25

21 1 0
                                        

"Saan punta mo?" Sabi ni Rachel nang makapasok siya dito sa loob ng kwarto namin ni Azriel.

May dala-dala siyang unan at halatang bagong gising dahil antok na antok pa ang itsura niya. Sabagay mag-aalas kwatro palang naman ng umaga.

Ginising ko kasi kanina bago ako maligo para tabihan niya si Azriel dahil aalis na ako. 

Humiga siya sa tabi ni Azriel na tulog pa. "Nagyaya mag-hiking si Vincent."

Umungol lang siya bilang sagot, tapos tahimik na ulit ang paligid. Mukhang natulog na ulit.

I check my phone nung nagvibrate ito.

From: Mr. Herrera

Nandito na ako sa labas.

Kinuha ko na ang backpack na daldalhin ko. Tignan ko din ang itsura ko sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto.

I was wearing black leggings, a black crop top, and a grey jacket. For my footwear, sneakers lang para it's comfortable to wear. Yung buhok ko naka-ponytail at hindi din ako nag-make up para hindi hassle lalo na at aakyat kami ng bundok.

Lumabas na ako ng mansion ni Rachel, kaya nakita ko na si Vincent na naghihintay saakin habang nakasandal sa sasakyan niya.

He's wearing faded jeans and a V-neck T-shirt. For his footwear, he's wearing boulder boots.

"Tara na?" He said.

Ngumiti naman ako sabay tango. He open the shot-gun seat door kaya pumasok na ako doon.

Umikot nadin siya papunta sa driver seat. "Did you eat breakfast?"

Umiling naman ako sakaniya. "Hindi pa," at nag-seat belt na ako, ganoon din ang ginawa niya bago niya inistart ang makina.

"Okay, daan tayo sa Starbucks. Drive-thru lang."

Gaya nga ng sabi niya, dumaan kami sa drive-thru dahil kahit siya ay hindi pa nagbe-breakfast.

"Saan tayo?" I asked then sip on my iced coffee that we just ordered.

"Laguna. Mount Makiling."

Tumango nalang ako sakaniya bilang sagot. Sa totoo lang, inaantok pa ako.

Hindi ko alam bakit pa kasi kailangan na kasama niya ako. Hindi nalang ako umapila kasi syempre gusto ko din naman siya kasama.

Aayaw pa ba ako? Aarte pa ba ako?

Sa dami niyang kaibigan at empleyado, ako ang niyaya niya diba. Hindi ko din naman alam kung ano ba kami at kung anong meron kaming dalawa.

Ayoko naman magtanong dahil baka magmukha akong assuming.

Siguro magkatrabaho lang kami noh? Boss ko siya, Secretary niya ako.

Oo tama.

Pero may ganon ba na naghahalikan?

Hay ano ba yan Audrey! Huwag mo nalang isipin yon, wala lang yon okay?

Napabuntong hininga nalang ako sabay sulyap kay Vincent na seryoso lang sa pagda-drive. Agad din akong umiwas nang napatingin din siya saakin sabay balik ulit sa daan.

Nahuli niya akong tumingin sakaniya kaya narinig ko siyang tumawa. Anong nakakatawa?!

Hindi ko nalang siya tinignang muli, sa may labas nalang ako tumingin hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.

Ginising niya nalang ako na okay na ang lahat. Yung mga errands na kailangan gawin ay naayos niya na. Kaya pagkagising na pagkagising ko ay umakyat kami agad.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon