Kabanata 35

55 4 0
                                    

"Ano bang ginagawa mo dito?" Inis na baling ko sa aking ina

"Di ba nga manghihingi ako ng pera sa tatay mo aba ako nagpalaki sayo" Sabi nya sakin

"You changed" Mahina kong sabi at ngumisi sya

"Ganito talaga ako. Wag ka ngang makialam ilabas mo nalang ang tatay mo" Masungit nyang sabi at akmang maglalakad pero pinigilan ko sya

"Sige. Subukan mong humakbang ng isa tatawag ako ng pulis ipapadakip kita" Maowtiridad na sabi ni Donya

"Kapal naman ng mukha mo. Wag kang magmalinis dito. Tinatago mo pa ang baho mo" Nakangising sabi ni nanay kasabay ng pagngisi

Naglabasan na ang mga bisita kaya kinabahan na ako bigla at sinubukan hilahin sya paalis dahil sa aming mga atensyon na nakukuha

"Pera lang ba ang gusto mo?" Tanong ni Donya at kumuha ng pera sa kanyang wallet

"Ayan magpakalunod ka sa pera. Tutal simula dati pa ay mukha na talagang pera ang pamilya nyo"

Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila kaya lito akong napabaling sa matanda

"Kulang pa nga to sa ginawa nyo sa pamilya namin" Sabi ni nanay sakanya

"Hindi pa ba sapat ang pagpatay sa anak ko ha" Galit na sabi ng matanda

"Hindi ka sure" Nakangiting sabi ni nanay kaya kinabahan ako bigla

"At ikaw babae ka. Lumayo ka sa apo ko. Ayoko ng criminal sa pamilya namin. Puro kahihiyan lang naman ang binibigay mo. At anong iaambag mo sa buhay nya? Puro sakit? Gumising ka iha, ang mga dapat sa mga katulad mo kapantay mo na anak ng criminal. Ganon dapat ang kasintahan mo hindi yung pumapatol ka sa may magandang career para bumango pangalan mo. Edi manggagamit ka rin" Nakangising sabi ng matanda kaya hinila ko na si nanay

"Teka anak kunin ko lang ang mga pera sayang" Sabi nya na parang walang nangyari

Umalis na kami doon na dahil sa kahihiyan na dala ni nanay

"Ano ba talagang problema mo ha? Parang hindi mo ako anak na itinuring?" Tanong ko sakanya

"Dahil sayo pinagpalit ako ng tatay mo sa ibang babae at dahil sayo wala na sya sakin" Galit nyng sabi sakin at kusang tumulo ang luha ko

"Bakit naging kasalanan ko pa? Pero nung mga nakaraang taon hindi ka naman ganyan" Mahina kong sabi sakanya

"Kasi iniisip nya ang kinabukasan mo kaya ka napadpad dito kaya nakilala nya ang bago nyang asawa at dahil nangako ang iyong ama na kukunin ka nya sakin pagkasapit ng iyong labing walong kaarawan." Sagot nya sakin

Hindi ko alam na nangungulila pala sya sa aking ama. Kala ko naging sapat na kong anak para ipakita ko ang pagmamahal ko sakanya. Sinikap ko naman na sundin lahat ng gusto nya pero kulang parin.

Pagkarating namin sa tutuluyan namin na maliit na apartment ay pumasok na agad ako doon tsaka umupo sa may upuan na maliit

"Nagugutom ka ba?" Malamig nyang tanong sakin

"May tanong ako" Sabi ko at hindi inintindi ang tinanong ko sakanya

"Ano yun?" Sagot nya at umupo sya sa aking harapan

"Anong tinatagong kasamaan ni Donya?" Seryoso kong tanong at umiwas ng tingin

"Hindi mo na kailangan alamin" Mabilis nyang sabi at akmang tatayo pero pinigilan ko sya

"Please" Bumuntong hininga nalang sya kaya hinintay ko syang magsalita

"Nung college may nakilala ang babae ng isang lalaki, palagi silang magkasama na aakalain mo ay magnobyo hanggang sa umusbong ang damdamin ng dalaga at binata kaya nagkatuluyan sila pero" Mahinang sabi ni nanay

Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon