"Nandito na 'ko sa parking lot Yna"
"Sige pababa na"
Ngayon ang araw ng birthday ni Tito Alonzo. Hindi ako kumain ng kanin buong araw para lang hindi ako ma bloated dahil sa red silk dress na suot ko ngayon. Siyempre, bongga'ng party, bongga'ng suot din. Dala ko rin ang silver Prada pouch bag na niregalo saakin ni Isha, para may malagyan ako ng cellphone, wallet and pang retouch ko. Ako lang rin ang nag ayos sa sarili ko dahil kapag kumuha pa ako ng make up artist ay baka ako ang mapagkamalan na may birthday
Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko agad si Jasper. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang kabuoan niya. Naka black coat at black slacks siya habang sa loob naman ng coat niya ay ang kulay maroon na turtle neck na bagay na bagay sakanya. Terno ang kulay ng suot namin ni Jasper ngayon dahil kami raw ang magka partner. Sabi kasi ni Isha ay kailangan may partner daw. Hindi ko tuloy alam kung birthday party ba talaga ang aattendan namin o js prom
"Koreano 'yarn?" biro ko kay Jasper
Natawa naman siya "Siyempre, buhay mo na yata ang kdrama eh, ako ngayon ang oppa mo!" sabi niya at nag finger heart pa saakin
Tinarayan ko naman siya at bahagyang natawa "Dami mong alam 'no?" sabi ko ngunit tumawa lamang siya at saka seryosong tumingin saakin
"Ang ganda mo, Yna" seryosong sabi niya
"Ikaw rin, ang ganda mo" biro ko kaya napasimangot siya
"Hindi talaga ako makakuha ng magandang timing para bumanat sa'yo 'no?" biro niya
"Joke lang naman" natatawang sabi ko at saka tinignan siya mula ulo hanggang paa "Ikaw, ang gwapo mo" nakangiting sabi ko kaya nakita ko naman ang pagkagat labi niya upang pigilan ang pag ngiti "Buti nalang naging crush kita noon" dagdag ko pa na nakapag pa pula ng pisngi niya
"I-crush mo ulit ako ngayon, ika-crush back na kita" nakangiting sabi niya
"Sige pag iisipan ko ng mabuti 'yan" biro ko
Napasimagot naman ulit siya "Mas mabuti siguro kung umalis na tayo" sabi niya
Tinawanan ko naman siya at pumunta na ako sa kotse niya at naupo sa passenger seat. Hindi ko na siya hinintay pang pag buksan ako. Agad naman siyang sumunod saakin at saka nag drive papunta sa isang 5 star hotel kung saan gaganapin ang birthday party ng Daddy ni Isha
Nang makarating kami sa engrandeng hotel ay ibinigay lang ni Jasper ang sasakyan niya sa butler at saka kami sumakay ng elevator papunta sa venue
Itinahak namin ang red carpet papasok sa venue. Hindi ito ang unang beses na pumunta ako sa birthday party ni Tito Alonzo, palagi talagang engrande ang party niya. Halos lahat talaga ng mga bisita ay halata mong mga mayayaman at mga negosyante
Nasa braso lang ni Jasper ang isang kamay ko nang makapasok kami sa mismong venue. Bumabati rin kami sa mga kakilalang nakakasalubong namin. Mas marami nga lang ang bumabati kay Jasper, dahil ang ibang bisita ay kilala siya bilang Engineer
"Engineer Sanchez!" napalingon kami ni Jasper sa isang lalaking may edad na at halatang mayaman dahil lang sa suot nito. May hawak hawak siyang baso na may champagne nang lumapit siya sa gawi namin
"Sir Lacosta" bati naman sakanya ni Jasper at nag shake hands lang sila
Nang mapunta saakin ang tingin ni Sir Lacosta ay tumango lamang ako sakanya at saka ngumiti
"Ah, Sir Lacosta, this is Alyanna Bautista. Yna, this is Sir Alvin Lacosta" pagpapakilala saakin ni Jasper
Iniangat ko naman ang kanang kamay ko upang makipag shake hands kay Sir Lacosta na agad niya naman tinanggap
YOU ARE READING
Bewitched by His Eyes (Accountancy Series #1)
Teen FictionHave you ever fall in love with an unexpected man in an unexpected time? Have you ever fall in love because of the beauty of his eyes? If yes, then you have the same situation with Alyanna Yvonne Bautista a Financial Management major student of Uni...