Kabanata 23

51 3 0
                                    

Habang nakaupo ako dito sa may terrace habang nakatingin sa magandang syudad ay tumabi sakin si Daddy

"How was your experience in our house so far?" Tanong nya sakin

"Nakakapanibago at namimiss ko na po si nanay" Mahina kong sabi sakanya

"Kamusta ka naman sa poder ng iyong nanay?" Tanong nya sakin at yumuko ako

"Hindi po madali pero kaya naman po. The life that I have in my province taught me that we should appreciate things that we have since kailangan talaga mag trabaho" Sagot ko sakanya kasabay ng pag flashback ng memories sa utak ko

"Sana nahanap kita ng maaga. I am sorry anak" Bulong na sabi nya sakin

"Okay lang po importante nakilala po kita" Masaya kong sabi

"Maganda ang pagpapalalaki ng iyong ina sayo sige na tawagan mo nalang sya kung wala kang cellphone ay manghiram ka muna kay manabg tas bibilhan nalang kita kung wala ka pa" Sabi nya sakin at tumango ako

"Salamat po" Nakangiti kong sabi sakanya

Nagpaalam na rin ako sakanya na tatawagan ko na si nanay at nagpaiwan rin sya kasi doon daw nya itutuloy ang kanyang mga binabasa na documento dahil mahangin. Pagkarating ko ay saktong nandoon na si Callie

"Callie pwede bang pahiram ako ng cellphone mo tatawagan ko lang sandali si nanay" Pakikiusap ko sakanya

"Oo naman kahit matagal wala naman akong masyadong pinag aabalahan dyan" Agad agad nyang binigay ito sakin

Buti nalang ay minemorize ko number ni nanay kaya dinial ko na agad ang numero nya pero walang sumasagot kaya kinabahan ako ang daming what if's na nasa isip ko kaya yung number naman ni Kiara ang tinawagan ko

"Hello" Sagot nya at napangiti ako

"Si Serenity to" Masaya kong sabi

"Hoy miss ka na naming gaga ka" Mahina nyang sabi sakin

"Kamusta naman kayo dyan? Si Nanay ba nakakausap mo pa or nakita?" Sabay sabay kong sabi sakanya

"Okay na kami wag mo ng alalahanin may bago na rin kaming tinitirahan. Ang nanay mo naman ay hindi ko na nakita pagkatapos nyang ma discharge sa ospital ang sabi nya sakin ay kaya ma daw nya nakipagsagutan pa nga ako pero sabi nya sakin kaya na daw nya ang sarili nya kaya wala na kong magawa" Pagkwekwento nya sakin at tumango ako kahit hindi nya ako nakikita

"Okay lang salamat ng marami. Sana magkita kita ulit tayo soon. Take care always" Sabi ko sakanya

"Ikaw rin. Dito lang ako para sayo alam mo yan. Mahal kita" Malambing nyang sabi sakin at binaba na nya

"Okay na po" Sabi ko kay Callie at binigay ko na rin ang cellphone nya

"Ay oo nga pala habang tumatawag ka kanina pinapasabi ni sir na pumunta ka daw muna sa sala at may sasabihin sya" Sabi nya at mabilis akong tumango

Nagtungo agad ako sa sala at nakita ko sila Tita at Katherine na naka crossed leg habanag nanonood ng tv. Shocks nakakahiya naman ako nalang ang hinihintay. Umupo na ko sa bakanteng upuan at sinundan nila ako ng tingin pero ang mag ina ay inirapan lang ako. Real talk gusto ko ng kunin ang mata nila

"Bukas ay magkakaroon ng isang party imbitado ang pamilya natin" Panimula ni Daddy

"Kasama po ba si Serenity?" Tanong agad ng evil sister ko

"Oo naman kaya nga pamilya" Madiin na sabi ni Daddy

"Hindi naman natin sya kapamilya at baka mapahiya lang din tayo" Walang preno nyang sagot

" Pwede ba Katherine kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka nalang at sumunod sakin" Madiin na sabi ni Daddy

"Yung mga isusuot nyo at mag mamake up ay wag nyo na alalahanin kasi may nakuha na kami bukas sila pupunta dito" Sabi ni Tita at tumango nalang ako

Pagkatapos naming mag usap dito ay nagsimula na akong maexcite kasabay ng pagiging kabado dahil ito ang unang araw na maeexpose ako kasama ang mga bigatin kaya naman maaga akong nagising at ayon lang ang nasa isip ko

"Dear ang ganda mo na kahit wala kang make up kaya light lang yung gagamitin ko para mas mag expose ang beauty mo. Ngayon lang kita nakita dito kasi madalas si Katherine lang ang inaayusan ko" Pagkwekwento nya sakin

"Wala din po kasi ako dito nun" Magalang kong sabi sakanya

Habang nilalagyan nya ako ng kolorete sa mukha ay nagkwekwento sya at nag eenjoy ako dun minsan pa nga nagpapatawa pa sya

"Sige na dear isuot mo na ang bongga mong long gown. Ang ganda mo na" Sagot ng nag aayos sakin

Sinunod ko amg sinabi nya at sinuot ang gown na nakahanda sakin at sobrang ganda nito. Tantsa ko ay mga nasa ilang libo rin ito

"Perfect. Ang ganda ng shape ng katawan mo" Pacocompliment nya sakin

Pagkatapos ng final make over ay bumaba na kami at ganon din ang suot nila si Daddy ay naka three suit, Sila tita naman ay naka long gown na rin

"Ready girls?" Tanong samin ni Daddy at tumango nalang kami

"Let's go" Nakangiting sabi ni Kath

May mga paalala sakin sila Tita at tinatandaan ko naman ito. Mabilis lang kaming nakarating sa party kasi wala masyadong traffic at mukhang alam na ng driver ang mga pasikot sikot kaya siguro nakarating kami agad. Pagkalabas namin sa kotse ay maraming nagflaflash ng camera kaya medyo nailang ako

"Be confident when walking" Bulong sakin ni Daddy at hinalikan nya ako sa ulo

Nauna naglakad sila Tita kasunod si Kath pagkatapos ay ako kasabay ng paghinga ko ng malalim

"Sino kaya yan? Ngayon ko lang nakita ang mukha nya" Naririnig kong sabi mula sa aking gilid

"Kapatid kaya sya ng isang sikat na artista na si Katherine" Rinig ko pang sabi

Malapit na ko sa loob at ngumiti lang ako ng malapad kahit marami akong naririnig sa gilid ko at hindi ko iyon pinansin pero dahil sa isa pang babae ang nagsalita ay nawala na ang ngiti ko

"Anak yan ng criminal. Yung nanay nya ata nagtatago kaya siguro nandito sa manila at pinaampon nako. Ang malas naman ng pamilyang kumupkop dyan" Bulong na sabi ng isa

"Balita ko rin ay nagkanobyo yan ng mayaman siguro naumpog para matauhan kaya iniwan na" Pakikisali ng isa

"Paano mo nalaman?" Sabi ng isang mukhang reporter

"Malapit lang kasi ang aming bahay kung saan sila naninirahan" Sagot ulit ng kausap nya

"Mag iingat kayo dyan kasi sabi nga nila kung ano ang puno sya rin ang bunga" Natatawang sabi ng isang babae at tumawa rin ang dalawa kasabay ng pag iling nila

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon