22

32 2 0
                                        

"Mommy gising!!" 

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko nang maramdaman kong may gumigising saakin pero agad din akong napaupo sa pagkakahiga at sinapo ang ulo ko gamit ang dalawang kamay ko sa sobrang sakit na naramdaman ko. 

"Aray..." daing ko,

"Mom, are you okay?" Napatingin ako sa anak ko at dahan-dahang tumango. Hindi siya naniwala sa sagot ko kaya lumabas siya ng kwarto, tatawagin niya daw si tita Rachel niya. 

Anong nangyari? Ang naalala ko ay nasa club pa ako tapos kasama ko si-- WTF

Napahawak ako sa labi ko at parang nagflashback sa utak ko kung paano ko siya hinalikan kagabi. 

"Bakit ko ginawa yon?" Tanong ko sa sarili ko sabay sabunot sa sarili kong buhok ng malala. Kaya mas lalong sumakit ang ulo ko.  "AHHHHHHH!" iritang sigaw ko.

"Hoy Audrey!" Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ni Rachel. 

Tinignan ko siya, kasama niya si Azriel. Yung mukha ng anak ko, parang naguguluhan sa kung anong nangyayari saakin kaya nginitian ko siya at sinabing lumabas muna siya ng kwarto kasi mag-uusap muna kami ng tita niya. 

Lumapit naman saakin si Rachel at umupo na din sa kama. "Anong nangyayari sayo?"

"Paano ako naka-uwi dito? Sino naghatid saakin?" Sunod-sunod na tanong ko. 

Hanggang sa paghalik ko nalang kay Vincent ang naaalala ko kaya hindi ko na alam mga sumunod na pangyayari. 

"Kakauwi ko lang kaninang madaling araw, wala akong alam." Takang tanong niya saakin. 

"Tangina mo naman, wala kang kwenta." Inis na sabi ko at napanguso sabay hawak ng labi ko.

Nang marealize ko kung anong ginagawa ko sa harap ng kaibigan ko ay agad ako napailing at sinabunutan ko nanaman sarili ko. 

Tinawanan niya naman ako, "Ano bang nangyayari sayo? Bakit naloloka ka na diyan?"

"wala!" Sabi ko sabay iling "Si Zeri??? Nasaan siya? Sabay ba kami umu--" 

"I'm here!!!" Napalingon kami ni Rachel sa may pinto nang marinig namin ang boses ni Zeri. Tumakbo naman ito papalapit sa kama at umupo din. 

"Bakit ka andito?" Takang tanong ni Rachel. 

"Hindi ko din alam, bakit nga ba? Paggising ko nasa guest room mo na ako. Ang naaalala ko nalang ay nakikipag sayawan ako doon sa mga college boys--Aray!" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng malakas siyang binatukan ni Rachel. 

"Bakit ka nambabatok?!"

"Gago ka Zeri! Ang tanda mo na tapos mga college kalandian mo? Ano ka sugar mommy?" 

"Tangina mo Chel, kasalanan ko bang masyado akong maganda ha at hindi halatang 31 years old na ako?!" 

"Kapal mo! Gurang ka na hoy!" 

Napailing nalang ako sa kanila at pumasok nalang sa CR para maghilamos. Iniwan ko silang nag-aaway doon. 

Sino ba kasi naghatid saakin? O saamin??? Anong nangyari? May naghatid ba talaga saamin o umuwi kami na mag-isa lang? 

Anong nangyari after ko halikan si Vincent? Did he kissed back--Ano ba yang iniisip mo Audrey!

Kailangan ko pa bang alamin kung humalik siya pabalik o hindi?! Maharot ka Audrey!

Tinignan ko ang itsura ko sa harap ng salamin nang matapos ako maghilamos. Wala na yung make-up ko, pantulog nadin yung damit ko. 

Naglinis ba ako ng sarili ko nang mag-isa? 

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon