Kabanata 4

180 6 0
                                    

Pagkatapos humupa ang mga tawanan namin ay saktong dumating na ang mga pagkain

"Bakit ang unfair ng mundo. Kapag titingin ako sa kanan, kaliwa pati sa harap ko may jowa. When kaya?" Nakangusong sabi ni Theodore

"Wag kang ngumuso baka matuluyan ka ng maging bibe" Natatawang sabi ni Tristan

"Panget nyo" Sagot naman sakanya at kumuha nalang pagkain

Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan sila pati ang mga babae ay minsan ay sumasagot ganon din ako

"Ang ganda mo naman pwede kang maging model baka gusto mo" Malambing na sabi sakin ni Elisha

"Wala akong hilig sa mga ganyan" Sagot ko sakanya

"Nako ganyan din ako dati pero nagustuhan ko rin. Pero kung gusto mo naman. Here may dala akong calling card tawagan mo ko " Nakangiti nyang sabi sakin at inabot ang isang maliit na calling card

"Salamat sa pag aalok" Nakangiti kong sabi

"Baby, baka may magalit kapag sumali sya dyan" Sabi ni Tristan at inakbayan nya ang kanyang asawa

"Huh? Sinong magagalit? Wala naman akong boyfriend" Sagot ko at napatingin ako sakanila at umiling sila

"For future purposes lang naman" Malambing nyang sabi sa kanyang asawa

"Anyway, Taga saan ka pala?" Sagot ni Adira, sya yung napansin ko na kapag tinignan mo sya ay sobrang friendly

"Dyan lang sa malapit sa dagat kung saan tayo galing" Sagot ko sakanya at tumango sya

"Parang masarap tumira dito kasi makakapag isip ka ng mabuti kapag kakailangan at hindi masyadong crowded" Nakangiti nyang sabi at gumanti naman din ako sakanya ng ngiti

Pagkatapos namin kumain ay nagpa bill out na sila di ko alam kung sinong nagbayad pero may hinala na ko na malaki laki ito

"Salamat pala dahil pumayag kayong sumama sa lunch namin" Nakangiting sabi ni Dahlia

"Salamat din po" Sagot ko sakanya

"I know that this is not goodbye because I know that I will see you again soon" Sagot ni Elisha

"Saan pala kayo sasakay pabalik?"Nag aalalang tanong ni Adira

"Baka maglakad nalang kami since medyo malapit lapit lang naman ito kung saan kami pupunta" Sagot ko

Maya maya ay may biglang nagsalita sa likod ko kaya napunya ang mga atensyon nila doon

"Hahatid ko nalang sila tapos susunod ako sainyo" Seryosong sabi ni Karagatan

"Sure Doc" Nakangising sabi ni Payton

We say goodbye to them and feeling ko rin ay magkakaibigan na kami dahil magkakavibe kami

"Saan ko kayo ibaba?" Seryoso sabi ni Ocean

"Karagatan sa ano mo nalang kami ibaba sa ano" Magulo kong sagot sakanya at nagtawanan ang mga kasama namin pati sya

"Sa ano? Kaya mo yan" Natatawang tanong ni Kiara

Hindi man lang ako tinulungan sabihin kung saan kanino ba tong kaibigan sakin ba talaga? Pinagtataksilan na ata ako

"Sa may mga bahay kanina yung nadaanan natin bago pumunta sa kainin" there I said it at tumango sya sakin tsaka ako umiwas ng tingin

Walang nagsasalita samin habang ako ay naka dungaw lang sa labas ng bintana at inaappreciate ang ganda ng lugar

"We are here" Sabi ni Ocean kaya isa isa na kaming bumaba

"Thank you po" Pagpapasalamat nila isa isa at napatingin ako sakanila

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon