35 (Bewitched)

901 34 18
                                    

"I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni Lace

Nasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghanda

Mayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya

"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato

"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niya

Ibinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya

"I would rather be single for my whole fucking life if you're not the person whom I'll grow up with" dagdag niya

Naramdaman kong muli ang paglakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari at pinagdaanan namin ay hindi mawawala ang pagmamahal na sakanya ko lang naramdaman

"Nagustohan mo ba siya?" tanong ko upang mapatitig siya lalo saakin

Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko ngunit inihandan ko nalamang ang sarili ko kung ano man ang magiging sagot niya

Ngumiti siya saakin at kinuha ang isa kong kamay at hinalikan iyon

"Wala akong ibang nagustohan ng ganito katindi, ikaw lang Yvonne" sagot niya

Napalunok ako. Halos matunaw na ako sa lalim ng mga titig niya saakin. Para bang hindi siya kailanman nag sawa sa mukha ko

Sa kabila ng lakas ng pagtibok ng puso ko at panghihina ko dahil sa sinabi niya ay naramdaman ko ang sarili kong unti unting ngumiti sakanya

"Bakit ang hirap mong hindi gustohin? Bakit ang hirap mong pakawalan?" halos pumiyok ako sa pagkakabigkas ng mga tanong na iyon kasabay ng pamamasa ng mga mata ko

Napayuko siya at saka ibinasa ang pang ibaba niyang labi. Nakita ko ang pagkagat niya ng dila niya upang pigilan ang mga luha na balak ng bumagsak mula sa mga mata niya

"Lace, tumingin ka sa akin" utos ko sakanya

Unti unti niyang inangat ang ulo niya at nang magtama ang paningin namin ay biglang kumirot ang puso ko nang makita ang pamumula at pamamasa ng magaganda niyang mga mata niya 

"Bakit kahit sobra mo akong sinaktan...." naputol ang sasabihin ko nang mabasag ang boses ko kasabay ng pagtulo ng luha ko " Bakit.. sobrang mahal pa rin k-kita" dagdag ko

Inagaw ko sakanya ang kamay kong hawak hawak niya at saka napayuko at tinakpan ko ang mukha ko nang sunod sunod nang tumulo ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang pag galaw niya mula sa kinauupoan niya at ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang yakap niya saakin. Hinalikan niya ang tutok ng ulo ko kasabay ng pag bigkas niya ng matatamis na salita

"Ever since I met you I've never looked at anyone the same way, I'm so in love with you. And I'am still and forever be in love with you baby" malambing na sabi niya

Kumalas ako sa pagkakayakap namin at tumingin sa mga mata niya. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko ngunit tinitigan ko pa rin siya

"Lace, I still have feelings for you" sabi ko at saka pinunasan ni Lace ang mga luha na dumadaloy sa pisngi ko "And no matter how many times I tell myself that I'm better off without you... w-wala eh.. hindi ka mawala d-dito" umiiyak na sabi ko habang itinuro ang puso ko

Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)Where stories live. Discover now