Nakita kong nagulat siya, he didn't expect na sasabihin ko yon. "Uhh, ayaw mo ba?" ang tagal niya na kasing nakatulala saakin, para tuloy akong nahiya.
Nanlaki ang mata niya, "No, gusto ko syempre! Ilang buwan akong nanligaw sayo kaya antagal ko nang hinihintay toh. Nagulat lang ako, love." Tumayo siya sa kinauupuan niya at nilapitan ako. "I'm happy, very happy." masayang sabi niya.
Nginitian ko siya, "Talaga ba?" natawa naman siya saakin at hinawakan ang kamay ko para yayain akong tumayo. Tumayo naman ako, inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya atsaka niya ako hinawakan sa bewang at nagsimula siyang isayaw ako, sinabayan lang namin ang tunog ng violin.
"Pwede na kita ipagdamot sa mga nagkakagusto sayo." Aniya.
"Wala naman nagkakagusto sakin, ikaw lang. Bakit mo nga pala ako nagustuhan?" Takang ko sakanya habang sumasayaw kami.
"Kasi ikaw si Audrey Mae Diaz." mahina ko siyang pinalo sa dibdib dahil sa walang kwentang sagot niya. "Hindi naman kita gusto..." Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, lumapit siya sa may tenga ko at bumulong. "I love you so much."
Napayakap tuloy ako sakanya at sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinab niya, kainis mag-iloveyou lang siya saakin pero kinikilig na ako. Niyakap na din niya ako din ako pabalik at hinalikan sa noo.
"Wala bang I love you too diyan?" Natawa ako at kumalas sa yakap niya, lumapit ako sakanya at bumulong sa tenga niya.
"Mahal na mahal din kita, Vincent."
After ng dinner date namin ay agad kaming pumunta sa club ng resort na ito, nandoon kasi ang mga kaibigan ko. Kahit saan talaga kami magpunta, alak ang kanilang iniisip. "Shot Aud!" agad akong binigyan ni Rachel ng shot glass, kaya ininom ko na lang ito.
Buti naman hindi hard drink, kundi mababatukan ko nanaman tong si Rachel. "Yown very good, hindi ka tumangi. Vincent shot na!" Napailing nalang ako sakanya dahil siya talaga ang pinaka lasinggera samin, akala mo naman malakas, alagain din naman. Kinuha naman ni Vincent yon at hindi na umangal, katabi ko lang siya at nakahawak sa bewang ko.
"Asan si Kyra?" Malakas na tanong ko sakanila dahil maingay dito, wala sa tabi ni Zeri si Drake, hindi ko alam kung nasaan baka may inayos lang. Sa pagkakaalam ko isa ito sa mga Bar ni Drake.
"Gago nakahanap ng foreigner doon sa may table na yon!" Si Rachel ang sumagot at tinuro pa ang table kaya parehas kaming napalingon don ni Vincent.
"Kung single din ako, edi sana may chance din ako magpalahi." Sabi naman ni Zeri kaya binatukan ko siya, tumawa lang naman silang dalawa ni Rachel.
"Marinig ka diyan ni Drake, ewan ko nalang kung hindi kayo mag-away." Sabi ko sakanya.
"Gago charot lang, Drake lang sakalam!!!" Agad na bawi sabay inom ng alak.
"Pano kapag single ka pa Aud? Maghahanap kadin ba?" Bulong sakin ni Vincent, kaya nilingon ko siya. Natawa naman ako sakanya dahil hindi ko pa nga ginagawa pero mukhang nagseselos na siya.
"Hindi ako ganon, noh." Hindi naman talaga. Kapag nagyaya mga tropa kong uminom, ako palagi ang naiiwan sa table habang sila may mga ginagawa ng kababalaghan. "Masyado akong mabait para lumandi."
"Dapat sakin ka lang lumandi." Pinalo ko naman siya sa hita dahil sa pinagsasabi niya, kaya natawa siya sa naging reaksiyon.
"Ewan ko sayo, seloso." Nakita ko namang dumating na si Drake at tumabi agad kay Zeri, kasunod naman nito si Kyra na halos tutumba tumba na kung maglakad.
"Oy, bakit ka bumalik?" bungad naman ni Rachel sakanya.
"Tangina pass ako, may lahi nga ambaho naman ng hininga." Muntik ko nang mabuga yong iniinom ko dahil sa sinabi niya tapos si Zeri at Rachel ay tumawa ng malakas. "Gusto pang halikan ako, kadiri!" Dagdah pa nito kaya natawa kaming lalo na tatlo. Kitang kita ko ang pandidiri ni Kyra dahil sa facial expression niya habang nagkukwento.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romansa⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
