"Anak, gusto mo na ba sumama sakin?" Nakangiting sabi ni Tatay sakin
"Nasaan ako? Patay na ba ako?" Tanong ko sakanya
"Hindi pa. May karapatan kang mag desisyon kung gusto mo ba o hindi" Sabi nya at nilahad ang kamay nya
Napatingin ako sa kamay nyang nakalahad at napa isip ako. Malaki ang tyansa na gusto kong sumama.
"We are losing her"
"No baby, hindi mo ako pwedeng iwan"
"Charge 100 clear?"
"Clear"
"Sasama ka ba" Tanong ulit ni Tatay
"Hindi ko kaya. Please live"
"Hindi po ako sasama. May naghihintay po sakin" Magalang kong sabi at ngumiti sya
"Okay. Take care always. I know that you have a great decision" Sabi nya sakin
"I love you tatay" Sweet kong sabi
"I love you too. Take care of your mother" Aniya
"She's alive"
Pagkagising ko ay bumungad ang puting kisame at sinubukan kong tumayo pero napapikit ako dahil sa sakit.
"May masakit ba sayo? Wait lang tawagin ko ang doctor" Natatarantang sabi ni Katherine kaya nagulat ako
"Nasaan sila Daddy? Wala ka bang trabaho?" Sunod sunod kong tanong sakanya
"Pupunta na rin mamaya. God! Alam mo ba na sobrang alalang alala kami sayo. Tumawag kay daddy yung hospital na to. Anyway tawagin ko muna" Sabi nya at may pinundot sya sa uluhan ko
Maya maya ay dumating na ang doctor at nanlaki ang mata ko dahil pumasok rin si Dashiell pero na iintimidate ako sa itsura nya. Pinaghalo ang malamig at matalim nyang tingin sakin.
"Natanggal na namin ang bala sa katawan nya at kailangan nyang magpahinga dito" Seryosong sabi ni Dash at tinignan ako
"Thank you Doc" Nakangiting sabi ni Katherine
"Maiwan ko muna kayo" Paalam ni Dash tsaka umalis
Nagkatinginan kami ni Katherine pero ngumiti lang sakin ang gaga
"Sya ang nagtanggal? Ano bang ospital to?" Sunod sunod kong tanong
"Yup. This is his ospital. Alam mo bang tumigil na ang pagtibok ng puso mo pero hindi pa rin sya nawawalan ng pag asa" Nakangiti nyang sabi at wala akong nasagot
Kala ko ay ayaw na nya akong makita at wala na rin syang pakialam sakin kaya nagulat ako.
"Shit" Sabi ni Kath habang nakatingin sa phone nya
"Bakit?" Tanong ko sakanya
"May appointment ako ngayon sa modelling ko but I can't leave you" Sabi nya sakin
"I can handle myself. Go. Pupunta na rin naman ata mamaya sila Daddy" Nakangiti kong sabi sakanya
"Okay. Take a rest muna" Pag gigive up nya kaya napangiti ako tsaka nya ako hinalikan sa pisngi
Pagkaalis nya ay humiga nalang ulit ako at inalala ang mga nangyari simula doon sa may nagpadala sakin ng papel at sa may bumaril sakin. Gustong isipin na ang nanay ni Dash yun pero wala akong ebidensya.
"How are you feeling" Bungad na sabi ni Dash pagkapasok ng room ko
"I am fine" Mahina kong sabi at dahan dahan syang lumapit sakin
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Roman pour AdolescentsScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...