Kabanata 26

52 3 0
                                    

Nauna na kong naglakad kay Grachie kasi ang lakas nyang mang asar at aaminin ko man natetempt akong sabunutan yung kapatid kong parang linta

"Hoy babaita dito tayo" Sabi ni Grachie at hinila na ako

Pagkapasok namin ay tinanong muna nya kung may pasyente ang kanyang ina at nung sinenyasan kami na pwede na ay tumuloy na kami

"Good Afternoon mommy" Bati nya sa kanyang ina at humalik ito sa pisngi

"Good Afternoon po" Mahina kong sabi sakanya

"Finally nakilala ko rin ang kaibigan ng anak ko. Sorry iha kung masyado akong nagmamadali na makilala kita kasi mapili kasi to. Medyo choosy" Pagkwekwento nya at natawa ako ng mommy

"Syempre naman dapat choose your friend wisely" Sagot naman ng aking kaibigan

"Oh sorry I forgot to introduce myself I am. Seraphine Alcantara" Nakangiti nyang pagpapakilala

"Serenity po. Nice to meet you rin po. Pedia po kayo?" Tanong ko sakanya

"Oo iha alam mo na mahilig sa bata" Sabi nya sakin

Studying med is not a joke because you have to offer your free time and sleeps. Sobrang hirap daw. Atsaka walang katapusan na pag aaral

"Nag lunch ka na mommy?" Tanong ni Gratchie sa kanyang ina

"Hindi pa nga. Sakto ang dating nyo magtutungo na ko sa cafeteria sumama na rin kayo sakin baka gusto nyong kumain rin" Pag aaya nya samin at tumango naman agad kami

Pagkarating namin doon ay hindi naman puno meron pang mga bakanteng mga upuan kaya ayun na ang inoccupy namin. Tumingin naman ako sa paligid at hindi ko sinasadyang makita ang table nila Dash kasama ang aking kapatid at limang doctor rin

Tumatawa sila habang may sinasabi ang isang doctor at bigla naman nilagay ni Katherine ang kamay nya sa braso ni Dash at lumayo ng kaonti si Ocean. Pagkatapos non ay mapapansin ko ang pang aasar sa dalawa

"Sakit naman sa mata ng view noh" Nakangising sabi ni Grachie

"Umupo ka nalang dyan. Kain tayo" Sabi ko sakanya

Ganon nga ang ginawa namin pero parang hindi ako tinantanan ng babaeng toh habang kumakain kahit nasa harap namin ang nanay nya

"Ano sapakan na ba or sabunutan?" Nakangisi nyang sabi

"Parang may nandedemonyong bulong ng bulong" Sabi ko at tumawa sya ng malakas

"Sino ba yung tinitignan nyo?" Tanong ni Tita at lumingon agad sa likod

"Mommy sa table nila Doc Dashiell" Pagbubunyag ni Grachie

"Nako. Taken na yan nung nag iintership. Ano bang pangalan nun? Ayun si Katherine?" Sabi ni Tita

"Wag nyo nalang pong pakinggan tong anak nyo gutom lang po sya diba" Pinandilatan ko pa si Graciela

"Opo mommy wala po yun " Sagot agad niya pero alam kong pigil pa rin ang tawa nya

Hindi ko talaga minsan mapagkakatiwalaan ang bibig nitong kaibigan ko malapit ko nang lagyan ng masking tape

"Kayo talagang mga bata kayo" Napapailing na sabi ni Tita

"Okay lang yan my, sayo naman nagmana ang junakis mo" Sabi nya

Pagkatapos namin bumisita sa ospital ay dumiretso na kami sa mall kasi gusto daw nyang mag gala parang kain kain lang ganon tapos kwentuhan

"Asan na pala ang nanay mo?" Tanong sakin ni Grachie

Alam naman nya yung tungkol sa nangyari. Sabi pa nga nya sakin parang mala fairytale daw ang buhay ko ang dami kasing ganap

"Uhm.." Tumikhim ako "Hindi pa ulit sya nagpaparamdam sakin"

"Sana kung saan man si Tita ay maayos sya"

Dahil sa sinabi nya ay natouched ako kasi sa sitwasyon namin ngayon ay marami na sigurong ayaw lumapit samin o sakin

"Try mo ngang isukat to mukha maganda yung dress sayo" Sabi nya sakin at tinuro ang dress na maganda

"Ang ganda nga" Sabi ko at pinasadahan ko sya gamit ang aking kamay

"Try mong isukat dali tas kapag bagay sayo ibibili ko pasa sayo. Wag ka ng umangal. Isipin mo nalang na treat ko sayo yun" Pangunguna nya sakin kaya wala na akong nagawa kundi kunin

Sinukat ko na sya sa dressing room at hinawakan ko ulit sya habang nakatingin sa salamin na may ngiti sa mga labi ko

"Ang perfect girl ang ganda mo" Puri nya sakin at nakangiti pa

"Matagal na" Natawa ako sa sinabi ko at kinindatan pa sya

"Pak na pak. Pustahan nako babalikan ka nyang jowa mo" Sabi nya sakin

"Bahala ka dyan. Kung ano ano sinasabi mo"

Nagpalit na ulit ako at binayaran na nya agad pagkatapos ay kumain na rin kami nung una ay gusto nya sa restaurant pero napilit ko sya sa fastfood

"Masarap mga pagkain dito" Sabi ko sakanya

"Mas masarap tayo dyan" Bulgar nyang sabi at natawa ako

"Bat ka ganyan?"Sagot ko sakanya

"Feeling inosente ka nanaman" Sabi nya sakin

Habang kumakain kami ay nagdadaldalan kami tapos minsan nagpapatawa pa kaya muntik na ko mabulunan

"Diba you told me na nanghuhula ka?" Tanong nya sakin

"Yes"

Nag puppy eyes sya sakin "Hulaan mo rin ako. Please" Nagplease sign pa sya

"Next time na kapag wala tayong masyadong gagawin" Sabi nya

"Sabi ko na nga ba you will never say no to me. Love you" Sabi nya at niyakap pa ako ng mahigpit

"Pero alam mo ba tuwing nakikita kita nararamdaman ko na"

"Na ano?"

Napangisi ako sa naisip ko tsaka sya tinitigan sa mata

"Hindi ka na magkakajowa" Natatawa kong sabi sakanya at sinamaan nya ako ng tingin

"Shh.. baka mausog. Baka di na talaga ako magkaroon"Sagot nya sakin at natawa ako

Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad pa kami kaunti bago namin napagdesisyunan na umuwi na dahil may pasok pa kami

"See you tomorrow sa school. I had a great time today" Masayang sabi ni Grachie sakin

"Ako din super nagenjoy ako. See you" Nakangiti kong sabi at hinintay na makaalis ang kotse nila bago umalis

Pagkapasok ko sa bahay ay bigla akong nanibago kasi walang tao

"Ma'am may inasikaso lang sila sir kaya baka wala sila dito ng isang linggo" Pagbibigay alam ni manang sakin

"Ang kapatid ko po?" Tanong ko sakanya

"Nasa kwarto na nya kumain na rin yun. Ikaw ba ay tapos na?"

"Opo"

"Sige na at magpahinga ka na muna sa kwarto" Sabi nya sakin at tumango ako

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagpalit na agad ako ng damit at naligo. Nagpatuyo na rin ako ng buhok tsaka ako nahiga

Maya maya ay biglang pumasok si Callie pero nakatayo lang sya sa harapan ko

"Yes?" Panimula ko

"May naghahanap sayo sa labas" Sabi nya sakin at kumunot ang noo ko

Hindi ko na inabala pang itanong kung sino kaya lumabas nalang agad ako. Ewan po pero habang papalapit ako sa gate ay kumakalabog ang puso ko.

Pagkalabas ko ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Dashiell Ocean wearing his polo shirt and the two buttons are open while wearing tight jean

"Anong ginagawa mo dito?" Mahina kong sabi

"Can we talk?" Tanong nya without entertaining my question

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon