukha ko at saka pinunasan ang mga luha ko. Sumasakit na ang ulo ko sa sobrang daming iniisip. Sumasakit na ang sentido ko sa sobrang pagka frustrated. Feeling ko sobrang pagod na pagod ako kahit wala pa naman akong ginagawa ngayong araw para mapagod ako ng ganito.
Napakagat ako sa labi ko nang tignan ko ang tiyan ko. Hindi pa man ito halata ay natatakot na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari saakin. Gusto kong magka anak pero hindi ko inaasahang ganito kaaga. Masyadong masakit sa ulo ang mga iba't ibang pumapasok sa isip ko habang walang tigil ang pag agos ng luha ko
Bigla kong na alala si Lace. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ng maalalang halos tatlong araw na kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Huling usap namin ay sa cellphone at sinabi niya naman saakin na magiging busy siya sa school at hindi kami makakapag kita. Ibinigay ko naman sakanya ang oras na iyon at inabala ko rin ang sarili ko sa pag aaral ngunit tatlong araw palang ay parang hindi ko na kaya. Wala manlang siyang tawag o kahit text manlang para makapag update siya saakin.
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...