Pangalawang araw namin to kaya naisipan namin na sumakay ng bangka para adventure lang kasi hindi namin nagagawa to
"Ang ganda ng tubig. Ang linaw" Nakangiting sabi ni Ash at nilagay pa nya ang kamay nya sa tubig
"Syempre dapat lang. Isa kayang tourist destination ang Palawan kaya dapat maganda" Sagot naman ni Kiara
Wala naman nakaangal dahil totoo naman. Isa itong dinadayo ng mga tao kaya kapg bakasyon marami ang pumupunta dito.
"Ang swerte naman ng may ari ng place na ito. Maganda rin kasi yung accomodation nila dito sa resort" Pag cocompliment ni Hazel
"Thank you" Singit na sabi ni Katherine
"Your family own this?" Paniguradong tanong ni Ash
"Yes. That's why we can do what we want here" Nakangiti nyang sabi at mga kaibigan ko ay tuwang tuwa
Umuuga na ang bangka na sinasakyan namin kaya napahawak ako sa gilid gilid
"Hoy mga gaga magsibehave nga kayo. Umuuga na" Sabi ko sakanila at tumawa sila
"Takot ka?" Tanong sakin ni Kiara
"Hindi duh. Lumalangoy naman talaga ako diba kasama pa nga kita minsan. Sayang kasi outfit natin kung mababasa lang" Sabi ko sakanya
Pagkatapos namin mamangka ay tumayo lang kami sa harap ng dagat habang nag iisip ng pwedeng gawin pa
"Punta tayo sa Port Barton" Pag susuggest ni Hazel
"Ay oo. Nakita ko kagabi nag search ako ng mga tourist spot dito since hindi naman talaga tayo madalas gumawa kaya naghanap nalang ako" Sagot naman ni Ash
"Kaso baka matagalan tayo kasi wala naman tayong sariling sasakyan papunta don" Sabi naman ni Kiara
"No worries. May service naman kami dito ayon nalang gamitin natin" Nakangiting sabi ni Kath
Kinausap na nya ang pwedeng mag drive samin papuntang Port Barton
"Ready na kayo?" Tanong ni Kath
"Ready na" Sagot ko sakanya at ngumiti pa
"Here we comes" Sabay sabay sigaw ng tatlo kaya natawa ako
Pagkarating namin don ay namangha agad ako sa lugar. I think I experience love at first sight in this place.
"Tara na pasok na tayo" Pag aaya ni Ash
Susunod na sana ako sa kanila pero biglang nagring ang phone ko at nakita kong si Ocean ito kaya sinagot ko agad
"Hi baby" Bati ko sakanya
"I miss you" Sabi nya sakin
"I miss you too. Ang sweet mo naman. Uwi ka na" Sagot ko sakanya
"Kung pwede lang uuwi na ko agad. Wala nang isip isip" Tuloy tuloy nyang sabi
"Cute mo naman. Please come back to me soonest" Sabi ko sakanya
"Syempre naman. Kahit saan ako magpunta sayo lang ako babalik" Sweet nyang sabi
"Okay stop na masyado mo kong pinapakilig. How is your day?" Tanong ko sakanya
"Oh before I forgot I called you because I want to tell you that I will be back after a month or earlier because the patient is responding well" Pagkwekwento nya sakin
"Good to know. I am proud of you. Sabi ko sayo kaya mo yan" Nakangiti kong sabi
"Serenity tara na" Sigaw ni Katherine at sinesenyasan na ko na pumasok na

BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Teen FictionScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...