12

26 6 1
                                        


Three weeks had been passed since that day, hindi kami nag-uusap ni papa at alam kong iniiwasan niya ako dahil galit padin siya saakin. Si mama naman lagi niyang sinasabi na hayaan ko nalang daw si papa dahil ganoon lang daw talaga iyon.

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon, Rachel's calling in our group chat. Nang sagutin ko ito, andon nadin si Zeri at Kyra. Ang bilis naman nila. "Bakit anong meron?" bungad ko sakanila.

[Ayan ang napapala ng hindi nagbabasa sa groupchat!] sabi ni Zeri saakin, inirapan ko lang siya at hindi nalang nagsalita dahil totoo naman yon.

[Girl tara dito sa bahay, overnight kayo bilis!] Pang yaya naman ni Rachel.

[Bakit ba Rachel? Sawa ka na bang maging mag-isa?] Natatawang sabi ni Kyra kaya minura siya ni Rachel.

"Wala ba kayong mga trabaho?" tanong ko naman sakanila at tinurn off ang cam ko dahil mag-aayos na ako ng mga gamit ko. Wala akong balak mag-overtime ngayon.

[I'm doing my plates right now pero nandito lang naman ako sa Condo ko.] Natatawang sabi ni Zeri.

[Kakauwi ko lang galing trabaho] sabi naman ni Kyra.

[CEO ako kaya I can do what ever I want.] Mayabang na sabi ni Rachel.

Natapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko kaya kinuha ko na ang cellphone ko. "Ang yabang mo Rachel." Ani ko habang naglalakad na palabas ng kompaniya, hindi ako masusundo ngayon ni Vincent dahil his out of town with my boss, hindi na din naman ako sinama ni Mr. Mercado dahil hindi niya naman daw kailangan ng Secretary doon. Sa sususnod na araw pa ang uwi nila.

[Ako lang ito! Pag-inggit, pikit.  Punta kayo ha, dito na kayo matulog kaya bring clothes, see you everyone] And then the call ended.

Umuwi muna ako sa bahay bago pumunta kila Rachel, nagpaalam ako kay mama na kila Rachel lang naman ako pupunta kaya wala silang dapat ipag-alala. Hindi naman ako pinansin ni papa kaya umalis nalang ako, pumayag naman si mama eh.

Nang makarating ako sa mansion ni Rachel ay agad naman akong pinapasok ng mga katulong niya, hinatid ako sa may pool area dahil nandoon na daw ang kaibigan ko. "Late ka nanaman Ms. Audrey Mae!" bungad saakin ni Zeri.

"I'm not, sadyang maaga lang kayo." Sabi ko sakanila, mas malapit lang din kasi sila dito kaya mas nauna sila saakin dumating. "Bakit andito kayo sa labas?" Inis na sabi ko sakanilang tatlo.

"Oo nga, why are here?" Takang tanong din ni Rachel kaya binatukan siya ni Zeri.

"Hoy, bawal tayo dito sa labas baka lamukin si ma'am Rachel!" Pang-aasar naman ni Kyra kay Rachel kaya binatukan siya nito. Nagbabatukan na sila kaya nauna na akong umalis doon baka madamay pa ako. Sumunod naman sila agad saakin.

Pumasok nadin kami sa loob at dumeretso sa kwarto ni Rachel, ewan ko ba sakanila kung bakit nandoon sila kanina.

Napakalaki ng kwarto niya, halos bahay lang namin ang kwarto niya. Ang yaman nito ni Rachel pero mag-isa nalang naman siya sa buhay niya, ewan ko ba sakaniya bakit hindi nalang siya tumira sa mas maliit para naman hindi siya malungkot palagi.

"Ano bang meron bakit nagyaya ka Chel?" Sabi ko at umupo sa sofa niya dito sa loob ng kwarto niya.

"Akala mo naman itong si Audrey napakahalaga ng oras at bawal niya na tayong makita!" Sabi ni Rachel at umakto pang parang nagtatampo.

"Kadiri, hindi mo bagay Chel!" Natatawang sabi ni Zeri sabay palo ng unan kay Rachel, gumanti naman si Rachel sakaniya kaya ang nangyari nagpaluan na sila ng unan na parang mga bata. Pinapanood lang namin sila ni Kyra sila.

"Anyare sainyo ni Zayn, siya naghatid sayo nung valentines ha?" Nakangisi kong sabi kay Kyra. "Are you back together na?"

Napakunot naman ang noo niya, "Zayn? Kayo ang naghatid saakin sa bahay sabi ni mommy." takang tanong niya saakin, nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinahalata. Hindi naman ako lasing noon kaya naalala ko si Zayn iyon staka hindi namin siya hinatid ni Vincent.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon