01

63 8 5
                                        

"Hello?" Bati ko kay Zeri, kakatapos lang ng trabaho ko nang tumawag siya.

[Nandito kami sa bar ni Drake, Tara na dito!] Bungad sakin ni Zeri, niyaya nanaman nila ako uminom kahit alam naman nilang di ako mahilig uminom ng alak.

"May pinapagawa pa sakin yung boss ko, staka pauwi palang ako Zeri." Sabi ko sakanya sabay sakay sa jeep. "Kung andiyan ka sa bar bakit hindi maingay background mo?"

[Grabe sis puro ka nalang trabaho, sumama ka naman sa night out natin!] She said without even answering my question. Napailing nalang ako sakanya dahil parang wala silang mga trabaho dahil halos gabi gabi silang umiinom. 

"Manong bayad po." Pagbabayad ko at inabot naman ng katabi ko. "Pass ako Zeri." Maikling sabi ko sa kaibigan ko.

[Game ka? Sabi na nga ba't papayag ka din!] What the fuck? May sinabi ba akong sasama ako?

"Hey I'm no--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya na ang tawag.

I was about to text her na hindi ako pupunta but she already texted me na susunduin daw ako ni Drake sa bahay namin. Talaga bang wala akong takas sakanila?

"Manong para po." Agad akong bumaba ng jeep at naglakad na papunta ng bahay.

Sira ang company car na ginagamit at pinapaayos pa kaya ngayon. Commute muna ako.

Nang malapit na ako sa bahay napansin ko agad ang kotse ni Drake na nasa harap ng bahay namin.

Really, andito na siya agad? Napailing nalang ako dahil mukhang planado na nila ang lahat.

Pumasok na ako nang bahay at nakita ko nga si Drake, waiting for me at the sofa. "Anak nandiyan ka na pala, kaibigan mo daw siya at may pupuntahan daw kayo kaya pinapasok ko na." Sabi ni mama na kalalabas lang galing kusina at may dalang juice, inabot niya iyon kay Drake. Kinuha naman ito ni Drake at nagpasalamat kay mama.

"Yeah, he's my friend." Lumapit ako kay Drake at bumulong sakanya. "I can't go may trabaho pa akong gagawin."

"Ako na bahala sa boss mo, he's my friend." Sabi niya sakin habang prente siyang nakaupo sa sofa namin.

"Sige na anak, baka may date pa kayo niyan." Pagbibiro ni mama kaya nanlaki mata ko. She really thinks na manliligaw or boyfriend ko tong si Drake?

Narinig ko naman na mahinang natawa si Drake. "Ma, anong date? Kaibigan ko lang si Drake." Agad na depensa ko, "Boyfriend ni Zeri yang si Drake." Paliwanag ko pa.

"Ay sorry anak, akala ko magkaka-boyfriend kana. Kailan ka ba magkaroon ng kasintahan Audrey?" Tanong sakin ni mama kaya napakamot nalang ako sa ulo sa irita.

"Ma busy ako sa trabaho staka pinapaaral ko pa si Dianna." I explained to my mom kahit ilang beses ko nang nasabi sakanya yan.

Nilingon ko si Drake na nanonood lang samin ni mama habang nakangiti. "Wait for me, magpapalit lang ako ng damit." Tumango lang si Drake sakin kaya pumunta na ako sa Kwarto ko.

Mabilis akong naligo dahil feeling ko ang lagkit ko. I just wear a white pleated skirt and red strappy crop top. Naka white 3-inch heels din ako, I put light makeup and then hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Bago ako lumabas ay kinuha ko ang small purse ko at denim jacket dahil baka lamigin ako, lamigin pa naman akong tao.

Naabutan ko si mama at Drake nag-uusap.  "Ma alis na po kami." Napalingon sila sakin dahil narinig nila akong nagsalita. Tumayo na din si Drake at nagpaalam na kay mama.

Hinatid kami ni mama sa labas ng bahay, "Ma baka sa condo na ako ni Zeri matulog." sabi ko kay mama bago pumasok sa sasakyan ni Drake, tinanguan lang naman ako ni mama staka kumaway.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon