08

33 7 1
                                        

"Vincent Carl, anong tong sabi ng receptionist na luxury room ang kinuha natin tapos may tatlong kwarto? Anong gagawin natin sa dalawa?" Inis na sabi ko habang nasa elevator kami at papunta sa hotel room namin. Nasa boracay na kami pero ako naiistress ako agad sakanya.

"Kalma lang, love. Let me explain okay?" sabi ni Vincent na parang wala lang sakanya yon. "Napagdesisyonan namin ni Drake na mas magandang iyon nalang kunin natin,"

"Eh bakit 3 rooms? Maghihiwalay ba ng kwarto yung dalawa? Sus sila pa, eh halos parang tuko yon kung magdikit. May 2 rooms lang naman mas mura pa." Inilabas niya ang card key na binigay samin kanina, nakita kong wala ng ibang pinto sa place na ito. Mukhang napaka laki nga ng kinuha nila kahit di pa kami nakakapasok kasi sinakop nito ang buong space.

"Hotel and Resort ang Business namin diba Audrey? And isa ito sa mga minamanage namin." Napanganga ako dahil ngayon ko lang naalala, so it means wala silang binayaran dito? Kaya naman pala grabe siya kung i-trato kanina ng mga staff, tinignan ko lang siyang buksan ang pinto at natahimik nalang ako.

Pumasok na kami sa loob at nakita kong napakalaki non, para tuloy ako nahiya sa mga pinagsasabi ko kanina. "Its okay love, I know how much you valued money." Nilingon ko siya at nahihiyang ngumiti, niyakap naman niya ako at hinalikan sa ulo.

Nakita kong andito na ang mga maleta namin, mas nauna kasi samin ang mga staff at kinuha ang bagahe namin para sila na ang magdala. May inasikaso pa kasi siya saglit baka kami dumeretso dito.

Malaki ang living room at kusina, tapos may jacuzzi at balcony. Malalaki din an tatlong kwarto, magkakasing laki din naman at bawat isa ay maroon ng CR.

Pumasok na kami sa isang kwarto, malaking kama ang bumungad saamin at meron ding balcony dito dahil yung dulong kwarto ang pinili namin. "Ayusin ko na mga gamit natin."

Nagsimula na akong ilagay ang gamit namin, kaso ramdam kong nakatitig siya saakin kaya nilingon ko siya. "You'll be a best mother, someday Audrey." Out of nowhere sabi niya habang magkatinginan kami.

"Bakit naman?" Takang tanong ko sakanya at bumalik na sa pag-aayos.

"Nothing, Sana ikaw ang maging nanay ng mga anak ko." Napahinto ako sa pagaayos dahil sa gulat na sinabi niya. "Nagugutom ka naba? Lagpas na ng lunchtime. Let's eat love mamaya na yan." dagdag niya na parang wala lang yong sinabi niya kanina.

Napailing ako at hindi na inisip yung sinabi niya, nagpatuloy nalanh ako sa ginagawa ko. "Patapos na ako, saglit lang. Ayokong iwan ng ganito lang toh, ang panget tignan." Hindi na siya nagsalita at hinintay nalang ako matapos. Baka kasi mag away pa kami kung pipilitin niya ako.

Mabilis naman akong natapos kaya hindi na siya naghintay ng matagal, nagcellphone lang naman siya habang naghihintay siya. "Tara na, Vincent." Agad naman siyang tumayo sa pagkakahiga niya, tapos narinig kong kumalam ang tiyan.

Imbis na matawa ako, I feel guilty. "Hindi mo sinabi gutom ka na pala, tara na. Ikaw talaga Vincent, hindi naman ako magagalit kung sinabi mong nagugutom kana."

Nahihiya siya tinignan ako, "sorry, ayoko kasing maistorbo ka. Halika na, kumain na tayo." Kumain lang kami sa isang seafood restaurant, nakadami nga ako ng shrimp tawang tawa naman si Vincent kasi ang cute ko daw kumain hipon. Anong cute doon?

"Gusto mo ba muna magpahinga o punta tayo sa dalampasigan?" Anong ni Vincent sakin habang pabalik kami sa Hotel room namin. Bigla naman akong napahikab kaya natawa kami parehas, "I guess, nasagot mo na ang tanong ko."

Nang makarating sa Hotel room namin ay humilata na ako agad sa kama at madali din akong nakatulog. Nagising ako ng alas singko ng hapon ng makarinig ako ng tawanan sa may living. Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto bago lumabas. "Zeri napaaga ata dating nyo?" sambit ko nang makalabas ako ng kwarto. "Rachel, Kyra??" tawag ko sa dalawang babaeng naka sofa at nakatalikod sa pwesto ko, nasa harap naman nila sina Drake at Zeri na nakaupo din sa kabilang sofa.

Truth On Lies (Completed) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon