"Take your seat, I'll cook for our dinner."
Nilibot ko ang paningin sa loob ng condominuim niya. Ganon pa din naman ito at halos walang pinagbago kumpara sa huling tapak ko when we broke up.
Parang bumalik ang lahat ng memories namin dito sa condo niya. I think this place was so important to us, saksi ang lugar na ito sa pagmamahalan namin ni Vincent at kung paano nasira ang masayang relasyon namin.
Bumuntong hininga ako at inalis nalang sa utak ko ang mga iniisip ko.
Umupo na ako sa sofa niya, "Bakit mo ba ako dinala dito? Ano bang sasabihin mo at kailangan dito pa sa condo mo?" Sabi ko habang nakatitig sakaniya.
Nasa harap ko siya at nakapamaywang habang nakatingin din saakin. Tumuwad siya para magpantay ang mukha namin, sobrang lapit nanaman tuloy namin sa isa't isa.
Tinulak ko siya dahil sa takot kong magdikit nanaman ang mga labi namin. Tumawa naman siya at umayos na ulit ng tayo.
I like his kiss—no I love it. Isang halik niya lang para akong natutunaw.
Pero hindi ibigsabihin non ay magpapahalik ako palagi sakaniya, we're not even in a relationsip for us to do that.
Hindi naman ako ganon karupok. Medyo lang.
"I just wanna be with you..." mariing ingles na sabi niya ng hindi inaalis ang tingin niya saakin.
"Ang secretary at ang kaniyang boss ay hindi dapat nagsasabihan ng ganiyan Mr. Herrera." I formally said, bigla kasi akong nailang!
I saw him smirked and laughed after it.
"Kapag mag-ex pwede naman diba?" Nakangisi niyang sabi at pinagkrus niya ang mga kamay niya sa may dibdib niya.
Hindi ako nakasagot at umiwas nalang ng tingin. "Sa mag-ex na naghahalikan...." dagdag niya kaya binalik ko din ang tingin ko sakaniya.
Napairap ako sa inis kahit na sa loob ko ay nagwawala ang puso ko. I need to act like this, hindi niya pwedeng mahalata na na apektado pa din ako sakaniya.
Tumayo na ako, "Kung wala kang sasabihin, I'll go now."
Lalagpasan ko na sana siya kaso nahawakan niya ako sa braso dahilan para mapahinto ako.
"Stay with me," nilingon ko siya at nakita kong nakatingin padin siya saakin.
"Why would I Mr. He—"
Hinila niya ako paharap sakaniya sabay lapit saakin kaya umatras nanaman ako hanggang sa mapa-upo ako ulit sa sofa.
He bend at nilapit niyang muli ang mukha niya saakin. "Because I say so..." he whispered to my ear.
Umalis na siya at naglakad papunta sa kitchen, naiwan akong nakatulala. Sobrang bilis nanaman nang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang maglapit ang mukha namin.
"Don't you dare to leave without my permission." Narinig ko pang sinabi niya bago siya makapasok sa kusina.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Rachel na malalate ako nang uwi at siya muna ang bahala sa anak ko.
Pagkatapos non ay tumayo na ako para sundan si Vincent sa kusina. Naabutan ko siyang naghihiwa ng patatas.
Tinapunan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy na ulit sa ginagawa niya. Umupo ako sa hightool chair at pinanood siya sa ginagawa niya.
"Ano lulutuin mo?" I asked.
"Chicken Adobo, your favorite. Para naman sa pagkakataon na ito, we will eat adobo with a peace of mind" Saad niya ng hindi ako tinitignan.
BINABASA MO ANG
Truth On Lies (Completed) (Under Revision)
Romance⚠️: The story is under revision Audrey a simple woman and Vincent a billionaire man, build a happy and mature relationship but it turns out to have a nightmare breakup because of lies. A bright plan for their future became black and white when Vince...
