05

29 8 4
                                        

He give me a soft kiss before he leave, naiwan lang akong nakatulala sa pwesto ko dahil sa ginawa niya. "Grabe kana Audrey! Sana all may gandang pang hatak ng CEO!" Natauhan nalang ako nang pinalo ako sa braso ng katrabaho ko.

"Ha? Excuse me, tinatawag na ata ako ni Boss." Pagkukunwari ko sabay balik na sa floor kung nasan ang table ko.

The day went well, sobrang dami nga lang trabaho at nakalimutan ko nang maglunch at merienda, medyo nahihilo na din ako. It's already 6:00 pm kaya end of work time na, wala naman akong dahilan para mag-over time kaya umuwi na din ako. Alas-tres nang umalis ang boss ko dahil may out of town pa siya with his family.

"You didn't eat? You look pale Audrey."

"Ay punyemas!" Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa tabi ko habang nag-aayos ako nang gamit ko para makauwi na ako. "Para kang kabute Vincent! Paano ka nakarating dito?"

"Nagdrive, sumakay ng elevator--" agad kong pinutol ang mga walang kwentang binabanggit niya.

"Pagod ako Vincent, huwag mo ako gaguhin." Inis na sabi ko sabay iwan sakanyan doon, naramdaman ko namang sinundan niya ako.

"Kaya ka nagkakasakit kasi nagpapalipas ka lagi ng gutom, masyado kang workaholic." Sabi niya nang makapasok kami sa elevator. Hindi ko nalang siya pinansin at sumandal nalang sa malamig na railings, he clicked the parking floor button sabay tabi sakin.

Tahimik lang kami dalawa hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. He opened the door of passenger seat for me kaya pumasok nalang ako doon. "Let's eat at the restaurant, you need to eat." He said before starting the engine of his car.

"No need, kailangan ko nang umuwi samin." Sabi ko sabay sandal sa upuan sabay pikit, sinabi ko na din address namin para alam niya.

"Eat there okay?" Narinig kong sabi niya kaya tumango nalang ako.

Madali lang ang naging byahe dahil hindi naman kami na traffic. The whole ride was silent and no one dared to talk. "Salamat, una na ako." Pagpapaalam ko. 

Lalabas na sana ako nang sasakyan niya ng pigilan niya ako. "Sunduin ulit kita bukas, take care." Tumango lang ako at hindi nakipagtalo sakaniya sabay labas na, nahihilo talaga ako.

He opened the car window, "Eat Audrey, alagaan mo sarili mo, pumasok kana." He said like his my dad.

"I will." I show him a small smile before turning my back.

"Anak boyfriend mo ba yon?" Bungad sakin ni mama na nasa harap ng bintana nang makapasok ako ng bahay, hindi ko pa nga nasasara ang pinto.

Napahawak ako sa ulo ko dahil mas akong nakaramdam ng hilo.  "Ma hindi, may ulam na ba? Kain--" and then I passed out.

I wake up in a white room, inikot ko ang paningin ko sa paligid and I saw my mom sleeping at the couch. "Ma..." mahinang sabi ko at hindi ko alam kung magigising ko ba siya.

Napatingin ako sa pinto ng biglang may pumasok, si Vincent na may dala dalang pagkain ata. Nagulat siya nang makitang gising na ako, "Tita gising na po si Audrey!" dahil sa sigaw niya ay nagising si mama.

"Audrey!" Agad akong nilapitan ni mama. "Vincent pwede bang tumawag ka ng doctor?" paki-usap ni mama.

"Opo," agad na nilapag ni Vincent ang dala niya sa mini table sabay labas.

"Ayos ka lang ba anak? May kung anong nararamdaman ka ba?" Nag-aalalang tanong ni mama sakin.

"Ma ayos lang po ako, bakit pa po niyo ako dinala sa hospital? Dagdag bayarin nanaman toh." Mahinang sabi ko kay mama dahil naghihina padin ako. 

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon