Gusto ko ng ganitong buhay, tahimik na parang walang problemang iniisip pero imposibleng mangyari yun
"Hoy kanina ka pa tulala dyan. Okay ka lang ba?" Pag alalang tanong ni Kiara
"Oo siguro napuyat lang ako" Pagrarason ko sakanya
"Kakabebe time mo yan teh" Natatawa nyang sabi sakin
"Inggit ka lang" Sabi ko sakanya at binelatan ko pa sya
Kahit papaano ay nawala ang iniisip ko dahil sa kanya kaya mahal ko to
"Namiss na kitang kasamang manghula dito" Nakanguso kong sabi sakanya
"Bakit hindi nalang kayo umuwi ng manila tutal ay may bahay kayo dun at pwede ka pa ulit mag aral?" Tanong ko sakanya
"Ayaw ni nanay pero pinipilit ko sya at sa tingin ko ay malapit ko na syang mapapayag" Nakangiti nyang sabi sakin
Pagkatapos ng pag uusap namin ay umuwi nalang ako sa bahay at tumunganga habanag nasa harapan ko ang isang hourglass pero nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko
"Baby Damulag" Tawag sakin ng kabilang linya kaya alam ko na kung sino to
"Baby Tanda bakit?" Natatawa kong sabi at narinig ko sya sa kabilang linya na nag tsk kaya natawa ako
"Kanina pa kita tinetext hindi ka sumasagot. Are you okay?" Nag alala nyang tanong sakin
"Oo naman" Sinubukan kong pasayahin ang boses ko
"Parang hindi naman" Sagot nya
"Promise okay lang ako. Namiss mo siguro ako noh" Pang aasar ko sakanya
"Yeah. I miss you so much. Sorry I can see you today. My schedule are so tight" Nahihirapan nyang sabi sakin
Naiintindihan ko naman sya kasi mahirap naman kasi talagang maging doctor
"I miss you too. Okay lang marami pa namang araw. Save many lives today Doc" Pag chicheer ko sakanya
"But I will find I way to see you" Pilit nyang sabi kaya wala akong nagawa kung hindi umagree nalang
"I love you" Nahihiya kong sabi sakanya
"I love you baby" Sagot nya sakin at kinilig ako
Dahil sa wala na talaga akong magawa ay nagluto nalang ako ng miryenda kasi nag cracrave talaga ako sa banana cue matagal na kasi nung huli akong nakakain non
"Ang bango naman enge kami" Bungad na sabi ni Hazel pagkalingon ko sa pinto at nagulat ako
"Anong ginagawa nyo dito?" Gulat kong sabi sakanila
"Wala lang bored kami sa bahay" Kibit balikat na sabi ni Ash
"Ayaw mo na ba samin?" Nakangusong sabi ni Kiara kaya tinaasan ko lang sila ng kilay
"Hindi kaya. Love na love ko kayo" Malambing kong sabi at niyakap ko pa sila
"Pakain rin kami ah" Sabi nila kaya wala na kong nagawa kung hindi marami lutuin
Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan kami patungkol sa trabaho o kaya kung may napili na silang eskwelahan na papasukan
"Ang swerte nyo gragraduate na kayo. I am proud of you mga bb" Sabi ko kila Hazel at Ash
"Ano ka ba. Kayo rin ni Kiara makakagraduate" Pagsusupport nya samin kaya nakangiti ako sakanya
I so happy to have a friends like them. Turing ko sa mga to kapatid from another mother kahit minsan gusto ko na silang ipatapon
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Fiksi RemajaScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...