"Doc, start na po tayo" Sabi ng staff kaya tumango si Ocean sakanya
I don't know if I am allowed to call him Ocean or dapat Dashiell pero ang importante hindi ko ito isinaboses
"Sabihin ko pangalan mo ah. Sayang opportunity naka bingwit ka ng papi grabe over qualified sa standard natin ang gwapo overload" Bulong sakin ni Kiana at humagikgik pa ang maharot
"Bahala ka nga ingay mo" Sabi ko sakanya at inirapan sya
"Serenity Peace pala name nito pero para sayo baby nalang daw ikaw?" Natatawang sabi ni Kiana at napailing nalang ako. Nagulat ako dahil natawa rin ang mga kaibigan ni Ocean
"Dashiell Ocean. Mine nyo na to. Di kayo iiwan at ighoghost. Loyal na doctor din to" Sagot naman ng isa nyang kaibigan na kala ko ay tahimik lang
"Mga gago kayo. Binenbenta nyo ba ako?" Naiinis niyang sabi sa mga kaibigan nya kaya humagikgik na rin ako
"Parang ganon na nga malay mo naman gumana" Sabi ng isa at nagkibit balikan
"Doc" Biglang sabi ulit ng isang staff at muntik ko na rin makalimutan
Umalis na agad ako at pumunta nalang sa gilid para abalahin ang aking sarili nakakahiya kasi kaibigan ko
"Ano pong pwedeng itulong?" Nahihiya kong sabi sa babaeng nagaayos ng mga gamit
"Aina nalang itawag mo sakin. Kailangan lang naman iarrange to para nas madali kunin mamaya" Sabi ni Aina kaya tumango ako
Tumulong nalang ako sakanya habang sya ay nagkwekwento lang tas sumasagot ako o kaya nag cocomment kung kinakailangan
"Nurse ka dito?" Tanong ko sakanya
"Oo matagal tagal na rin" Sabi nya sakin
"Dito kayo nakatira?" Sunod kong tanong sakanya
"Si mommy nandito tas si daddy nasa manila dun nagtratrabaho kasi mas maraming opportunity doon pero ako ayoko kasi masyado magulo sa syudad mas maganda dito" pagkwekwento nya sakin at sumangayon ako sakanya
Base sa mga kwento sakin ni Kiana ay ganon daw talaga sa syudad dahil ang totoo ay hindi naman talaga sya mahirap. Sa pagkakaalala ko ay ang nanay nya gusto lang ng simpleng buhay
"Pero sayang ang mga opportunity. Ikaw nga pwede ng mag model yung isa sa mga kaibigan ni Dashiell yung asawa non isang model" Pagkwekwento nya
"Wow" Di ko mapigilan na sabi
"Take note girl, international. Feel ko nga bawal ang panget sakanila" Pagtutuloy nya
Dun ko lang napagtagpi tagpi ang lahat sila yung nakita ko nung isang araw na nagsasalo salo
"Naghahanap si Doc ng mag aasist sa kaniya sino pwede?" Sabi ng isang babae na may hawak na papel
"Ikaw na" Bulong sakin ni Aina
"Huh? Hindi naman ako nurse" Sagot ko sakanya
"Hindi naman kailangan na nurse ka. Kasi madali lang naman mga gagawin atsaka iguguide ka naman" Kindat nyang sabi sakin kaya wala na kong nagawa kundi tumango
"Ako nalang po" Sabi ko at tumango nalang sya
Sabay kaming pumunta doon at hindi ko expected na maraming pupunta. Mas maraming mga dalaga na nandito
"Peace come here" Seryosong sabi ni Dashiell kaya lumapit na ko sakanya
"Yes?" Tanong ko sakanya
"Can you get all these medicines?" Sabi nya sakin
" Sure Doc Ocean" Natatawang sabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Teen FictionScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...