"Para kang tanga Karagatan kanina ka pa nakangiti ang creepy mo" Masungit kong sabi sakanya at inirapan sya
Kanina pa kasi sya ngumingiti habang nagmamaneho tapos kinakagat pa nya ang pang ibabang labi nya tapos naeentertain ako panoorin sya
"Baby, You made me so happy" Kindat nyang sabi sakin
"Bakit ba baby tawag mo sakin? Mukha ba akong bata? Do you realize the age gap that we have?" Pagbibiro kong sabi sakanya
"Nah. It is a sign of my love for you" Maharot nyang sabi sakin
Nakaisip naman ako ng kalokohan kasi wala akong magawa kaya kung ano ano nalang naiisip ko
"Should I call you baby tanda?" Pang aasar ko sakanya at sinamaan nya ako ng tingin
"Should I also call you baby damulag? To be fair" Pambabawi na pang aasar nya sakin
"Sige ba" Confident kong sabi
Feeling ko ang bilis lang ng byahe namin kahit ang totoo medyo dumidilim na pero dahil sya ang kasama ko akala ko mga ilang minuto ko pa lang sya kasama. Damn. I so inlove with this man beside me
"How's your team building?" Tanong nya sakin pagkahinto ng kotse nya sa harap ng bahay namin
"It is great. I had fun" Masaya kong sabi at kinwento ko sakanya lahat
"I am glad that you did and I love your dare call I will never forget that" Nakangisi nyang sabi at namula ako bigla
"Alam mo baby gurang kalimutan mo na yun ha" Sarcastic kong sabi at ang loko ay tumawa lang
"Bat ka namumula baby gurang?" Natatawa nyang sabi
"Heh bahala ka dyan. I hate you" Sagot ko sakanya
"I love you too" Sabi nya sakin at inilingan ko sya
Tinignan ko ang wrist watch ko at ala sais na kaya bigla akong napatingin sa kanya alam ko kasi ay mag roround sya sa ospital
"Sge na alis ka na ang harot mo nanaman kailangan mo ng pumunta sa hospital" Pang chachange topic ko
"Kinikilig ka lang but glad that you told me because I forgot it. See you tomorrow" Nakangiti nyang sabi at umiling ako
Gusto kong magpahinga sya kasi alam kong mahirap ang pagigijg doctor that's why I need to be a understand girlfriend and I should trust him because it is the foundation of relationship
"No. You will go once you don't have tight schedule" Nakangiti kong sabi sakanya at tumango sya
Aba buti naman madali tong kausap kung hindi kukurutin ko to sa singit makikita neto
"Okay po boss. I should go" Sabi nya at bumuntong hininga sya
"Ingat ka." Nakangiti kong sabi sakanya at hinaplos nya ang pisngi ko
"I will" Sweet nyang sabi and he kissed my forehead
Pagkatapos nun ay bumaba na ko at hinintay siya na makaalis pero kumaway sya sakin kaya sinuklian ko yun. Naglakad ako papasok ng bahay na nakangiti at napansin yun ni nanay
"Bakit ka nakangiti?" Curious na tanong ni nanay sakin at humalik ako sa pisngi nya
"Kami na po ni Dash" Sabi ko sakanya at natulala sya
"Ganon ba?" Mahinahon nyang sagot
"May problema po ba?" Tanong ko sakanya at kumunot ang noo ko sakanya
"Wala. Masaya ako para sainyo. Sige na magpahinga ka na at tatawagin nalang kita kapag kakain na" Pagchachange topic nya at tumango nalang ako
Pagkarating ko sa kwarto ay nag ayos na rin ako ng mga gamit ko at binalik na ito sa cabinet kasabay nun ay nag text na rin sakin si Dash na nakarating na sya sa ospital kaya naisipan ko nalang na humiga. Namiss ko rin ang kama ko
Sumapit ang hapon kaya nag pasya ako na bumaba pero bago yun ay nakita ko si nanay na may kausap sa telepono. Hindi dapat ako lalapit pero masyado akong nacurious kung sino kaya nagtago ako kung saan di nya ako makikita pero maririnig ko pa rin sila.
"Boss kailan ko sya kailangan isagaw?" Mahinang tanong ni nanay
"Tatawag ulit ako kung kailan basta siguraduhin mo na kaya mong gawin at wala ng atrasan" Matigas na sabi ng kabilang linya kaya napakunot noo ko
"Basta yung pinagusapan natin tuparin mo. Wag mo kong tatakbuhan" Seryosong sabi ni nanay at tinawanan lang sya ng kausap nya
"Basta kapag sinabi ko gagawin ko sige na" Sabi ng kausap nya at binaba na
Sino naman yun? Atsaka anong kailangan gawin? Damn my curiosity.
Karagatan:
Do you eat dinner already?Ako:
Kakain palang ikaw?Karagatan:
I ate with my co doctors. You should eat naWala naman akong dapat ikaselos kasi palagi nyang inaassure sakin na ako lang
Ako:
Okay. I love you.Karagatan:
Eat well baby damulag para naman magkalaman ka. You are so thin.I love you too.Pinanindigan talaga nya yung baby thing nya kaya napataas ako ng kilay maya maya ay bumaba na ko sa kusina na parang wala akong narinig kanina sa usapan nila nanay
"Kanina ka pa ba dyan?" Gulat na tanong sakin ng aking ina
"Hindi po. Kakababa ko lang din" Nakangiti kong sabi sakanya
Susubukan ko ngang tanungin baka sakaling sagutin nya yung tanong ko sana
"May tanong po ako" Sabi ko sakanya
"Ano yun?" Agad nyang tugon
"Sino po yung kausap nyo kanina?" Tanong ko sakanya at mukha syang nagulat sa tanong ko
"Kaibigan ko may tinatanong lang" Sabi nya sakin at tumango ako sakanya
I don't think so. I know that you are lying but I don't want her to be suspicious and judge people immediately without having evidence
"Kain na po tayo" Pag chachange topic ko at kinuha na nya ang ulam namin
Habang kumakain kami ay tinatanong nya ako patungkol sa kung anong nangyari sa team building namin
"Okay yun atleast nag enjoy ka at minsan ay kakailanganin mo talaga yan para hindi ka masyadong mastress" Nakangiti nyang sabi sakin
"Opo atsaka naging kaclose ko na rin yung iba sakanila" Sabi ko sakanya
"Mabuti naman at proud ako sayo kasi ginagawa mo talaga yan para sa future mo at sa pag aaral mo ulit" Sagot nya sakin
"Syempre po. Promise ko sayo na I will give you the best" Nakangiti kong sabi sakanya
"Ang swerte ko naman sayong bata ka" Sabi nya sakin at ginulo nya ang buhok ko
Pagkatapos naming kumain at paghugas ng pinggan ay dumiretso ako sa tapat ng dagat habang hawak ang isang hourglass at pinaglalaruan ko lang to kasi may sentimental value sakin to
"Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang plano mo nanay and as a daughter, I will stop you when I proved that you are doing wrong." Bulong ko habang nakatingin sa hourglass
I believe that even you needed money or anything. Doing wrong is not the answer but you have to get it in a good way and I thank you.
Ang kabog ko naman parang question and answer portion lang sa Miss Universe
![](https://img.wattpad.com/cover/263604541-288-k346019.jpg)
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Novela JuvenilScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...