Pagkatapos kong marinig ang pinag usapan nila nanay ay palagi ko na silang binabantay secretly kung ano ba talagang gagawin nila
Malapit na rin sumapit ang kaarawan ko pero imbes na maging excited eto ako nag alala o kaya natatakot kahit hindi naman ako involve sakanila
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Dash
"Yeah. 100% okay" Pag assure ko sakanya
"I know that you are not. Tell me baby damulag what's wrong? Hmmm? Maybe I can help you?" Sabi nya sakin at he hold my cheek to face him
Pauwiin mo ang parents mo sa manila at tighten the securities they have tapos magbreak na rin tayo kasi sobra na kong nahihiya sayo. I can't look into your eyes na. Gusto kong sabihin lahat yan pero di ko kaya kasi masakit
"Wala nga ito naman. Sasabihin ko naman kung meron. Why don't you take a rest diba kakagaling mo lang sa shift mo" Pagiiba ko ng topic sakanya at ngumuso lang sya sa harap ko. He is cute
"Gusto lang naman kitang kasama. Miss na kasi talaga kita. Like duh feeling ko isang taon na tayong di nagkita" Mataray nyang sabi kaya natawa ako sakanya
"Dapat masanay ka ng mag isa" Bulong ko lang at kumunot ang noo nya
"Ano sabi mo?" Tanong nya ulit sakin and I cleared my throat
"Sabi ko mahal kita tulog ka na baby tanda" Sabi ko sakanya
"Patulugin mo ko" Baby nyang sabi sakin at tumango ako
Masaya syang naglakad papunta sa kwarto nya at na pa iling nalang ako sa kilos nya para aakong nag aalaga ng bata
"Sleep ka na" Sabi ko sakanya at tinabunan ko ang kalahati nyang katawan ng kumot
"I love you" Husky nyang sabi sakin at ngumiti ako
"I love you too" Sagot ko sakanya at hinalikan ko ang noo nya
Pagkatapos ko syang patulugin ay inayos ko ang mga kalat namin sa kusina pagkatapos sa sala tsaka ko napagdesisyunan na bumisita kila Kiara pero bago yun ay nagleave ako ng note kay Dash
"Bakit ka nandito?" Tanong nya agad sakin
"Ouch hindi na ba ako welcome? Sige salamat nalang sa lahat" Pang iinarte ko sakanya at ang magaling kong kaibigan ay tinaasan lang ako ng kilay
"May problema ka ba?" Pag aalala nyang tanong at yumakap ako sakanya
Kinwento ko sakanya lahat ng narinig ko pero syempre hindi ko sinabing sa papa ni Dash yun
"What if kung sa tatay ng pinakamamahal mo nangyari yun. Anong gagawin mo?" Tanong ko sakanya
"Alam mo, it is like choosing between your family and your man pero kung matapang yung girl at kaya nyang sabihin sa boy edi go pero may mga consequences yun or pwede ding itago hanggang sa mangyari yun pero" Sabi nya at sinadya nyang ibitin yung dulo
"Pero?" Seryoso kong sabi sakanya
"Iba ang magiging tingin nya sayo pwedeng anak ng sorry sa word pero criminal or mabalot ang puso nya ng galit at hindi pansinin ang pagmamahal nya sayo" Eye to eye nyang sabi sakin kasabay ng pagkasapol ko dun at the same takot din
"Sana piliin nalang nung girl na sabihin" Pag aambag ko para hindi nya mahalata na ako talaga yun
"Bakit ba interesado ka dyan sa kinukwento mo sakin? Kinikilabutan na ko" Curious nyang sabi sakin at nagkibit balikat lang ako
"Wala lang. Alam mo naman yung isip ko minsan kung ano ano nalang nagagawa siguro kulang to sa tulog kaya ganito" Sabi ko sakanya
"Ewan ko ba sayo babae ka. Ano bang klaseng utak meron ka? Okay lang yan mahal ka pa rin namin" Sagot nya sakin
Ilang oras pa ko nag stay sa kanila at maggagabi na rin inaya pa nga ako ni Tita na kumain pero hindi ko pinaunlakan kasi baka hanapin na ko ni nanay
