"Anong nangyari?" Nag aalalang bungad na tanong sakin ni Kiara pagkadating ko sa ospital
"Wala na kami. Wala na" Pumiyok kong sabi at niyakap nya ako kaagad kaya sinubsob ko ang mukha ko sa leeg nya
Iniyak ko buong puso ko dun. Lahat ng sakit. Galit. Pagsisisi. Criticism na narinig ko galing sa ina ng taong mahal ko
"O my goodness babe" Gulat nyang sabi sakin at hinaplos nyang ang likod ko
"Iniwan ko na sya sa restaurant tapos ininsulto pa ako ng lola nya. Nagsisimula na ang karma sakin" Natatawa at naiiyak kong sabi
"You should rest" Sabi nya sakin at hinila na ko sa extra bed
"Pagkalabas namin dito ay lalayo na kami. Magpapalayo layo na kami" Sagot nya sakin at tanging buntong hininga at tango ang sinagot nya sakin
Tumama ang araw sa aking mukha kaya nasinag ang mata ako pero naramdaman kong may nakatingin sakin at nagulat ako dahil si nanay yun
"Kanina pa po kayo gumising?" Tanong ko sakanya at ngumiti
"Namumula ang iyong mata parang galing ka sa iyak" Sabi nya sakin at napaiwas ako ng tingin sakanya
"Tawagin ko po muna yung doctor para
ka po" Pagchachange topic ko at ngumiti lang sya sakinPagkadating doctor ay lumapit na agad siya sa aking ina at kinausap
"Kamusta naman ang iyong pakiramdam?" Nakangiting tanong sakanya
"Maayos naman na" Sagot nya sa kanyang doctor
"Maaari na syang lumabas ng ospital ngayong araw kailangan lang isettle yung bill ng hospital. Maiwan ko muna kayo.May titignan pa akong ibang pasyente" Nakangiting sabi ng Doctor at tumalikod na
"Ano pong gusto nyong agahan?" Tanong ko sakanya pagkalabas ng doctor
"Hindi naman ako maselan sa pagkain. Ikaw na bahala" Sabi nya at ngumiti sya sakin
"Babalik po ako agad" Sagot ko sakanya at tumango sya
Lumabas na ko ng kwarto at naisipan ko na bumili nalang sa malapit na karinderya kaya naglakad nalang ako kasi malapit lang naman
"Dalawa pong tapa na may kanin tapos dalawang tubig na rin po" Magalang kong sabi sakanya at tumango lang sya sakin
Habang naghihingay ako ay pinagmasdan ko nalang ang paligid at natulala nalang bigla
"Eto na yung order mo" Sabi ni ate girl na nagtitinda
"Salamat po. Magkano po lahat?" Tanong ko sakanya
"110 neng" Sagot nya sakin at naglabas na ko ng pera
Napakunot ang noo ko kaya binilang ko ulit iyon dahil 100 lang pagkakabilang ko
"Anong problema?" Tanong nya sakin
"Kulang po kasi ng sampung piso ang pera ko" Mahina kong sabi kasabay ng paghawak sa aking leeg
"Aba. Hindi ko pwedeng ilibre sayo ang sampung piso. Alam mo namang importante ang bawat piso kaya pasensya na iha kung kailangan mong tanggalin ang isang order mo" Sabi nya sakin
"Pakitanggal nalang po yung" Malungkot kong sabi pero naputol yun nung may naglagay ng isang limang daan sa harapan
"Is that enough?" Malamin na sabi ng isang boses sa likod ko
"Opo. Sobra sobra pa. Eto po yung sukli" Magalang na sabi ni ate habang kinakalikot nya ang belt bag nya
"No. Keep the change" Sagot ng isang lalaki sa likod ko
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Roman pour AdolescentsScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...