Friday na. Mag iisang linggo na pala nakalipas ng magkaayos at so far ay okay naman kami. He always fetch me pero minsan ay di ko sya pinapayagan kasi may araw na nag oovertime sya sa ospital.
"Ma'am blooming ka po" Sabi ng secretary ko sakin
"Hindi naman. Baka naninibago ka lang sakin" Sagot ko sakanya at mahina syang tumawa
"Sige po ma'am una na ko. Kunin ko lang po schedule mo tas dalhin ko po sa office mo" Magalang nyang pahayag sakin
Pumasok na ko sa office ko at nakita ko ang maraming nakalagay sa table ko na punong puno. Hindi ko pa kasi naaayos.
"Ma'am yung kay Ms. Elisha po. Ipapakita mo po ngayon yung mga designs mo" Pagpapalam nya sakin
"What time?" Tanong ko sakanya
"10am ma'am" Nakangiti nyang tugon sakin
Ginawa ko na ang mga trabaho ko at hindi ko ginalaw ang personal na cellphone ko para matapos na agad ito.
"Hello Serenity. Nice to see you again" Sabi ni Elisha at tumayo sya tsaka nakipagbeso sakin
"Hi. Eto pala yung mga design baka may magustuhan ka at pwede naman may baguhin na iba kung may gusto kang ipadagdag o ipabawas" Nakangiti kong sabi sakanya
"Magaganda" Finlip nya ang folder "Actually lahat"
"Thank you" Sagot ko naman
"I like this design. May papadagdag lang ako" Sabi nya at pinakita nya sakin
"Sure" Agree ko kaagad
Ayon ang pinag usapan namin ng mahigit isang oras at naiintindihan ko naman lahat yun
"Alam mo pwede ka ng magpa design ng bahay. Kailan ka ba magpapakasal?" Tanong nya sakin
"Siguro soon" Sagot ko sakanya at ngumiti
"Omg edi may jowa ka na? Sino?" Excited nyang sabi
"Uhh.." Alinlangan kong sabi sakanya
"Nevermind na pala. Isama mo nalang mamaya. May hang out mamaya sa bahay namin" Masaya nyang sabi
"Sino kasama?" Tanong ko
"Mga tropa ng asawa ko— oh wait diba ex mo yung isa nyang friend? Baka pumunta rin sya mamaya. It's up to you kung sasama ka or hindi" Sabi nya sakin
"Okay. I'll just text you since I have your number"
"I'll wait for you"
Pagkatapos naman ng pagkikita namin ay may sumunod pa buti nalang ay sa malapit lang kaya hindi na ko nahirapan.
Nanlamig naman ako kung sino ang makakameeting ko. Isa sya sa mga kapitbahay namin sa Palawan at sinisi kami dahil nasunog ang bahay nila.
"Oh, so buhay ka pa pala" Mataray nyang sabi
"Kaya nga nakikita mo ko sa harap mo diba" Masungit kong sabi at ngumisi sya
"Porket architect ka na ang siga mo" Sagot nya sakin
"May ipagmamayabang naman ako" Sabi ko
"Paano kaya kung malaman ni Señorita Olivia na nandito ka na ulit at nilalapitan mo ang apo nya? Hmm" Nakangisi nyang sabi
Nanlamig ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. Kala ko naman ay makakalimutan na nila yun dahil apat na taon na nakalilipas pero hindi pa pala.
"Sino ka ba sa buhay nila? Bakit napaka sawsaw mo?" Inis kong sabi
"Ikaw umalam. Anyway, Palagi kang mag ingat. Sana kapag nakita kita buhay ka pa" Nakangisi nyang sabi at kumuyom ang kamao ko
![](https://img.wattpad.com/cover/263604541-288-k346019.jpg)
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Novela JuvenilScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...