"Gutom ka na ba? Alas dose na rin. May handaan kasi samin baka gusto mong sumama" Basag ng awkwardness ni Kiana
"Is it okay? I mean I am not invited to the party and I bet your mom doesn't know me" Diretsong english nyang sabi samin
"Pak na pak englishero ang peg" Bulong sakin ni Hazel
"Okay lang yun. Sasabihin ko kay nanay kaibigan ka namin" Sabi ni Kiana
"Pero bago tayo pumunta dun magpapakilala muna kami" Nakangiting sabi ni Ashleen
"Ako si Hazel ang pinakamaganda sa magkakaibigan. 18 years old. Thank you. Baka gusto mo lang malaman wala akong boyfriend baka gusto mo mag apply" Natatawang sabi ni Hazel
"Pagpasensyahan mo na si Hazel. Nauntog ata nung pinanganak kaya ganyan ako pala si Kiana" Nakangiti nyang bati
"It's okay. She's funny. It's good to have a friend like that" Sagot ni Ocean
"Ashleen pala" Maikling pagpapakilala ng kaibigan ko
Maya maya ay nalipat na ang atensyon nila sakin kaya di ko alam ang sasabihin ko. Serenity or Peace
"Peace pala" Pagpapakilala ko sakanya
"Nice to meet you" Malambing nyang sabi at ngumiti sya sakin
"Tara na baka hinahanap na yung pinamili natin" Pag aaya ni Kiana at tumango kami
Nauna na syang maglakad at pagkarating namin doon ay medyo marami ng tao. Ineexpect ko na to kasi friendly talaga si Tita
"Nay eto na po yung pinapabili mo" Sabi ni Kiana at lumabas si Tita mula sa kusina
"Ang bilis nyo ata" Gulat na sabi ni Tita
"May special tricycle driver po kami tita" Natatawang sabi ni Hazel kaya tumingin si Tita sa likod nya
Nanlaki ang mata ni Tita at base sa reaksyon nya ay parang kilala nya ata kung sino ang kasama naming lalaki
"Good Afternoon po Tita" Magalang nyang sabi at ngumiti ng malapad
" Magandang hapon rin. Parang familiar ka sakin. Ikaw ba yung anak ng may ari ng hospital na pinakamalapit samin yung malaki?" Tanong ni Tita sakanya
See. Ang dami talaga nyang kakilala kaya hindi na rin kami nagulat
"Opo ako po" Magalang nyang sabi at para sakin iba talaga pag nagtatagalog sya
"Sige na pakainin nyo na bisita nyo tapos kumain na rin kayo" Sabi ni Tita at tumango kami
Umalis na sya para makita pa nya ang ibang mga bisita nya mga kaibigan at kapamilya nya
"Tara na kain na tayo" Pag aaya ni Kiara kaya tumango kami
Nauna na sila habang kami ay nasa likod habang tinitignan ko ang mga pagkain ay nagsisimula na kong maglaway. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang plano ko na dalawang pinggan ang kukunin ko o hindi
"You get two plates" Bulong nyang sabi nya
"Huh? Kuha din kita?" Tanong ko sakanya at tumawa sya
"It is written in your face that you want to get two plates because you love the foods" Pagbubuking nya sa iniisip ko at napaiwas ako ng tingin sakanya
Feeling ko talaga nababasa na nya ang nasa isip ko hindi na to maganda promise tapos para pa akong kinakabahan
"Do you need help? I can go back here?" Tanong ni Karagatan sakin
![](https://img.wattpad.com/cover/263604541-288-k346019.jpg)
BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Teen FictionScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...