"Anak may supresa ako sayo" Nakangiting sabi ni nanay
"Ano po yun?" Masaya kong tanong
"May pang handa na tayo sa kaarawan mo" Sagot nya at biglang nawala ang ngiti sa aking labi
"Talaga po?" Mahinahon kong sabi
"Hindi ka ba masayang may panghanda ka na?" Tanong nya sakin
Hindi kasi alam kong ayan yung nakuha mong pera para sundin na patayin ang tatay ng mahal ko
"Masaya po sige po kain na muna tayo" Mahina kong sabi at tumango nalang sya
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagayos ng mga pinagkain at hinugasan na rin. Tahimik lang din kaming kumain dahil wala rin naman ako sa mood
"Akyat na po ako sa taas" Magalang kong paalam at tumalikod na
Tumuloy na agad ako sa aking silid para makapag pahinga. Maya maya ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone at nakitang si Dash yun
"Hello" Sabi ko at narinig ko ang pagtayo nya
"I just woke up and I want to hear your voice" Sabi nya using his bedroom voice damn ako lang dapat makakarinig nyan
"Mag eat ka na dyan tas pag want mong magbaon meron na rin" Sagot ko sakanya
"You sounded like my wife. I like that" Playful nyang sabi at namula ang pisngi ko
"Heh kung ano ano sinasabi mo syempre concern ako sayo duh" Masungit kong sabi at tumawa lang sya
"Okay okay bat ka galit baby. Init ng ulo natin ah" Sagot nya sakin at natawa na rin ako
He is my peace and his laugh is my reliever from my sadness. I will miss this and him. Ilang linggong nakalipas ay narinig ko na ang pinaka kinakatakutan ko
"Kailanganan na nating gawin ang plano. Maayos na doon at makakasigurado na tayo na hindi tayo papalpak" Sabi ng isa
"Tara na" Sagot naman ng isang lalaki at nauna na silang labas
Habang ang aking ina ay nagpaiwan muna kaya eto ang ginawa kong tyempo para lumabas na
"Nay itutuloy nyo parin?" Mahina kong sabi at nagulat sya
"Ang ano?" Maang maangan nyang tanong kaya natawa ako ng mahina
"Maglolokohan pa ba tayo? Alam kong balak nyong patayin ang tatay ng mahal ko. Kaya mo bang gawin yun kahit alam mong masasaktan rin ako" Sunod sunod kong sabi sakanya
"Ginagawa ko to para sakin. Para may pangkain tayo sa araw araw at para sa selebrasyon ng kaarawan mo" Madiin nyang sabi sakin
"Hindi ko po kailangan ng pang selebrasyon kasi okay na sakin na magkasama tayo" Sabi ko sakanya at umiwas sya ng tingin
"Hindi na ko pwede umatras sige na matulog ka na at isipin mo nalang na wala kang narinig" Sagot nya sakin at malapit na kong magalit sakanya
"Grabe kayo hindi kayo naawa sa taong yun pwede ka naman manghingi sakin bibigyan kita pero eto pa rin pinili mo" Malamig kong sabi at tumalikod na sakanya tsaka ko pinahid ang mga luha na naguunahan na pumatak sa aking mga mata
Humiga nalang ako sa kama at tumingin sa kisame. Pinagdasal ko na sana may pumigil sakanya o kaya kung may natitira pa silang malasakit ay sana hindi nila ituloy
Ilang oras makalipas ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong mag aalas syete palang. Kinabahan agad ako kasi bumungad sakin ang pangalan ni Dash at nanginginig kong kinuha to
"Hello" Mahina kong sabi sakanya at mga hikbi lang nya ang sumalubong sakin
"Baby, My father is dead. He is found dead" Nanghihina nyang sabi at tumulo na rin ang luha ko

BINABASA MO ANG
Sketching the Messy Future (Scars of Pain Series #3)
Novela JuvenilScars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil sa kahirapan ng buhay ay wala na syang nagawa kundi gawin ito. Namulat sya na pawang kasinungalingan...