Ilang araw na kong nandito sa ospital minsan ay nandito ang papa at mama ni Ocean kasama si Senyorita pero madalas sila Tita pati si Daddy syempre kasama si Katherine. Si nanay naman ay minsan lang.
May araw na nagkasabay silang lahat pero naging casual naman sila. Medyo awkward pero okay naman. Walang nangyaring sagutan o ano man.
"Iho, kailan pwedeng makalabas ang anak ko?" Tanong ni Daddy habang seryosong nakatingin kay Dash
"The day after tomorrow po pwede na pero sa bahay muna sya magpapahinga" Mahinahon na sagot ni Dash at tumingin sakin
"That's good to here. Nararamdaman ko na hindi ito ang huling pagkikita natin" Nakangising sabi ni Daddy
"Po?" Sagot ni Dash
"Parang may something kayo ng anak ko tinginan nyo palang" Sabi ni Daddy at tumikhim si Dash tsaka napahawak sa ilong nya
"Omg I am so excited. Marami akong ikwekwento sayo pag uwi natin sis" Pag iiba ng topic ni Katherine at ngumiti ako
"Una na po ako. May schedule pa po ako" Magalang na sabi ni Dash at yumuko ng kaonti tsaka lumabas
Nagtinginan lang kami ng umalis si Dash at ngumisi sakin si Kath pati si Tita
"Matagal na kayo?" Tanong ni Daddy
"Opo" Pag aamin ko
"Hindi ako hahadlang sa inyong dalawa dahil matatanda na kayo. Basta iingatan ka nya" Sagot lang ni Dad at ngumiti ako sakanya
"Para nga akong babasagin dun sobrang ingat sakin" Pangjojoke kong sabi at natawa sila
"Have you talk to your mom?" Tanong ni Tita sakin at sumeryoso sila
"Yes po. Pumunta po sya nung isang araw" Sabi ko sakanya
"That's good to hear" Nakangiti nyang sabi at biglang may tumawag sakanya
"Excuse me. I will just answer this call"
Pagkalabas nya ay kaming tatlo nalang naiwan dito. Si Katherine ay nakaupo sa upuan habang nagpipicture.
"Excited na ko na makauwi ka sa bahay. Ang tagal din kitang hindi nakasama" Nakangiting sabi ni Daddy
Maya maya ay bumalik na si Tita at nagpaalam na sila ni Daddy dahil may business trip pa sila. Si Katherine naman ay may schedule pa syang modelling.
Nanood nalang ako ng television at pagsapit ng hapon ay binisita ako ni nanay na nakangiti
"Nak, may dala akong mga pagkain baka kasi ayaw mo na ng lasa ng pagkain dito" Nakangiti nyang sabi at tumango ako
"Wow, puro favorite ko" Masaya kong sabi
"Aba syempre naman" Sagot nya agad sakin
"Tara po kain tayo saluhan mo po ako" Pag aaya ko sakanya
Habang kumakain kami ay sinasabayan namin ng kwentuhan para naman ay mas masaya at nakakamiss rin kasi nag kwekwento yung nanay mo sayo.
"Nakausap ko na pala yung pamilya ng tatay mo" Pagsisimula nya kaya napatingin ako sakanya
"Kailan po?" Tanong ko sakanya
"Nung isang araw. Nagpasalamat at humingi ako ng tawad sa lahat. Kasi kahit anong mangyari tatay mo parin sya kaya kailangan yun para sayo" Sabi nya at nangingilid ang luha ko
"Nanay" Mahina kong sabi at napaluha ako
"Nako naman ang anak ko" Natatawa nyang sabi at niyakap nya ako ng mahigpit

BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Teen FictionScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...