Kabanata 20

65 3 0
                                    

Kanina pa ako nakaupo sa lapag na pawis na pawis at naliligo na rin ako sa sarili kong luha bago ako nakarinig ng tunog ng ambulansya

"Ma'am akin na po muna ang nanay nyo. Sumama na po kayo sakin sa hospital" Sabi ng isang doctor kaya tumango ako

Kinuha na nila sakin ang aking ina at nasa amin ang atensyon ng nakakarami

"Ilang minuto na syang ganito?" Tanong sakin

"Mag sasampung minuto" Sagot nya sakin at ginawa na nya ang dapat nyang gawin

Nilagyan nya muna ng oxygen mask habang nakatulala ako sa malambing mukha ng aking ina pagkarating namin sa hospital ay bumaba na agad kami at nagtungo kung saan gagamutin si nanay

"Hanggang dito nalang po kayo" Sabi nya kaya umupo nalang ako sa mga nakahelera na upuan

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko habang nakatukod sa tuhod ko habang nagdadasal. Si nanay nalang ang meron ako ngayon.

"Serenity" Tawag sakin ng isang boses sa katabi ko kaya napa angat ako ng tingin

"Kiara. Si nanay" Basag na boses kong sabi at yumakap sa kanya

"Magiging okay din sya" Sabi nya at hinagod nya ang likod ko

Hindi pa rin napapagod ang luha ko. Kinakabahan ako. Ang daming what if na nasa isip ko. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Dash yun

"Hindi ko kaya" Nanginginig na boses kong sabi kay Kiara

"Iend ko muna" Sabi nya at ganon nga ang ginawa nya pero tumawag ulit sya

"What if sila ang may gawa nito? What if pinlano lang nila ito?" Mahina kong sabi at hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay

"Wag mo masyadong iistress sarili mo. Deep breath" Sabi ni Kiara at tumango ako

Nag ring ulit ang cellphone ko sa pangalawang pagkakataon kaya pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko

"Sagutin ko nalang para di mag alala" Sagot ko sakanya

Rinig ko ang ingay sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag nya

"Baby. I have something to tell you" Masaya nyang sabi sakin

"Ano yun?" Nakatulala kong tanong sakanya

"Anong nangyari? Bakit ganyan boses mo?" Nag aalala nyang tanong. He know me too well

"Wala pagod lang to. Ano pala sasabihin mo?" Tanong nya sakin

"My mother told me that I will be the CEO of this hospital" Proud nyang sabi at napangiti ako sa sinabi nya

"I am proud of you" Pinasaya kong sabi sakanya

"Tell me what's your problem. I don't like the sound of your voice" Pilit nyang paamin sakin

"Wala nga. See you later. I love you" Sweet kong sabi sakanya

"I love you too. Can't wait to see you" Sabi nya at binaba ko na

Nag aalala naman akong tinignan ni Kiara but I assure her that I am fine

"This is the last time I will see him I promise" Sagot ko habang nakatingin sa mata nyang nagtatanong

Maya maya ay lumabas na ang doctor mula sa room kung saan ginagamot ang nanay ko

"How is she?" Tanong ko agad

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon