17

22 5 0
                                    

AUDREY

"Azriel Vann..."

"Mommy ayaw ko niyan..." He said and pout. Tinuro pa ang tomato na pinapakain ko sakaniya.

Napabuntong hininga ako, "If you eat this, ibibigay ko na sayo yung chocolate."

"Okay po mommy!" Kinuha niya na sakin kutsara at siya na mismo ang nagsubo ng pagkain niya. I cook a tomato egg for our breakfast.

Medyo hirap pa siya sa pag-gamit ng utensils kaya hindi niya nasusubo lahat. Azriel is turning 5 years old tomorrow, November 7. Habang lumalaki siya ay mas nagiging kamukha niya ang daddy niya.

Hindi ganon kadali ang mag-alaga ng bata lalo na't mag-isa lang ako, pero hindi naman ako iniwan ng mga kaibigan ko at laging nandito sa tabi ko. Halos sila na nga ang gumagastos kay Azriel.

"Mommy why are you staring? I'm finished na po." Nginitian ko siya at umiling. Kinuha ko na sa ref ang chocolate at binigay sakaniya.

"One chocolate for a day, okay?" Tumango naman siya saakin at tuwang tuwa na pumunta sa harap ng TV para manood ng favorite cartoons niya. Naghugas naman na ako pinagkainan namin.

Iniwan ko muna siya doon saglit at pumunta sa kwarto para maghanda para sa trabaho ko. Nakaligo naman na ako kanina bago ako nagluto ng breakfast namin, kaya nagpalit nalang ako ng damit.

I was wearing a white fitted simple t-shirt tucked in a light pink skirt with a blazer also. I just bunned my hair and put on some makeup, I wear black 3-inch heels for my footwear. Kinuha ko na ang gamit ko at sinuot ang ID ko for my work.

I also pack some things for Azi bago ako lumabas ng kwarto. Azi is still busy watching nang makita ko siya.

"Mommy will go to work, kay tita ninang Kyra ka muna ha?" Sabi ko habang pinapalitan siya ng damit.

Pinasuot ko siya ng t-shirt na may print na batman, tapos tinuck-in ko iyon sa pants niya. Pinasuot ko din siya simple footwear.

"Bawal Azi sa work?" He asked.

"Bawal baby sa work. Bakit ayaw mo na ba kay tita Kyra?"

"Gusto ko pero mas gusto ko po sama sayo." Sabi niya na parang iiyak pa.

"Kung pwede ka lang isama ni mommy, isasama ka. Don't be sad na." Sabi ko sabay halik sa cheeks niya. "Let's go na Azi, mommy will be late at work." Sabi ko at pinatay na ang pinapanood niya.

"Okay..." lumabas na kami sa condo ni Zeri, hanggang ngayon ay dito padin kami tumitira dahil ayaw kaming paalisin ni Zeri!

Sobrang hiyang hiya na ako sakaniya kaya ang nangyayari ako ang nagbabayad sa kuryente at wifi, habang siya ay sa tubig. Ayaw pa nga niya dahil kaya naman daw niya pero pumayag na din siya dahil masyado na akong mapilit.

Naghahanap nadin ako ng apartment na mura lang, talagang nahihiya na ako kay Zeri.

"Hi baby Azi!" Bungad ni Kyra nang makarating kami sa bahay niya.

"Tita ninang Ky!" Masayang sabi ni Azi at tumakbo papunta sa tita niya para yumakap at humalik.

"Ky, dito muna si azi ha. Malalate na ako..."

"Sure, no problem." Nakangiting sabi niya saakin. "Say bye to your mommy na, Azi."

Lumapit na siya ulit saakin kaya lumuhod ako para magpantay kami. "Behave okay? Huwag masyadong makulit, buntis si tita ninang."

"Opo. Bye mommy, see you po later!" He said and kissed me.

Sumakay na ako sasakyan na pinapahiram sakin ni Rachel simula nung nagtrabaho ako, ang balak ko nga dito ay bilhin kaso ayaw niya. Ibibigay niya pa nga sakin ito pero tumangi ako at sinabing hiramin ko nalang kung ayaw niya pabayaran.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon