Habang naka tingin ako sa harapan ko kung saan maraming nakapila para magpahula sakin. Sabi kasi ni nanay sakin nakatadhana daw talaga ako maging fortune teller
"Gusto ko malaman kung ano mangyayari sakin sa future?" Sabi ng isang babae nasa harapan ko at kinulang ata sa tela yung damit sa sobrang ikli
hindi ko nalang iyon pinansin tsaka nag concentrate sa ginagawa ko. Ilang minuto din bago ko nakuha ito tsaka ako tumingin sakanya ulit
" Nandyan lang malapit sayo ang magmamahal mo habang buhay at mas magiging successful ka pero may mga taong ang ayaw sayo" Sabi ko sakanya at medyo nagulat sya
"Gusto ko ng makilala kung sino. Anyway thank you" Nakangiti nyang sabi at lumabas na sya
Marami pang ang sumunod kaya sinabihan ko ang aking matalik na kaibigan kung pwede nyang kunin ang iba dahil pareho lang naman kami ng ginagawa
"Tara na Ace kain na tayo. Mamayang hapon nalang natin ituloy to" Pagkukumbinse sakin ni Kiara
"Eto na tatayo na ko. Wait ayusin ko lang mga gamit ko" Sabi ko sakanya kaya tumango nalang sya
"Sige. Miss ko na luto ng nanay mo" Nakanguso nyang sabi
"Nakakalimutan mo ba pangalan mo tuwing kumakain ka ng luto ni nanay?" Tanong ko sakanya at tumawa
"Oo. Sa sobrang sarap ng pagkain" Sabi nya sakin
"Tara na nga. Meron na atang pagkain sa bahay kasi alas dose na kasi" Pag aaya ko sakanya at kinawit nya agad ang kanyang kamay sa siko ko
Pagkarating namin sa bahay ay saktong naglalagay na si nanay ng mga plato at naramdaman nya na nasa harap na nya kami kaya tumingala sya samin
"Nandito na pala kayo" Sabi nya samin at bumeso kami ni Kiara
"Namiss ko po luto mo" Pambobola ni Kiara at natawa si nanay sakanya
"Ikaw talagang bata ka palagi mo nalang akong binobola" Natatawang sabi nya at umupo na kami sa upuan
Habang kumakain kami ay todo kwento si Kiara ng kung ano ano ewan ko dito hindi ata napapagod kakasalita at infairness hindi sya nauubusan ng chika
"Kamusta naman ang ginagawa nyo?" Tanong ni nanay kaya gets na namin yun
"Marami pa rin po ang pumipila para po mahulaan namin at sana po mag stay na ganon karami" Sagot naman ni Kiana kaya tumango ako
"Medyo nakakapagod pero worth it pero nay may tanong ako" Sabi ko sa aking ina
"Ano yun?" Mabilis nyang sagot sakin at lumunok muna ako bago ako ulit nagsalita
"Pwede po ba akong mag apply ng trabaho?" Tanong ko sakanya
"Nako mahihirapan kang maghanap ng trabaho lalo na hinahanap nila palagi iyong may experience na. Mas madali nga tayong nakakakuha ng pers dito sa ginagawa natin" Sabi nya sakin at malungkot nalang akong ngumiti
Tinapos ko na agad ang kinakain ko dahil mayroon sa loob ko na naiinis dahil ayaw nya akong payagan mag apply at sa tuwing binabalak ko ay pinapagalitan nya ako
"Tita saan ka nga pala nakapwesto ngayon?" Pang iiba ng usapan ni Kiara
Tahimik akong nagpapasalamat sakanya at nagiba na rin ang tuon ng pinaguusapan namin
"Sa may bayan ako kasi marami din ang pumupunta don kaya naisipan kong subukan" Sabi ni nanay at napatango nalang ang dalaga
Nag urong na rin kami pagkatapos kumain at tinulungan ko na rin si nanay na maghugas ng pinggan para sabay sabay na kami makaalis
"Ace baka late ako makauwi mamaya kapag maraming tao mamaya" Sabi sakin ni nanay at tumango nalang ako
"Sige po basta mag iingat kayo" Sagot ko sakanya at ngumiti ako sakanya
"Nako nay wag mong alalahanin si Ace ako na bahala dito. Samahan ko nalang sya kapag wala pa po kayo" Nakangiting sabi ni Kiana
"Mabuti pa nga. Takot pa naman to sa dilim" Pangbubuko nya sakin kaya ngumuso nalang ako
Wala kasi akong maliit na lamp na kung saan pwedeng ilagay sa gilid para magsisilbing ilaw sa gabi
"Tara na alis na tayo para makarami pa tayo kahit maghahapon na" Sabi ni nanay at lumabas na kami
Bago umalis si nanay ay nagpaalam na kami. Pagkatapos non ay pumunta na ulit kami kung saan kami naka pwesto pero bago yon ay naakit ako ng maganda tanawin dahil sa sand at dagat kaya tumakbo ako doon palapit
"Ano ka ba bata?" Tanong ni Kiara at tumawa sakin
"Ang ganda kaya. It makes me calm" Sabi ko at tinignan ang tanawin
Sobrang linis ng tubig na makikita at malakas pa ang hangin kaya nakakarelax talaga
"Hoy tara na may nakapila na don" Inform nya sakin at nakita ko nga na may pila na
Pagkalingon ko sa paligid ay may kumuha ng atensyon ko. Mayroong salu-salo sa malapit samin at hula ko ay mga magkakaibigan
"Ano tulaley ka na dyan?" Singit ni Kiara at nagsimula na kong maglakad para pumunta sa pwesto namin
Pero nakatuon pa rin dun yung pansin ko sakanila at masasabi kong magaganda at pogi sila parang bawal ang salitang panget sakanila.
Ang isang lalaking naka t shirt na plain white na naka tuck in sa kanyang short ang kumuha ng pansin ko.
"Tara na nga ang kupad masyado" Inis na sabi ni Kiara at hinila ako
Maya maya ay may dumaan sa harap kong nakalagay ang kamay sa kanyang bulsa
"Watch your step. Careful" Malamig nyang sabi kaya natigilan ako
"Huh?" Bulong kong sabi at maya maya ay may naramdaman ako sa paa ko
Tinignan ko ito at isang hourglass kaya kinuha ko ito pagkatingin ko sa harap ay wala na ang lalaking nagsabi nun. Tumingin rin ako mula kaliwa at kanan. Pero nawala sya bigla
"Ano yan?" Tanong ni Kiara sakin
"Hourglass di ba halata?" Balik kong tanong sakanya
Kinuha ko ito dahil nagandahan ako sa itsura. Halata din naman na walang nagmamay ari nito. Pagkarating namin sa pwesto namin ay umupo na agad ako para makapag simula na agad
"Good Afternoon" Masaya kong bati at ngumiti ang isang babae sakin
Sinimulan ko na ang ginagawa ko at di ko na alam kung ilan na pero marami rami pa. Maya maya ay may umupo na lalaki sa harap ko at napanganga ako sa nakita ko. Sya yung kaninang nakita ko
"Uhm ano papahula kayo?" Tanong ko sakanya
"Kaya nga ako nandito" Natatawa nyang sabi at medyo natawa rin ako
Omg Peace please go back to your senses. Alam kong pogi sya pero I need to focus.
Sinimulan ko na ang ginagawa ko pero parang may mali hindi ko makita kaya inulit ko ito ng tatlong beses pero wala parin blangko lang nakikita ko
"What do you see?" Tanong nya sakin pero nakatingin lang ako sakanya

BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Подростковая литератураScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...