Habang nag aayos ako ng sarili ko sa harap ng salamin ay kumakanta ako
"Hahayaan na lang silang. Magkandarapa na manligaw sa 'yo. Idadaan na lang kita. Sa awitin kong ito. Sabay ang tugtog ng gitara.Idadaan na lang sa gitara" Kanta ko at ginawa ko pang kunwaring mic ang suklay
Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa hapag kainan at umupo na agad ako
"Maganda ata gising ng anak ko" Nakangiting sabi ni nanay
"Opo naman. Pinayagan ko na po manligaw si Dash sakin" Nakangiti kong sabi sakanya
"Mukha naman mabait ang batang yon kaya syempre boto ako sakanya" Sabi nya sakin at nag thumbs up pa sya sakin
Nagtext na rin naman sakin si Ocean kanina na hindi kami pwede magkita ngayon kasi mag rarounds daw sya and may schedule sya today
"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong sakin ni nanay
"Baka po mamayang hapon may hahang out po kami ng mga kaibigan ko" Pagpaalam ko sakanya
"Oo naman papayagan kita. May tiwala ako sayo anak" Nakangiti nyang sabi sakin
Eto ang gusto ko sakanya kasi pinagkakatiwalaan nya ako and that is enough for me. Wala akong ginagawa kaya tumulong nalang ako sa gawaing bahay nakakamiss na rin kasi minsan
"Nay, magluluto ka na ng tanghalian?" Tanong ko sakanya habang tinatapos ang pagwawalis
"Oo. Pwede bang hiwain mo to?" Tanog nya sakin at sumang ayon agad ako sakanya
Habang naghihiwa ako at pinagpapatuloy ni nanay ang pag luluto ay nagkwekwento sya
"Malapit na pala ang kaarawan mo noh" Pagpapaalala nya sakin
"Matagal pa po yun wag mo na munang isipin" Sagot ko sakanya
"Basta. Mag iipon na ko para makapagcelebrate tayo minsan lang naman sa isang taon ang kaarawan mo" Nakangiting sabi nya sakin
"Sige po ikaw bahala okay lang po sakin kahit ano" Pagsusuko kong sabi sakanya
Pagkatapos naming magluto ay nagsaing na rin ako para kapag nagutom ay pwede na agad agad kumain
"Mare, mag majong tayo o mag tong its dalian mo minsan lang" pag aaya ng kaibigan ni nanay na nandito
"Sige kumain na muna kayo kung gusto nyo" Sabi ni nanay at ngumiti ang mga kaibigan nya
"Saktong sakto gutom na rin kami" Sagot ng isang matanda at umupo na agad
Pinagsilbihan ko nalang sila habang nakikinig sa mga nagkwekwentuhan sila pero minsan ay sumasagot din ako
"Kailan mo balak mag aral ulit?" Tanong ng isang matands
"Kapag po siguro may ipon na ako sa trabaho ko" Magalang kong sabi sakanya
"Nakahanap ka na pala ng trabaho buti tinanggap ka" Mahinahon nyang sabi sakin pero ngumiti lang ako
Medyo na offend ako sa sinabi nya kasi parang iba ang pinupunto nya pero di ko pinakita iyon kaya pumunta nalang ako sa kusina para magbalot ng pagkain kasi dadalhan ko nalang ng lunch si Ocean
![](https://img.wattpad.com/cover/263604541-288-k346019.jpg)
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Novela JuvenilScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...