Wakas

126 2 0
                                    

Kakatapos ko lang mag opera ng isang pasyente na tumagal na 18 hours kaya pagbalik ko sa desk ko ay napa masahe ako sa aking noo.

Maya maya ay nag ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk ko.

"Bro, sama ka samin bukas. Pupunta kami sa isang resort. Ayon lang kasi yung araw na pwede tayo lahat" Pag aaya ni Kylo sakin

"Sige. Text mo nalang ako kung saan magkikita pati anong oras" Pagpapayag ko tsaka ko binaba

Mabilis natapos ang araw dahil wala akong masyadong ginagawa. Mga paperworks lang na kailangan pirmahan. Sakin na kasi pinamana ang ospital na to.

Kinabukasan ay pumunta kami sa resort na tinutukoy na kaibigan ko at masasabi ko na hindi ako nagsisisi na sumama dahil napakaganda ng tanawin kahit na minsan ay nandito ako.

"Namiss ko kayo" Nakangiting sabi ni Kylo samin

"Pakiss nga" Pagbibiro ni Tristan at akmang lalapit sya pero hinila sya ng asawa nya

"Manahimik ka nga dito sa tabi" Sabi ng asawa nya at mukha naman syang maamong aso na sumunod

Grabe talaga mga kaibigan ko. Mga UNDERstanding. Sila palang dalawa ni Kylo ang nakapag settle down habang kaming tatlo ay hindi pa pero di naman kami nagmamadali.

"Ang sakit naman sa mata" Pang aasar ni Zion kaya natawa ako

"Hindi naman lang ako inform na kailangan by partner pagpunta dito" Gatong ni Payton

Napa iling nalang ako sa kanila. Ang dami kasi nilang mga babae. Ayaw pa nila magseryoso ang tatanda na.

"Bili lang akong inumin" Paalam ko sakanila pero di ko na hinintay ang sagot nila

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong ako isang babae na wala ata sa sarili nya dahil malapit na syang madapa.

""Watch your step. Careful" Malamig kong sabi sakanya at natigil sya bigla sa paglalakad

Pagdating ko sa bilihan ng inumin ay pinagmasdan ko ang babaeng muntik pang madapa kanina habang kasama nya ang kaibigan nya.

She has a brown long hair, malayang tinatangay ng hangin. She has a perfect body shape. Bagay sakanya ang tan na kulay ng balat ng and she has a red lips.

"Bat ang tagal mong bumalik?" Tanong sakin ni Tristan

"Bumili nga ako diba" Sabi ko sakanya

"Ah kala ko humanap ka na ng babae" Natatawang sabi naman ni Zion

"Anyway, Sama ba kayo magpapahula ako?" Tanong ni Payton

"Naniniwala ka don?" Balik na sabi ni Zion

"Gago, malay mo naman. Totoo diba" Sabi naman ni Payton sakanya

Wala naman kaming nagawang dalawa at pumunta na kami dun sa may isang store.Iniwan muna namin ang dalawang mag asawa sa table.

"Una na ko" Sabi ni Payton at sya na ang umupo

Naghintay lang kami ng ilang minuto at sumunod na rin si Zion at nakangiti pa habang may sinasabi ang babae sakanya kaya napailing nalang ako.

Maya maya ay sumunod na ko at tamad akong tumingin sa ginagawa nya. Lumabas pa nga muna sya bago sabihin ang hula nya sakin

"Makikilala mo na ang para sayo" Seryoso nyang sabi

Nung una ay hindi ako naniwala sa sinabi nya pero ang tadhana na ang gumagawa dahil nakilala ko ang babaeng nakita ko sa harap ng karagatan si Serenity Peace Quinn. What a beautiful name.

"Dashiell Ocean. Mine nyo na to. Di kayo iiwan at ighoghost. Loyal na doctor din to" Sabi ni Zion at ngumisi pa sakin

"Mga gago kayo. Binenbenta nyo ba ako?" Naiinis kong sabi sakanya

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon