Kabanata 36

62 4 0
                                    

Nakaupo kami dito sa loob ng bahay habang magkakaharap na tatlo at walang may balak magsalita. Malamig ko silang tinignan pero pinapantayan lang din nila ang tingin ko

Ang hirap iproseso lahat ng nangyayari ngayon. Ibig sabihin hindi natuloy ang plano pero paano yung libing atsaka bakit hindi agad sya bumalik sa pamilya nya

"Hindi ko tinuloy ang plano" Basag na katahimikan ni nanay

"Pero bakit hindi sya agad bumalik sa mga Casper?" Diretso kong tanong sakanya

"Natatandaan mo yung araw na kinausap mo ko kagabihan na wag kong ituloy?" Mahinahon nyang sabi sakin at tumango ako

"Anong meron?" Sabi ko

"Hindi ko itinuloy kasi kahit gusto kong makuha ang pera pagkatapos ng gagawin ko ay mas nangingibabaw ang sinabi mo sakin. Iyon din ang isang naging sampal sakin para hindi gawin" Nakangiti nyang sabi sakin at niyakap ko sya

"Thank you nanay at sorry po kasi nagalit agad ako sayo" Pag aamin ko at umupo na sa tabi nya

"Hindi sya nakabalik sa kanyang pamilya dahil ang kasamahan ko ang gumawa ng plano na patayin sya at pinalabas na ako ang may gawa" Sabi nya at nanlaki ang mata ko

"But don't worry he's in jail now" Seryosong sabi ng Papa ni Dashiell

"Dinala ko sya sa ospital kasi umaasa akong mabubuhay pa rin sya at hindi ako nagkamali" Nakangiting sabi ni nanay

"Paano kayo nakabayad?" Tanong ko sakanila

"May pera sya sa wallet nya ay ginamit ko yun tapos yung mga pera na binibigay mo sakin ay naipon ko" Pagpapaliwanag nya sakin

Mayroon akong gustong itanong pero nagdadalawang isip ako kung tama bang itanong ito o hindi.

"May tanong ako" Mahina kong sabi

"Ano yun?" Tanong ni nanay

"Isa ba sa mga rason mo ang gumanti sa pagkamatay ng kapatid mo?" Nakatitig kong sabi sakanya

"Oo pero napagtanto ko na kapag ba gumanti ako ay maibabalik ko ang buhay ng kapatid ko kaya hindi ko na tinuloy atsaka naisip ko rin na wala tayong karapatan na tumapos ng buhay ng isang tao at masamang maghiganti" Seryoso nyang sabi sakin at pinunasan ko ang luha ko

"Bakit ka po pala nanghihingi ng pera?" Tanong ko sakanya

"Kaso hindi sapat ang kinikita namin sa pang araw araw. Pasensya na talaga anak. Hindi na mauulit" Sincere nyang sabi

"Okay lang po yun. Basta be true to your words nalang" Sabi ko nalang

Marami pa kaming napag usapan tulad ng paano sila namumuhay ngayon na walang nakakapansin kasi maraming naghahanap sa aking ina at alam kong kalat na kalat ito at kung paano sila namuhay ng tahimik dito.

Iniwan naman muna kami ni nanay para makapagluto sya ng aming tanghalian kaya naiwan ako dito kasama si Crusoe Casper at ramdam ko ang kaba ko.

"Girlfriend ka ng anak ko?" Tanong nya agad sakin

"Opo" Magalang kong sabi

"Thank you for being there for my son. I know that he is doing his best for our family" Nakangiti nyang sabi sakin

"Welcome po and I gladly do that because I love him so much po" Nakangiti kong sabi sakanya

Hindi ko na tinanong kung paano nya nalaman na kami at mga pinagdaanan nya. I think he is not Casper for nothing.

Namayani ang katahimikan pagkasabi ko nun kaya bigla nanaman akong kinakabahan at nanlalamig ang aking mga kamay.

"I like you for my son but" Putol nyang sabi at nawala agad ang ngiti ko dahil sa sinabi nyang gusto nya ako para sa kanyang anak

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon