"Az--"
"Vincent, Let's go you're drunk," sabi ni Drake bago pa maituloy ng anak ko ang sasabihin niya at hinila na si Vincent palabas ng bahay ni Rachel.
Halos mahirapan pa si Drake sa paghihila sakaniya dahil pagewang-gewang ang lakad nila habang inaalalayan ang pinsan niya.
Hindi ko napansin na lasing na pala siya, hindi naman kasi halata. Madami ba siyang nainom? Hindi ko napansin dahil sa mukha niya lang naman ako tumitingin habang lumilipad ang isip ko.
Kung lasing talaga siya ay sana huwag niyang maalala ang nangyari, alam kong makilala niya si Azi kung sakali man dahil magkamukhang magkamukha sila.
"Mommy who is he?" Napalingon ako sa anak ko at tumayo na sa pagkakaluhod.
"Halika na Azi, bumalik na tayo sa kwarto." Hindi ko sinagot ang tanong niya, ayoko mag-sinungaling at hindi pa ako handang sabihin sakaniya na tatay niya iyon.
"Next time kapag may night party si tita ninang Rachel, huwag kang pupunta ng walang kasama." Sabi ko sakaniya habang pinapaliguan ko siya para maging mahimbing na ang tulog niya.
"Why?"
"Stop asking Azriel, you're too young to know everything." Walang emosyong sabi ko habang sinasabunan ang katawan niya. Tumango lang naman siya saakin at hindi nagsalita pa.
"Taas kili-kili," I said para masabunan ko ang kili-kili niya. Ginagawa naman niya.
Nang matapos ko siyang sabunan ay agad ko siyang binanlawan.
"Done na po mommy?" Tanong niya nang punusan ko siya ng tuwalya atsaka siya binalutan nito. Sa bawat ginagawa namin ay may palagi siyang tanong, hindi siya mauubusan ng tanong kahit ang bata niya palang.
"Yes, let's go." Binihisan ko siya agad para hindi siya lamigin at pinahiga na sa kama. Kinuha ko ang ipad niya, binili sakaniya ng mga tita niyang mahal na mahal siya.
"Maliligo lang si mommy tapos matutulog na tayo," sabi ko sakaniya atsaka inabot sakaniya yung ipad para makanood siya ng youtube for kids.
Mabilis lang ako naligo, hindi ko na binalak pang magbabad gusto ko na din magpahinga.
"Sleep na po tayo mommy?" Tinignan ko si Azi gamit ang salamin na nasa harap ko at nagtama ang mata namin.
Ibinaba ko ang suklay at blower sa table at humiga na sa kama, katabi ng anak ko. "Yes Azi,"
"Pero hindi pa po ako inaantok,"
"I can't read you a book, nasa box pa iyon." Kapag pinapatulog ko kasi siya ay binabasahan ko siyang childrens book. "Malalim nadin ang gabi. A baby like you ay bawal magpuyat."
"Okay..." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya, hindi man niya gustong matulog ay umayos na siya ng higa sabay yakap saakin. "Goodnight mommy," napakamasunurin, sana ganiyan siya hanggang paglaki.
"Goodnight baby, happy birthday. I love you," and I kissed his forehead.
Hinintay ko lang siya makatulog bago ako nakatulog din.
"Mommy wake up! Malalate ka na po sa trabaho!" Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang anak ko, hinawakan niya ako pero agad ding inalis. "Ouch mommy, you're so hot!"
Hirap ako umupo sa pagkakahiga, sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sinalat ko ang sarili ko at sobrang init ko nga, nilalagnat pa ata ko.
"Tita ninang! May sakit po si mommy." Napalingon ako sa pinto ng kwarto, si Azi habang hinihila si Rachel papasok ng kwarto.
Hindi ko pala namalayan na lumabas na ng kwarto ang anak ko para tawagin ang tita niya.
Agad lumapit saakin si Rachel at sinalat ang noo ko, "O my god Audrey! You're burning, let's go to hos--"
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romance⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
