Nandito kami sa garden habang nakaupo sa swing pero hindi kami magkatabi sya ay nasa harap ko. Walang nagbabalak na magsalita at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso
"Anong gusto mong pag usapan natin?" Malamig kong sabi at pinigilan ko mautal dahil sa kaba
"Dapat galit ako dahil sa pag iwan mo sakin ng walang paalam pero wala din. Kasi palaging nalulusaw ang galit ko sayo. Mas naninibabaw ang pagmamahal ko sayo. I miss you so much. Please take me back" Mahina nyang sabi at yumuko sya
"Hindi pwede. Girlfriend mo si Katherine. Girlfriend mo ang kapatid ko. Nahihibag ka na ba?" Matapang kong sabi sakanya
"Kailan ko ba pinaramdaman sayo na may iba ako?" Balik nyang tanong sakin
Totoo yun never nyang pinaramdam sakin ang ganon pero iba na ngayon paano kung gagamitin lang nya ako para makita si nanay. Nakakatakot ulit sumugal.
"Alam mo naman na ang nanay ko ang dahilan kung bakit nawala ang papa mo diba" Straight forward kong sabi
"Wala akong pakialam. Hindi ikaw ang may gawa nun kaya wala kang kasalanan" Seryoso nyang sabi
"Paano ang mama mo? Paano ang lola mo?" Nag aalala kong tanong
"Anong kinalaman ng pamilya ko sa relationship nating dalawa? Did they do something?" Seryoso nyang sabi at umiwas ako ng tingin
Natatakot ako paano kung nalaman nya. Paano kung pati ang pagsunog ng bahay namin. Pakiramdam ko may alam sya.
Alam kong sa sarili ko na mahal ko pa rin sya at sya lang ang mamahalin ko ng sobra. Puso ko na ang nagtataksil para sa sarili ko. Ang daming what if's sa isip ko pero eto parin ako bumabalik pa rin
"Wala noh" Sabi ko at tumawa ng mahina to ease the awkwardness
Nakatingin lang sya ng diretso sa akin at di ko alam kung anong dapar kong gawin
"Can I have another chance? I will not promise you anything but I will make sure to answer your doubts and lessen it. I love you more than anything" Puno ng pag asa nyang sabi sakin habang nakatitig sya
Pagbibigyan ko naman ang sarili ko ngayon at kakalimutan pansamantala ang mga nagpapagulo sa isipan ko
"Okay pero liligawan mo muna ako" Sabi ko sakanya
"Sus! I am sure na ilang araw lang ako manliligaw kasi hindi mo ko matitiis kasi mahal mo pa rin ako" Pang aasar nyang sabi sakin at tinaasan ko sya ng kilay
Maya maya ay may pumasok na isang katulong at nag aalinlangan pa sya kung lalapit ba or hindi
"Ma'am, Sir, sorry po sa abala pero nandyan po ang mag asawa kala ko rin po isang linggo sila sa pupuntahan ayon po kasi ang sabi nila" Magalang na sabi ng katulong
"Okay lang po susunod na rin po kami sa loob. Salamat" Nakangiti kong sabi at tumalikod na sya
"Let's go?" Tanong nya sakin
"Pwede bang wag tayo masyadong magpahalata na okay tayo I mean..." Nahihiya kong sabi sakanya at hinawakan nya ang kamay ko
"Okay baby damulag. As much as I want to this on my way but I can compromise. We will do it on your way" Nakangiti nyang sabi sakin
"I have so many explaining to do. Can you wait for me to open up? Just go with the flow" Sabi ko sakanya
"Of course I will" Sagot nya agad
Binitawan nya ang kamay ko pagkatapat namin sa sliding door para makapasok. Nauna na akong maglakad at nakasunod sya sakin sa likod ng tahimik
"Iho, binibisita mo ba anak ko? Nasa kwarto lang naman sya at kahit busy. I am sure that she can make time for you" Sabi ni Tita at hindi nya pinansin ang presensya ko
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Genç KurguScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...