23

24 2 0
                                        

"Hindi ko naman gustong kuhanin iyon dahil hindi tayo ganon..." Umiwas ng tingin saakin si papa.

"Hindi tayo mukhang pera kaso kinailangan namin ng malaking pera para pang opera sa sakit ng mama mo..."

Anong opera? Anong sakit? May sakit si mama? Bakit hindi ko alam?!

"Nagkaroon ng breast cancer ang mama mo anak...kinain ko na lahat ng kahihiyan mabuhay lang ang mama mo...pasensya kana anak." Pagpapatuloy ni papa.

Mas lalo akong naiyak, napahagulgol na ako. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko. Wala na akong pakealam kung mukha ako batang nagwawala dito.

Parang mas lalo akong nasaktan sa narinig ko, bakit hindi nila sinabi saakin? Bakit ngayon ko lang nalaman na may breast cancer pala si mama? Ganon na ba ako ka walang kwenta sa pamilya ito?

Tangina naman, yung mga sakripisyo ko sakanila nabalewala nalang ba dahil nabuntis ako? Parte pa din naman ako ng pamilya ito diba?

"Pasensya kana anak, kaya hindi kita maharap dahil nahihiya ako sayo. Alam kong magagalit ka saakin kung sakaling malaman mo, alam kong ayaw mo nang ganon anak. Sorry." Dagdag ni papa.

Naramdaman kong niyakap niya ako at pilit niya akong pinapatahan. Mas lalo tuloy akong naiyak.

Walang lumalabas sa bibig ko, hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin at kung ano bang dapat kong maramdaman.

Dapat ba akong magalit dahil ang dami nilang tinago saakin. Ang daming kasinungalingan ang iniharap nila saakin.

Tapos ngayon sabay-sabay kong malalaman. Potangina ang sakit, ang sakit-sakit.

"Anak..."

Nang marinig ko ang boses ni mama ay agad kong tumakbo papalit sakaniya at niyakap siya.

"M-mama..." Nahihirapan na sabi ko dahil sa kanina ko pang pag-iyak  at hindi padin kinakalas ang yakap sakaniya.

Niyakap nadin niya ako pabalik, hinagod-hagod pa ang likod ko para patahanin ako. Naramdaman ko din na nakiyakap nadin saamin si papa.

Ganon lang kami hanggang sa nakalma ko na ang sarili ko. Kinalis ko na ang yakap sakanila at tinitignan sila. Lumuluha din pala sila.

"Mama ayos ka na ba? May sakit ka pa bang nararamdaman? Bakit hindi niyo sinabi saakin sana tumulong ako,  hindi yong sa pera pa talaga nung--"

"Anak...okay na ako. Hindi pa naman mamalala ang sakit ko, kaya hanggang maaga pa nagpa-opera na ako. Sa ngayon patuloy lang ako umiinom ng mga gamot na kailangan kong inumin at once a month may check up ako." Hinawakan ni mama ang dalawang pisngi ko at pinupusan ang mga luhang natira doon.

"Huwag ka nang mag-alala, maayos na ang mama. Hindi ko na pinasabi sayo dahil ayokong mag-alala ka, ayoko nang dumagdag pa sa problema mo anak. Alam kong sobrang hirap nang dinanas mo noon kaya ayoko nang makisali pa sa mga iniisip mo anak. Pasensya kana...." dagdag niya pa.

Dahan dahan naman akong tumango. "Ang unang prinsesa ko kahit may anak na, ang baby padin umiyak."

Napangiti naman ako sa sinabi ni mama. "Ma naman eh, basta huwag na kayong magsisinungaling saakin. Akala ko tuloy hindi niyo na ako mahal talaga at talagang tinakwil niyo na ako bilang pamilya."

Tinignan ko naman si papa na ngayon ay masayang pinapanood kami ng asawa niya.  "Papa...Sorry pa..."

"Audrey dapat ako ang humingi ng tawad sayo. Ang dami kong kasalanan sayo anak, pasensya kana kung wala si papa sa tabi mo noong panahon na nahihirapan ka, dapat andoon ako...kami nang mama mo kaso pinangunahan ako ng galit. Patawad anak...patawarin mo sana si papa." Nakita kong tumulo ang luha ni papa kaya agad ko siyang niyakap.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon