Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang aking kaibigan na naka upo sa sala habang tinitignan nya ang paligid
"Hi Bwisita bakit?" Pang aasar ko sakanya
"Ano? Kamusta? Should I expect an inaanak from you?" Mapaglaro nyang sabi at nanlaki mata ko
"Gaga ka. Baka marinig ka ni Dashiell. Walang nangyari okay? Nag uusap lang kami ang dumi ng jutak mo" Mahina kong sabi at natawa sya sa sinabi ko pero sinamaan ko sya ng tingin
"Pero ang yummy ng boyfriend mo" Kinikilig nyang sabi at binatukan ko sya
"Apaka ingay mo pero bakit ka ba nandito?" Tanong ko sakanya
"Kasi diba sabi mo you need work kasi galing kami nila mommy sa manila and I found out na may isang company na need ng empleyado" Pagkwekwento nya at natuwa ang loob ko sa sinabi nya
"Sige. Bigay mo sakin yung pangalan para kung sakaling kailangan ko doon ako pero may trabaho na ko ngayon" Sabi ko sakanya
"Syempre naman sharing is caring noh pero kwentuhan mo nga ako aba hindi ka nagsasabi" Masayang nyang sabi sakin
"Next time nalang. Kapag kumpleto na tayo" Kindat kong sabi sakanya
Maya maya ay lumabas si Dashiell na seryoso ang mukha at nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa
"Wag masyadong titigan baka matunaw" Sabi ni Hazel kaya napaiwas ako ng tingin
"Heh, wag kang maingay" Bulong ko sakanya
"Crush ko sana sya pero ipapaubaya ko na sya sayo. Basta wag kang paluhain at alagaan ka nya" Sabi nya at kinanta pa nya ang huli
"Sira ka talaga" Natatawa kong sabi sakanya
Maya maya ay biglang pumasok si nanay na may hawak na mga pinamalengke
"Nandito ka pala anak?" Tanong ni nanay kay Hazel
"Opo nangangamusta lang po kay Serenity" Magalang nyang sabi
"Sige maiwan ko muna kayo" Sabi ni nanay kaya tumango kaming dalawa
Lumapit samin si Dashiell at tumapat sya sa bandang tenga ko
"I am sorry but I need to go back to the hospital. There is an emergency" Bulong nya sakin at hinipan pa nya ang tenga ko at nakiliti ako pero tumawa lang sya
"Sure. Text ka nalang" Sabi ko sakanya at hinalikan nya ang ulo ko
"Okay. Tita alis na po ako may emergency po kasi" Magalang nyang sabi
"Sige iho. Mag iingat ka" Paalala ni nanay at tumango si Dash
Hinatid ko sya hanggang sa pintuan tsaka ulit nilapitan si Hazel
"May nalaman pala ako tungkol sayo" Malungkot na sabi ni Hazel at umupo ako sa tabi nya
"Ano yon?" Tanong ko sakanya
"Nadulas kasi sakin si Ara kaya nasabi nya yung tungkol sa pagpunta nyo sa palengke" Panimula nya at yumuko ako
Hindi ko makakalimutan yung araw na yun lalo na galit na galit ako sa sarili ko nung araw na yun. Kinwento ko sakanya ang lahat na nangyari
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko feeling ko kapag ginawa ko yun binababa ko pagkatao ko" Gulat nyang sabi sakin
"Ano pa nga ba ang magagawa ko eh wala naman kaming pambayad sa lawyer" Sabi ko sakanya
"Siguro a little help from your boyfriend is not bad" Sabi nya sakin
"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya

BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Novela JuvenilScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...