"Tangina naman. Miss na miss kita bigla mo nalang ako iniwanan ng walang pasabi tas ayan ibubungad mo sakin" Galit nyang sabi at pinasadahan nya ang buhok nya
Nagpaalam na ang kaibigan ko sakin at umalis na para mabigyan kami ng privacy habang nag uusap
"Bakit? Anong gusto mong isipin ko kung bakit ka lumalapit sakin? Kung wala ka ng gustong sabihin baka pwede na kong umalis" Malamig kong sabi sakanya at nilampasan ko sya
"For the last month, I don't know if I call that living kung alam mo lang halos baliktarin ko na ang mundo mahanap ka lang. Di ko alam kung bakit mo ako iniwan" Mahina nyang sabi
Hindi ba sinabi sakanya ng lola nya kung paano nya ako komprontahin
"Save your dramas. I don't need it" Mataray kong sagot
Pumunta nalang ako sa malapit na Mcdonald's kasi nag cracrave ako sa nuggets. I need many of it kasi naiinis ako kay Dash
"Ang pogi talaga ni Dash noh? Paano mo sya nakikala?" Bungad na sabi ni Grachie
"Wag kang maingay ah" Sabi ko sakanya at tumango sya
"He is my ex" Pabulong ko na sabi at hindi nya alam kung mag sisigaw ba sya
"Gaga ka sobrang swerte mo naman nakabingwit ka ng isang greek god" Nakangiting sabi ni Grachie at nagkibit balikat nalang ako
Dumating na ang order namin at kinulit nya ako na mag kwento pero hindi ko pinaunlakan kasi wala din naman kwenta
"Hanggang anong oras ka ngayon?" Tanong nya sakin
"5pm" Sagot ko sakanya
"Sakto. Sabay nalang tayo mamaya" Sabi nya sakin at tumango nalang ako
"Sige tapos kwentuhan nalang tayo sa mall or kaya sa bahay namin" Pag aagree ko sakanya
Mabilis lang ang naging oras at natapos na ang lahat ng klase ko. Sobrang pagod ang katawan ko at nararamdaman ko yun
"Tara na. Excited na ko pumunta sa bahay nyo at marami kang sasabihin sakin" Nakangiti nyang sabi at nauna nang sumakay sa kotse
"Hoy babaita paano naman yung driver mo?" Pagpapaalala ko sakanya
"Okay na. Uuwi na sya itetext ko nalang sya pag magpapasundo na ko" Organized nyang sabi
"Wow ah ready na ready ka masyado" Sarcastic kong sabi
"Syempre naman" Sabi nya agad kaya umiling iling ako sakanya
Pagkarating naman namin sa bahay ay sinalubong kami ng maid at tinanong kung kumain na kami pero sinabi ko na mamaya nalang
"Welcome to my room" Sabi ko sakanya at ngumiti pa
"Shet ang ganda ng room mo lalo na yung combination ng rooms kasi mahilig ako sa mga light colors" Pagkwekwento nya sakin
"Totoo kasi ang calm nya kasing tignan lalo na kapag may problem ka parang nakakagaan you know" Sagot ko sakanya
"Wag na tayo magpaligoy ligoy kwento na agad" Sabi nya sakin at ngumiti
Kinwento ko sakanya kung paano kami nagkakilala at pano kami nagtapos I know that I can trust her kahit ngayon lang kami nagkakilala
"Grabe yung buhay mo parang mala teleserye. Ayun ba dahilan kung bakit wala na kayo?" Tanong nya sa kwento ko sakanya
"Oo. Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sakanya pagkatapos nun. I saw his pain and how he shred so many tears. Nasa tabi nya ako and his lola talk to me. Siguro hanggang dun lang talaga kami" Pagkwekwento ko sakanya
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Teen FictionScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...