R18.
Nagising ako dahil sa mga maingay na tunog na mula sa kusina kaya napabangon ako kasabay ng pagsakit ng ulo ko kaya napahawak ako dito.
"Ang sakit. Feeling ko binibiyak ulo ko" Mahina kong sabi at minasahe ko ang sentido ko
Inikot ko ang mata ko at tsaka ko lang napagtanto na hindi ko pala ito kwarto. Kaya tinignan ko agad ako suot ko at nakahinga ako ng maluwag dahil ito pa rin ang suot ko mula kagabi.
Kinuha ko na ang gamit ko tsaka ako lumabas at lumingon si Dash sakin kaya nagulat ako.
"Uhh.. Bakit pala ako nandito?" Awkward kong tanong
"You mistook this as your condo unit" Mahinahon nyang sabi sakin
"Thank you" Sabi ko nalang at alam kong naintindihan nya yun tsaka lumakad na
"Masakit pa ba ang ulo mo? I made you a soup" Pag aalala nyang sabi at nilapag ang soup sa mesa
"Medyo" Sagot ko nalang at naamoy ko ang soup
"Do you remember the words that you told me last night?" Tanong nya ulit at palihim akong pumikit dahil sa kahihiyan
Ang tanga tanga mo Serenity. Gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader. Hindi nga ako umiyak o nag drunk call. Umamin naman ako sa ex ko seriously sa personal pa.
"No" Sagot ko kahit naaalala ko iyon
"Okay. Nevermind what I said. Eat your breakfast now" Maawtoridad nyang sabi
"Pwede naman na akong magluto sa condo unit ko so no worries" Pagrarason ko ulit and I hope he will buy it
"You eat this. That's final" Malamig nyang sabi at napabuntong hininga nalang ako
Habang kumakain ay walang nagsasalita and the atmosphere is very awkward. Ang tunog lang na naririnig namin ay galing sa mga utensils.
Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa pagliligpit kasi nakakahiya naman kasi kung aalis agad ako ano yun eat and run.
"Thank you pala ulit" Nahihiya kong sabi
"Welcome" Malamig nyang sabi
Pagkapasok ko sa condo unit ko ay lutang akong umupo sa upuan at napasapo ako sa aking noo kaya pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako iinom. Nagulat naman ako ng tumawag ang kaibigan ko na si Althea Amor Arizala, sya ang kasama ko sa college kasi si Grachie sa ibang bansa na sya pinag aral ng magulang nya.
"Good morning babe" Bati nya sakin
"Good morning bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko sakanya
"Diba mag oovernight tayo sa bahay namin kasi birthday ko ngayon. Did you forget it?" Sabi nya sakin
"No" Sagot ko agad sakanya
"Okay that's good. Mag ayos ka na dahil susunduin kita dyan sa condo mo para sure na pupunta ka tagal na rin nung huli kitang kita" Sabi nya sakin
She is working on their family firm kaya hindi na kami palagi nagkikita kaya ngayon nalang ulit.
"Okay. Mag aayos na rin ako. See you later" Nakangiti kong sabi at binaba na ito
Naligo na ako tsaka naghanap ng damit. Meron na rin akong nakapack ng damit dahil nung sinabi nya ay bigla akong naexcite:
Mi Amore:
I am here na babe.
Sya nagpalit ng name nya and hindi ko na rin pinalitan because I don't mind it at all. Bumaba na ko at nakita ko ang kotse nya agad.

BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Teen FictionScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...