Kabanata 32

59 4 0
                                    

Nakaupo kami sa harap ng dagat ng magkakatabi habang nagkwekwentuhan

"Namiss ko kayo sobra" Out of nowhere kong sabi

"Alam mo bang nag alala kami ng sobra kung anong nangyari sayo at sa nanay mo ng ilang buwan" Hindi napigilan na sabi ni Hazel

"Baka umiyak ka pa nyan" Pang aasar ni Ash sakanya at natawa kami lahat

"By the way this is my sister Katherine" Pagpapakilala ko sa tabi ko at hinawakan ko sya

"Hi, nice to meet you. Thank you for coming here" Nakangiti nyang sabi

"Syempre naman basta si Serenity. Kahit saan man lupalop yan pupunta kami" Sabi ni Ash at natouched ako sa sinabi nya

"Thank you rin dahil hindi nyo pinapabayaan yang kaibigan namin. Sobrang dami ng napagdaanan nyan. Mahal na mahal namin yan kahit minsan gusto na namin itakwil" Sincere ni Hazel kaya sinamaan ko sya ng tingin

"It is my pleasure. Masaya syang kasama at kakwentuhan" Sagot naman ni Kath at natuwa naman ako

"Ano mag dadaldalan lang ba tayo dito? Tara na swimming na" Singit ni Kiara at nagtanggal na ng tshirt

Sumunod naman si Hazel at Ash. Nabigla ako dahil nagtanggal na din si Katherine. Mga ready talaga.

"Pwede bang naka t-shirt or sando nalang?" Tanong ko  at sabay sabay nila akong nilingon

"No. Magpalit ka rin ng two pieces" Sagot ni Kath at napabuntong hininga nalang ako

Nagpalit ako ng two piece sa malapit na restroom at tumingin ako sa salamin. Bagay na bagay sakin ang two piece dahil saking magandang shape ng katawan kaso di lang ako sanay

"Ayan okay na. Ang pretty mo sobra" Pagpupuri ni Hazel at tumago naman ang iba nagsisilbing pag aagree

Nagsimula na kami mag swimming at nagbabasaan pa nga kami kaya napuno ito ng tawanan. Sumakay pa nga ako kay Kiara sa likod nya pero sa huli ay tinumba nya ako sa tubig

"Tara picture tayo" Pag aaya ni Hazel

"Phone ko nalang gamitin natin" Pagprepresenta ni Katherine

May dumaan na babae kaya sakanya nalang kami nakisuyo at maraming pose ang ginawa namin bago kami nagpasalamat

"Ang gaganda natin girls. Post ko sa ig ah" Sabi ni Kath

"Okay lang sakin" Pag aagree ni Ash

Kinuha na nya ang phone nya at pinapanood namin syang nagtitipa

@Austinekath : Bonding with my girls. @greyash @Airakiara @FreshHazel @Serenity.Peace

Pagkapost nya nun ay nagyaya sila na kumain kasi biglang nagutom kaya pumunta kami sa restaurant na malapit

"Sana ganito ulit next time kapag tapos na pasukan natin lahat" Nakangusong sabi ni Hazel

Yes, Kiara is now studying din sabay kami. Bumalik na ang father nya at inalok ito kung saan nya gustong mag aral but she chose to stay here kahit pwedeng sa ibang bansa or lugar.

"Oo naman pwede" Sagot agad ni Kath

I am glad dahil mabilis silang naging close sa isa't isa. Maya maya ay narinig namin tumunog ang cellphone ni Katherine at tinignan nya yun

"Oh shocks" Gulat nyang sabi kaya napakunot ang noo ko

"Bakit?" Tanong ko sakanya agad

Binigay nalang nya agad ang kanyang cellphone sakin kaya bigla akong kinabahan.

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon